Tanggap ni Marian Rivera na hindi number one sa primetime ratings ang pangatlong teleserye nila ni Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (ABHSAT). Hindi naman nawawala sa top three ng Mega Manila ratings ng AGB at TNS ang kanilang teleserye, kasama ang dalawa pang nangungunang shows ng GMA-7, ang Totoy Bato at Zorro.
Marami kasi ang nag-e-expect na dahil sa parehong number one sa ratings ang nauna nilang mga teleserye na Marimar at Dyesebel ay dapat number one din ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Ano ang masasabi ni Marian dito?
"Sa mga ganung bagay, ako kasi sa sarili ko, gumagawa ako ng soap dahil ini-enjoy ko siya. Thank you sa GMA at may another project na naman ako. At ini-enjoy ko kasama ko si Dong dito, kasama ko si Direk Joyce [Bernal]. So, para sa akin, importante lahat ng nangyayari sa akin.
"Lagi ko ngang sinasabi na tanggapin mo yung katotohanan na not all the time number one ako. Not all the time number one yung show ko. Kailangan matuto kang i-accept yun," pahayag ni Marian nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press visit sa set ng GMA-7 teleserye last Friday, April 3, sa New Manila area.
Dagdag niya, "Hindi naman porke't ito sinasabi nila na hindi kagandahan ang ratings, okay lang. At least, nae-explore namin ang kakayahan namin, nag-e-experiment ang GMA, nahahasa ang pagka-mature ko. Kaysa naman sa tweetums lang ako lagi, parang hindi ako nagma-mature.
"Kasi gusto ko rin naman na mahasa ako sa pag-arte. Gusto ko rin naman na mas may matutunan pa ako. So, okay lang , ini-enjoy ko pa rin. At to be honest, love ko talaga itong show na ito. Lahat naman ng show ko, love ko talaga lahat. Talagang lahat ibinubuhos ko talaga lahat, e. Kahit masaktan ako, okay lang. Parte 'yon ng trabaho, e."
Sa lahat ng mga nagawa niyang teleserye, what makes ABHSAT memorable?
"Matured kasi yung role ng Tadyang, e, talagang dibdiban. At saka hindi mo siya puwedeng ibandying-bandying lang yung story niya. Kasi in fairness naman talaga sa istorya nito, para sa akin ha, nagagandahan ako kasi kakaiba siya. At realistic, parang ito talaga yung totoong buhay, e, ito talaga yung totoong nangyayari, e. Kapag may mahal ka, may manggugulo, ganun talaga yung puwedeng mangyari, e. Makatotohanan."
REAL HURTS & PAINS. Aminado rin si Marian na mahirap emotionally at physically ang ABHSAT. Maraming mga eksena ang iyak siya nang iyak. May mga eksena rin na totoong nasasaktan siya. Paano niya kinakaya ang mga ito?
"Okay lang naman po. Siguro... paano ko ba ie-explain? Siguro sabihin na lang natin na gusto ko yung ginagawa ko at saka motivation lang talaga. Halu-halong motivation lang yung iniisip ko. Dyusko, minsan iiyak ako, hindi na talaga ako makahinga sa kakaiyak, nahihirapan na ako nun."
Hindi ba siya nade-drain sa mahihirap na mga eksena?
"Minsan din po. Kasi may mga times na katulad ng sa ospital na eksena namin na ito ipinapalabas na, dyusko, ilang sequence...56 sequences yata, tapos wala akong ginawa kundi umiyak! Lahat iyak, nung sinampal ako ni Ms. Carmi [Martin], tapos may eksena with Homer [Dingdong], tapos hinatak ako ni ganito, ni ganyan. Actually, yung kay Ms. Carmi, totoong sampal yun at saka yung mga tapik niya sa akin, lahat yun totoo," lahad ng aktres.
May mga times ba na napapaiyak na lang siya sa sakit dahil sa totohanang sampalan?
"May mga times na ganun," pag-amin niya. "Nag-sorry naman si Ms. Carmi. At saka umpisa pa lang sinabi na niya na, 'Hoy, sasampalin kita talaga ha.' Sabi ko, 'Opo.' Kasi sinabi din naman ni Direk Joyce, e. Kung hindi naman sinabi ni Direk tapos sinampal niya ako, ay, huwag naman ganun. Pag sinabi ni Direk na papasampal niya ako. Okay po, hindi naman ako nagrereklamo, basta kailangan sa eksena at basta alam ko lang po.
"May mga times naman na hindi ganung kabigat yung mga eksena, minsan nadadaya naman yung pananakit sa akin. Kawawa naman ako kung lahat ng eksena ay sasampalin ako nang totoo, sasaktan ako nang totoo. At saka ang liit ko kaya kumpara kay Ms. Carmi! Yung kalahati pa lang ng kamay niya buong face ko na kaya. E, kasi maliit lang din naman ang face ko, di ba?






I admit I don't like Marian's attitude nowadays specially around dingdong but when it comes to being an actress I definitely think that Marian is way better than anne curtis.
Plus Marian is more masa than anne curtis na mahilig mag-bars at puro gimik ang alam.
e nadagdagan pa mga endorsements nya, magkakaroon nanaman sya ng mga movies this year. saan kaya nila yun nakuha? sa ratings ng abhsat, na talaga namang nawalan siya ng mga kiddie televiewers?
hindi kasi nag iisp ang mga kapams, mataas ang ratings ng marimar at dyesebel kasi sakop nito ang all ages. bata matanda ang nanonood non,
ng magka abhsat, do you think panonoorin pa ba yan ng mga bata?? mag isip! hindi kasi nag iisip! despite na nawalan siya ng kiddie audiences, mataas pa rin ratings nito kahit super mature ang theme nito. nauna kasi ya bang ng abscbn fans, ayan, olats kayo palage, as in!
yaan nyo, pag nag darna si marian, ung hinahanap nyong 40s ratings makikita nyo ulit, dont wory!
for me honestly i hate her..
no offend.,
d ako sa kanya nagagandahan ever since..
kasi kahit bata pa sya mukha na syang matanda diba?
i hate how she act d ko feel
promisee.
coz i saw her one time and shes supladah to the max!
well i really dont care about her kht my nagpapapicture sa kanya dedma lang ako...d ako nag papapicture sa ka2lad ni marian na feeling sikat..
natalo pa nga sya ni kim ehh..
high rating ang tayong dlwa..
at un lng ..natalo na sya..
and beside she dont have an award yet..
unlike anne curtis sooooo pretty..
and gorgeous!! promise ilyk the beauty of anne..and papa p. so handsome..
anyway i love u richard!!!
-pep nahalata ko puro kau GMA ahh!!!
kaya makakar.. kau!!
again i am MARIAN'S FAN, but also love DINGDONG because, YAN loves DINGDONG.
give them a chance..... to grow... let's them experience what is dong without MARIAN.... AND VICE VERSA....
WAG kayong mag away..... may nag papaaway lang sa inyo.... careful kayo winawasak lang ang malaking kampo ng fans ng MARIAN DINGDONG...
I am MARIAN FANS, DINGDONG fan's during TONI days... but when they separated each other.kasamang nawala ang paghanga ko sa kanila.
but its different with MARIAN... for me whoever MARIAN'S wants, so then gusto ko rin... kahit sino partner ... okey lang, basta MARIAN..
WAG KAYONG PADALA... TUWANG TUWA ANG KABILA....PAGTATAWANAN NILA TAYO,,, KUNG TAYO TAYO, nagkakaroon ng samaan ng loob....
Regarding Marian recommending other actors besides Paolo, are you serious? Marian has no control of who GMA hires for their shows. Marian is doing her job, and that's to act and promote the shows. It's not her responsibility to hire actors on her show. Geez ...