Tanggap ni Marian Rivera na hindi number one sa primetime ratings ang pangatlong teleserye nila ni Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (ABHSAT). Hindi naman nawawala sa top three ng Mega Manila ratings ng AGB at TNS ang kanilang teleserye, kasama ang dalawa pang nangungunang shows ng GMA-7, ang Totoy Bato at Zorro.
Marami kasi ang nag-e-expect na dahil sa parehong number one sa ratings ang nauna nilang mga teleserye na Marimar at Dyesebel ay dapat number one din ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Ano ang masasabi ni Marian dito?
"Sa mga ganung bagay, ako kasi sa sarili ko, gumagawa ako ng soap dahil ini-enjoy ko siya. Thank you sa GMA at may another project na naman ako. At ini-enjoy ko kasama ko si Dong dito, kasama ko si Direk Joyce [Bernal]. So, para sa akin, importante lahat ng nangyayari sa akin.
"Lagi ko ngang sinasabi na tanggapin mo yung katotohanan na not all the time number one ako. Not all the time number one yung show ko. Kailangan matuto kang i-accept yun," pahayag ni Marian nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press visit sa set ng GMA-7 teleserye last Friday, April 3, sa New Manila area.
Dagdag niya, "Hindi naman porke't ito sinasabi nila na hindi kagandahan ang ratings, okay lang. At least, nae-explore namin ang kakayahan namin, nag-e-experiment ang GMA, nahahasa ang pagka-mature ko. Kaysa naman sa tweetums lang ako lagi, parang hindi ako nagma-mature.
"Kasi gusto ko rin naman na mahasa ako sa pag-arte. Gusto ko rin naman na mas may matutunan pa ako. So, okay lang , ini-enjoy ko pa rin. At to be honest, love ko talaga itong show na ito. Lahat naman ng show ko, love ko talaga lahat. Talagang lahat ibinubuhos ko talaga lahat, e. Kahit masaktan ako, okay lang. Parte 'yon ng trabaho, e."
Sa lahat ng mga nagawa niyang teleserye, what makes ABHSAT memorable?
"Matured kasi yung role ng Tadyang, e, talagang dibdiban. At saka hindi mo siya puwedeng ibandying-bandying lang yung story niya. Kasi in fairness naman talaga sa istorya nito, para sa akin ha, nagagandahan ako kasi kakaiba siya. At realistic, parang ito talaga yung totoong buhay, e, ito talaga yung totoong nangyayari, e. Kapag may mahal ka, may manggugulo, ganun talaga yung puwedeng mangyari, e. Makatotohanan."
REAL HURTS & PAINS. Aminado rin si Marian na mahirap emotionally at physically ang ABHSAT. Maraming mga eksena ang iyak siya nang iyak. May mga eksena rin na totoong nasasaktan siya. Paano niya kinakaya ang mga ito?
"Okay lang naman po. Siguro... paano ko ba ie-explain? Siguro sabihin na lang natin na gusto ko yung ginagawa ko at saka motivation lang talaga. Halu-halong motivation lang yung iniisip ko. Dyusko, minsan iiyak ako, hindi na talaga ako makahinga sa kakaiyak, nahihirapan na ako nun."
Hindi ba siya nade-drain sa mahihirap na mga eksena?
"Minsan din po. Kasi may mga times na katulad ng sa ospital na eksena namin na ito ipinapalabas na, dyusko, ilang sequence...56 sequences yata, tapos wala akong ginawa kundi umiyak! Lahat iyak, nung sinampal ako ni Ms. Carmi [Martin], tapos may eksena with Homer [Dingdong], tapos hinatak ako ni ganito, ni ganyan. Actually, yung kay Ms. Carmi, totoong sampal yun at saka yung mga tapik niya sa akin, lahat yun totoo," lahad ng aktres.
May mga times ba na napapaiyak na lang siya sa sakit dahil sa totohanang sampalan?
"May mga times na ganun," pag-amin niya. "Nag-sorry naman si Ms. Carmi. At saka umpisa pa lang sinabi na niya na, 'Hoy, sasampalin kita talaga ha.' Sabi ko, 'Opo.' Kasi sinabi din naman ni Direk Joyce, e. Kung hindi naman sinabi ni Direk tapos sinampal niya ako, ay, huwag naman ganun. Pag sinabi ni Direk na papasampal niya ako. Okay po, hindi naman ako nagrereklamo, basta kailangan sa eksena at basta alam ko lang po.
"May mga times naman na hindi ganung kabigat yung mga eksena, minsan nadadaya naman yung pananakit sa akin. Kawawa naman ako kung lahat ng eksena ay sasampalin ako nang totoo, sasaktan ako nang totoo. At saka ang liit ko kaya kumpara kay Ms. Carmi! Yung kalahati pa lang ng kamay niya buong face ko na kaya. E, kasi maliit lang din naman ang face ko, di ba?






anong handa? anong ulam? ahaha! kinder ka magcomment! bilangin mo na rin ung mga previous comments sa iba pang issues. hahaha!
ka ka awa ka.. huhuhu!
Hindi namn yong comment ka lalayas ka, may balitaktakan po dito...dito nagkakausap, dito nagpapalitan ng kuro kuro about the article...nagpapalitan ng opinion...
Why dont you check other articles,kapamilya man or kapuso artists, hindi naman nagdddiffer kung ang number ng comments ey number din ng commentator...
Madami yong number of comments dito kase interesting yong article..paulit ulit man, kase dyinajustify lang yong earlier na comments...sinasagot kung anu ung unang tanong...
Check mo ibang article, may nakita ka bang number ng comments ey number din ng commentator..
Kung sinsabi mo, yon ang number ng fans ni MR, that is ridiculous na kase hindi namn lahat ng fans mei computer and have time to comment here..ano ka ba...
sinong nairita? baka ikaw. tnga tnga mo sobra, nagbilang ka pa ng mga usernames. ahihihih! wat the hell ang ngyayari sa inyo mga kapams? stick to the issue here! wala na kasi kayong masabipa against kay marian!
Daig mo pa si ManilaPhils nyan! Humanda ka tlga!hehehe..
hahaha! galing ka lang sa kabilang issue ni marian, tapos lumipad ka naman dito sa another amrian topic! hahah! sinong laos? e mukhang nangangampanya ka sa laht ng topic ni marian that shes laos!
kawawa ka naman.. parang di ka makapg move on sa kasikatan nya ngayon! ang laos ay ung mga walang exposure sa tv. at nagtatanggalan ang endorsements!
si marian may upcoming three movies this year at lalong dumarami ang endorsements, yan ba ang laos for you?? patingin ka na sa doc!
Kakatuwa nman comment mo. Kahit kapwa mo kapuso, parang maiirita sa comment mo.. It's as though you're not thinking well.hehehe
marami pa namang pinay superhero na pwede si marian..wag na darna please....
Hindi nya alam na bawat issue e binigyan tayo ng freedom mag express ng insights sa bawat topic nainilalabas ng PEP dito. hindi mo naman maikakaila na makapagpost ka muli dahil they usually use the topic to come up with a debate or arguments.
alanganaman na sabihan ka na -hoy marian is laos- tapos di mo sasagutin? e pano kung sumagot pa sya? ganon lang yan. kasi the topic is interesting! kaya dumarami ang comments.
deepthoughts, change mo na username mo, kasi di ka nag iisp! talagang nagbilang ka pa! hahah! kata ngahan ba yan??
sexy marian fit na fit ang katawan
ang ganda ng swimsuit nya baka
ma sold out na naman toh
ibang klase si idol mag 2 piece
bikini nakaka laglag brief sa mga barako
at laglag panty naman sa mga babaeng di
na maintindihan kong babae pa ba sila he he go go wonder woman