Tanggap ni Marian Rivera na hindi number one sa primetime ratings ang pangatlong teleserye nila ni Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (ABHSAT). Hindi naman nawawala sa top three ng Mega Manila ratings ng AGB at TNS ang kanilang teleserye, kasama ang dalawa pang nangungunang shows ng GMA-7, ang Totoy Bato at Zorro.
Marami kasi ang nag-e-expect na dahil sa parehong number one sa ratings ang nauna nilang mga teleserye na Marimar at Dyesebel ay dapat number one din ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Ano ang masasabi ni Marian dito?
"Sa mga ganung bagay, ako kasi sa sarili ko, gumagawa ako ng soap dahil ini-enjoy ko siya. Thank you sa GMA at may another project na naman ako. At ini-enjoy ko kasama ko si Dong dito, kasama ko si Direk Joyce [Bernal]. So, para sa akin, importante lahat ng nangyayari sa akin.
"Lagi ko ngang sinasabi na tanggapin mo yung katotohanan na not all the time number one ako. Not all the time number one yung show ko. Kailangan matuto kang i-accept yun," pahayag ni Marian nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press visit sa set ng GMA-7 teleserye last Friday, April 3, sa New Manila area.
Dagdag niya, "Hindi naman porke't ito sinasabi nila na hindi kagandahan ang ratings, okay lang. At least, nae-explore namin ang kakayahan namin, nag-e-experiment ang GMA, nahahasa ang pagka-mature ko. Kaysa naman sa tweetums lang ako lagi, parang hindi ako nagma-mature.
"Kasi gusto ko rin naman na mahasa ako sa pag-arte. Gusto ko rin naman na mas may matutunan pa ako. So, okay lang , ini-enjoy ko pa rin. At to be honest, love ko talaga itong show na ito. Lahat naman ng show ko, love ko talaga lahat. Talagang lahat ibinubuhos ko talaga lahat, e. Kahit masaktan ako, okay lang. Parte 'yon ng trabaho, e."
Sa lahat ng mga nagawa niyang teleserye, what makes ABHSAT memorable?
"Matured kasi yung role ng Tadyang, e, talagang dibdiban. At saka hindi mo siya puwedeng ibandying-bandying lang yung story niya. Kasi in fairness naman talaga sa istorya nito, para sa akin ha, nagagandahan ako kasi kakaiba siya. At realistic, parang ito talaga yung totoong buhay, e, ito talaga yung totoong nangyayari, e. Kapag may mahal ka, may manggugulo, ganun talaga yung puwedeng mangyari, e. Makatotohanan."
REAL HURTS & PAINS. Aminado rin si Marian na mahirap emotionally at physically ang ABHSAT. Maraming mga eksena ang iyak siya nang iyak. May mga eksena rin na totoong nasasaktan siya. Paano niya kinakaya ang mga ito?
"Okay lang naman po. Siguro... paano ko ba ie-explain? Siguro sabihin na lang natin na gusto ko yung ginagawa ko at saka motivation lang talaga. Halu-halong motivation lang yung iniisip ko. Dyusko, minsan iiyak ako, hindi na talaga ako makahinga sa kakaiyak, nahihirapan na ako nun."
Hindi ba siya nade-drain sa mahihirap na mga eksena?
"Minsan din po. Kasi may mga times na katulad ng sa ospital na eksena namin na ito ipinapalabas na, dyusko, ilang sequence...56 sequences yata, tapos wala akong ginawa kundi umiyak! Lahat iyak, nung sinampal ako ni Ms. Carmi [Martin], tapos may eksena with Homer [Dingdong], tapos hinatak ako ni ganito, ni ganyan. Actually, yung kay Ms. Carmi, totoong sampal yun at saka yung mga tapik niya sa akin, lahat yun totoo," lahad ng aktres.
May mga times ba na napapaiyak na lang siya sa sakit dahil sa totohanang sampalan?
"May mga times na ganun," pag-amin niya. "Nag-sorry naman si Ms. Carmi. At saka umpisa pa lang sinabi na niya na, 'Hoy, sasampalin kita talaga ha.' Sabi ko, 'Opo.' Kasi sinabi din naman ni Direk Joyce, e. Kung hindi naman sinabi ni Direk tapos sinampal niya ako, ay, huwag naman ganun. Pag sinabi ni Direk na papasampal niya ako. Okay po, hindi naman ako nagrereklamo, basta kailangan sa eksena at basta alam ko lang po.
"May mga times naman na hindi ganung kabigat yung mga eksena, minsan nadadaya naman yung pananakit sa akin. Kawawa naman ako kung lahat ng eksena ay sasampalin ako nang totoo, sasaktan ako nang totoo. At saka ang liit ko kaya kumpara kay Ms. Carmi! Yung kalahati pa lang ng kamay niya buong face ko na kaya. E, kasi maliit lang din naman ang face ko, di ba?






marian_pandit
April 8, 2009
00:51 AM
kasi its either you love ang kajologan ni marian or u will hate it. at ako.. I HATE ITgt;gt;gt; feeling star talaga. eh kasi naman, sya lang yta artista ng gma. at sa tru ay sa megamanila lang sila sikat.. kasi marami naghihirap sa manila.. nid ng delata.. at isa pa, pangit signal ng abs sa manila. pero kahit pangit tityaga ko pa rin kasi magagaling tlaga umarte mga star.. sa gma, puro bano acting.. ayu't ayun din.. kung tlagang sikat gma, bakit hindi naghihit mga movies, ang mga artista ay 3 lang yata marami endorsement, unlyk s abs, halos lahat.. in demand pa abroad.. feeling number 1 kasi gma eh sa megamanila lang with matching de lata pa. bwahahaha. kaya nga gusto lumipat ni pacman na kingalit ng husto ng gma, kasi wala nanonood ng 7 sa maraming partes ng Pilipinas..
at pinagmamalaki pang humakot ng award, eh sa gma din galing. bwahahaha tlga.. sila2 naglolokohang sikat sila.
---- i love her.
marian_pandit
April 8, 2009
00:55 AM
papalaos na pati yang si mariang plastikadang, flirty girl.. kaya hindi na naghihit ang show.. tsaka iisa lang ang darna ng bagong henerasyon at si angel yon.. nakikisakay palagi sa kasikatan ni angel kasi bano acting.. wala maipagmamalaki..
at take note, mismong si BB. Joyce Bernal ang humanga sa acting ni angel sa Love me again.. eh ilang beses naging director ni jologs.. kelan ba napuri ni direk joyce acting ni marian??? NEVER!!!
--kasawa na ang bitter.
kayee88
April 8, 2009
00:37 AM
sawang sawang na kmi kay marian........marami namang artista dyan ung iba naman.
----why go to her article if you are fed up? just wondering.
lab yu marian! :D
at take note, mismong si BB. Joyce Bernal ang humanga sa acting ni angel sa Love me again.. eh ilang beses naging director ni jologs.. kelan ba napuri ni direk joyce acting ni marian??? NEVER!!!
at pinagmamalaki pang humakot ng award, eh sa gma din galing. bwahahaha tlga.. sila2 naglolokohang sikat sila.
its really true!!BOOOOOOO tlaga c marian sa cebu....haha
maarte kse!
CEBUANOS REALLY HATES MARIAN!!!THATS A FACT!!!HAHAHA
we love you marian!!!!
PROUD TO BE KAPUSO!!!!
masasabi ko lang kay marian, huwag nyang tularan mga artista sa abs-cbn na sumikat lang konti eh ang laki laki n ng ulo, feeling mga hollywood stars, basta keep your feet on the ground, ganyan mga artista sa 7 hindi mayayabang, kaya yung mga tumatangkilik sa 7 at mga artista nito eh, well, hindi mayayabang, ganun naman talaga eh, nagrereflect yan, pansinin mo mga comments ng mga avid fan ng abs-cbn dito, db? nagrereflect talaga yan, kaya sabi ni joey de leon, batu-bato sa langit, tamaan na! bwahahahaha!
keep up the good work marian, sana malayo pa ang marating mo, ok lang naman kahit hindi maging number 1 mga shows mo, number 1 nga yung palabas sa kabilang channel pero saa? baka sa outer space. hahahahaha! maraming nagmamahal kay marian ano? hayy! inggit naman yung mga taga kabila! hahahaa! inggit!
we love you marian, basta, wag mo na lang mga pansinin mga bitter kapamilyahhhh
after work, diretso computer, basahin uli. nakakawala pagod talaga pag marian, kasama na rin si dingdong.
kaya, thanks pep!!! more interesting pag may marian and dingdong articles. pag wala, boring talaga!!!
i love you...
i love you...
MARIAN
log
April 7, 2009
17:53 PM sana ibalik ng GMA ang concept na DARNA at DING.... wherein ka tandem ni darna ang kanyang batang kapatid na si ding... at kung si marian ang gagawing darna, i would suggest na si BUBOY VILLAR ang kanyang ding dahil maganda ang chemistry nilang dalawa sa dyesebel... it's about time na mabigyan ng lead role si buboy... kahit i-remake ang roberta at gawing roberto na lang... o yung trudis liit ni vilma nuon, except gawing lalaki ang character... ano sa palagay nyo?
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
I so totally agree with you!...Marian as Darna is a given,hindi na kailangang pag-isipan pa kumbaga...and Buboy as Ding would be so perfect..napakagaling ng batang ito at natural ang pag-akting sa harapan ng kamera...with his talent, hindi niya kailangang maging tisoy kagaya ng ibang batang artista diyan na dinadaan sa ka-kyutan,wala namang dating when it comes to acting...i love this boy!