Marian Rivera neither confirms nor denies playing Darna in GMA-7 fantaserye

Glen P. Sibonga
Sunday, April 05, 2009 @ 10:41AM  |  760 views

 

"Pag wala akong trabaho kinabukasan tapos tutulog lang ako, parang sumasakit ang katawan ko at mas nanlalambot ako kaysa yung dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko. Parang nasanay na yung katawan ko sa sistema ng trabaho ko. Kaya trabaho muna nang trabaho. Buti na yun ganyan kaysa wala, di ba? At saka enjoy lang. Nag-e-enjoy ka na, nakakaipon ka pa, minamahal ka ng tao. So, ano pa ba ang hihilingin mo? So, pagbutihin mo na lang ang trabaho mo. Hindi naman habang panahon, e, bata ako," says Marian Rivera.

Photo By: Nora Calderon













"Ay, opo naman! At saka napakagandang project po nun."

Kung matuloy ngang siya ang susunod na Darna, ready na ba siyang mai-compare ulit kay Angel Locsin na nauna nang gumanap na Darna?

"Actually, hindi lang sa kanya. Lahat naman ng artista kinu-compare sa bawat artista, so given na yun. Kasi pag mag-isa ka lang diyan at walang ikinu-compare sa iyo, parang wala lang. Hindi naman sa kumpetisyon ito, e, pero parte na kasi ng pagiging artista, yung sasabihan ng,  'Ay, mas maganda si ganito, ay mas magaling si ganyan.' Ganun talaga, e. At saka kailangang tanggapin natin na ganun talaga ang mga Pinoy, e. Hindi puwede yung siya lang, mako-compare at mako-compare ka talaga sa iba."

NEXT MOVIE. Sa movies, ano ang aabangan sa kanya ng mga fans niya?

"Ang movies kasi nag-usap na kami ni Popoy. Alam ko talaga na may gagawin ako sa Regal Films, ang dami kong gagawin sa kanila. Pero ang dami ko pang kailangan asikasuhin din. At dun sa susunod kong soap, kailangan paghandaan ko rin kasi. Hindi kasi bara-bara lang yun, e. Kailangan talaga preparado ako."

Ayon kay Marian, sa mga pelikulang naka-lineup niyang gawin, sigurado raw na gagawin niya ang Nieves, na entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival sa December. Originally, isa ito sa  tatlong istorya sa Shake Rattle & Roll 10 sa 2008 MMFF, kung saan gumanap si Marian bilang babaeng kalaban ng mga engkanto. At ngayon nga ay gagawin na itong full-length film. Nakakaramdam ba siya ng pressure dahil solo movie na niya ito?

"Ay, oo naman!" sagot niya. "Sabi ko nga, binigyan n'yo ako ng malaking kargo. Postive naman ako na kakayanin ko ito. At in fairness naman sa Nieves, mismong ako, e, natatawa ako. Sabi nga ni Popoy, 'Hoy, Yan, huwag kang tawa nang tawa, baka sabihin trying hard ka.' E, minsan kasi natatawa talaga ako. Enjoy kasi ako nung ginawa ko yung Nieves, e. Basta ganung klase ng movie ine-enjoy ko talaga, e."

Isa pang naka-lineup na gawin ni Marian ay ang pelikula niya with Vhong Navarro, under Regal pa rin. Pero wala pa raw schedule ng shooting ito.

NEXT ENDORSEMENTS. Kahit ang daming dumating na intriga sa kanya, hindi pa rin iyon nakabawas sa kasikatan ni Marian. Patunay lang nito ay ang patuloy na pagdating ng mga endorsement at iba't ibang projects.

"So far, wala nang masyadong intriga. Yung endorsements, oo may mga dumadating pa. Actually, itong April may dalawang lalabas."

Saan naman niya dinadala ang kanyang mga kinikita?

"Na-realize ko po ngayon na mas magandang i-time deposit yung pera ko kasi nga may interes at malaki din po ang interes lalo na kapag malaki ang dineposito mo."

Sa dami ng ginagawa ni Marian, may time pa ba siyang magpahinga?

"Konti. Kaya lang pag wala akong trabaho kinabukasan tapos tutulog lang ako, parang sumasakit ang katawan ko at mas nanlalambot ako kaysa yung dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko. Parang nasanay na yung katawan ko sa sistema ng trabaho ko. Kaya trabaho muna nang trabaho. Buti na yun ganyan kaysa wala, di ba? At saka enjoy lang. Nag-e-enjoy ka na, nakakaipon ka pa, minamahal ka ng tao. So, ano pa ba ang hihilingin mo? So, pagbutihin mo na lang ang trabaho mo. Hindi naman habang panahon, e, bata ako."

DINGDONG DANTES. Sa dami ng mga pinagdaanan nila, gaano ka-special na si Dingdong sa puso niya?

« Prev  1  2  3  4  Next »

Related Articles

2221 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name