Nasa 7th floor ng GMA Network Center si Raymond Gutierrez nang makausap namin para sa taping ng isang segment kahapon, April 4. Sa kabila ng mga kontrobersiya at kasong kinasasangkutan ngayon ng kanyang ina na si Annabelle Rama sa SVP for Entertainment ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante, tuluy-tuloy lang si Raymond sa anumang trabahong ginagawa niya for the network.
Ano ang nararamdaman niya sa lahat ng mga nangyayari.
"The family is still very affected," pag-amin niya. "As much as possible, we were hoping na sana, hindi na lang humantong sa ganoong paraan na lumaki nang ganitong kalaki ang situation between my mom and my boss, Tita Wilma.
"Of course, with my mom trying to explain her side to us... Of course, we know our mom better, na hindi naman ganyan 'yan, unless she's provoked. Unless she has a point that she believes in. And alam ko naman ang mom ko, talagang nakikipaglaban 'yan when it comes to us, her family and also her wards, her talents, kasi parang family na rin ang trato niya sa mga alaga niya. At saka, parang second mom na rin nila ang mommy ko. So, kung may mga ganyang isyu at may mga ganyang balita, it must have come from somewhere. Hindi naman siya yung ganyan na magre-react na lang nang basta-basta.
"Hindi naman palaaway ang mommy ko. As much as possible, nasa bahay lang siya. Kasama sina Lorin and Venice [daughters of sister Ruffa Gutierrez], talagang mapag-alaga, mapagmahal. And believe it or not, sa house, she's just quiet. And even on the road, she's quiet. But unless you provoked her or may pinanggalingan ang galit niya," pahayag ni Raymond.
Ayon kay Raymond, nailalabas lang daw ng mommy niya ang pagiging prangka kapag may nagpo-provoke nga rito.
"Nagiging prangka siya when she fights for something," sabi niya.
Aminado naman si Raymond na kahit paano, mahirap sa kanya at sa iba pang talents ni Annabelle na nasa GMA-7 dahil nakagitna sila sa dalawang taong importante sa buhay at respective careers nila.
"But of course, as a responsible adult, we just try to respect both sides. I respect Tita Wilma's stand and, of course, I also believe my mom and I will always support her. Pero, of course, hindi naman madali for us.
"Like here, we're on the 7th floor now and Tita Wilma's office is just right behind me. When I see Tita Wilma, of course, it will gonna be the same. I will gonna give the same respect. Ganoon naman talaga dahil hindi naman ako directly involved doon sa isyu," paliwanag ni Raymond.
As much as possible nga raw, labas sila sa mga nangyayari.
"Siyempre, ako as a son, I will forever be supportive of my mom. Alam ko rin na may pinanggalingan at pinaghirapan talaga niya to build up the credibility of JC [de Vera] and Heart [Evangelista]. Alam ko, doon naman kasi nagsimula yun.
"And si Tita Wilma naman, of course, I respect her as a boss. Kung may nasabi ang mom ko that hurts her feeling, pero sana lang talaga, hindi na umabot sa korte. Yun lang talaga ang wish namin na sana naayos before it got to that."
Hindi ba umabot sa puntong nag-mediate siya?
"You know, mahirap din mag-mediate because, you know, coming to Tita Wilma's office is not easy, there's process and she's a very busy woman. And the same thing with my mom, day in, day out, may trabaho 'yan. May mga meetings, maraming ginagawa. So as much as possible, we give words of advice kung ano ang dapat gawin at ano ang dapat sabihin. Pero alam na rin niya ang ginagawa niya, so we give her space," sabi niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
230 galadriel829
229 mavidako
228 fair08
For all you know..those that are so angry and cursing annabelle and her family are the one's where deep down inside..they just wish that they can have juat a bit of what this family has got..
227 evafonda_22
226 PEP_Webmaster
225 cpajugger
224 sylvester
223 gormiti_2009
222 bears
221 bears
220 nortoncruz
219 toptop73
218 angelyou12
217 geovan12
216 younisoman
215 carla_gay
214 chika123
213 chika123
212 juandelacruz2009
Ruffa - Saan ba nanggaling ang kayamanan ng nanay mo. Hindi naman kayo naging milyonaryo sa american noong bumalik kayo sa pinas.
Itong si Anabel and inang ikakahiya mo sa lahat ng tao.
I am sure ang daming nag-aantay ng pagkatigok niyan. Magka dugo yata sila ni Cristy LuciFERMIN.
211 asos
maybe,you all need to meditate.
there's something in your family that needs to be changed.
observe.
evaluate.
let go of the pride.
God's punishment has been coming on your way.
more comments