| Register

Actor-model Andrew Wolff detained in Boracay for alleged robbery


 
Andrew Wolff will be charged with robbery after an incident that happened in Boracay yesterday, April 6. However, Andrew denied the accusation.

Actor-model Andrew Wolff detained in Boracay for alleged robbery

Jojo Gabinete

Rating

  • Bookmark and Share

Kasalukuyang nakakulong sa Boracay Police Station ang model-actor na si Andrew Wolff dahil sa bintang na robbery case.

 

Nasa Boracay Island ang Startalk reporter na si Gorgy Rula at siya ang nagbigay sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng mga detalye ng insidente.

 

Sa kanyang police report, isinalaysay ni Rodolfo Norbe—ang security guard na on-duty sa D'Mall—na inagaw diumano ni Andrew ang kanyang baril kagabi, April 6, sa D' Mall.

 

Base sa police report, kinuha raw ni Andrew ang baril mula sa holster ni Norbe at tumakbo siya papunta sa Hey Jude Bar. Nagkulong daw si Andrew sa opisina ng bar, pero isinoli niya ang baril nang dumating ang mga pulis.

 

Dadalhin ngayon, April 7, si Andrew sa Kalibo, Aklan at doon pormal na isasampa ang robbery case laban sa kanya.

 

Nang makausap ni Gorgy si Andrew, mariin nitong pinabulaanan na ninakaw niya ang baril. Inagaw raw niya ang baril dahil itinutok ito sa kanya ng security guard.

 

Ayon naman sa kuwento ng entertainment writer na si Wendell Alvarez, na nagbabakasyon din sa Boracay Island, nasaksihan niya  ang pagwawala ni Andrew at ang pakikipag-away nito sa isang hindi kilalang babae. Minutes later, nakita ni Wendell ang pagdakip kay Andrew ng Boracay Police.

 



Pages: 1  


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Email this link
Show/Hide
Comments
92 Comments
page    1    2   
pagelocation: news

Advertisement