Kasalukuyang nakakulong sa Boracay Police Station ang model-actor na si Andrew Wolff dahil sa bintang na robbery case.
Nasa Boracay Island ang Startalk reporter na si Gorgy Rula at siya ang nagbigay sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng mga detalye ng insidente.
Sa kanyang police report, isinalaysay ni Rodolfo Norbe—ang security guard na on-duty sa D'Mall—na inagaw diumano ni Andrew ang kanyang baril kagabi, April 6, sa D' Mall.
Base sa police report, kinuha raw ni Andrew ang baril mula sa holster ni Norbe at tumakbo siya papunta sa Hey Jude Bar. Nagkulong daw si Andrew sa opisina ng bar, pero isinoli niya ang baril nang dumating ang mga pulis.
Dadalhin ngayon, April 7, si Andrew sa Kalibo, Aklan at doon pormal na isasampa ang robbery case laban sa kanya.
Nang makausap ni Gorgy si Andrew, mariin nitong pinabulaanan na ninakaw niya ang baril. Inagaw raw niya ang baril dahil itinutok ito sa kanya ng security guard.
Ayon naman sa kuwento ng entertainment writer na si Wendell Alvarez, na nagbabakasyon din sa Boracay Island, nasaksihan niya ang pagwawala ni Andrew at ang pakikipag-away nito sa isang hindi kilalang babae. Minutes later, nakita ni Wendell ang pagdakip kay Andrew ng Boracay Police.






ano ba yan bakit napunta kay angel at marian eh si andrew wolf ang topic...
hahahaha..... grabe pagka marian ng isang ito.....
basta mas sikat si angel kaysa kay marian... oh ano pa ang sasabihin mo baliktarin mo naman ang comments ko
sagutin mo ng mas sikat si marian kaysa kay angel.....
sasagutin ko naman nag mas sikat si angel kaysa kay marian.... hahahahaha.... walang katapusan.... baliktaran na lang kaya tayo para mas masarap...
oo napanood ko s TV patroL!
tatLo silang babae..tos may isa tinuturo un grupo nila maggie..may LaLaki n humaharang s cameraman ng TVP!
nakipagsabunutan daw!
an hour before tong ke andrew!
ngagaLit nga si maggie at pinagpepesttahan sya ng mga tao at media!
im wondring y de eto sinama d2!
Wag na nga pakawalan yan. Baka nag-a-adik na naman???
true? nag wala c maggie wilson? nawitness mo talaga?
-0- -0- -0- -0- -0- -0- -0- -0- -0-
yong mga out of topic, TUMAHIMIK!!!
napunta na naman kay angel at marian ang topic. maghanap kayo ng article na marian at angel doon kayo manggulo...