Keempee de Leon just wants to maintain friendship with Pauleen Luna

Rommel Gonzales
Thursday, April 09, 2009 @ 05:17PM  |  52 views


Keempee de Leon reveals that he is looking for a woman who is a "mestisang chinita."

Photo By: Noel Orsal













Since kasama siya sa All About Eve ng GMA-7, naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Keempee de Leon kung sino ang mas masarap katrabaho, si Iza Calzado ba o si Sunshine Dizon?


"Pareho namang madaling katrabaho, e! Yun nga lang magkaiba yung mga characters nila. And as executive producer  kunwari sa kuwento... ako kasi yung EP dito sa All About Eve, so kailangan wala kang papanigan, neutral ka kasi pareho mong ka-trabaho 'yan, e.


"Pangit naman kung may kakampihan ka," says Keempee na sinabi ring parehong mahusay na aktres at parehong maganda sina Iza at Sunshine.


Hypothetical question: given a chance, sino kaya kina Iza at Sunshine ang liligawan ni Keempee? "Wala! Hahaha! Mahilig kasi ako sa mestisang chinita, e, iba yung mga beauty nila, e. Si Shine, chinita siya pero droopy."


Bakit si Pauleen Luna, minahal niya si Pauleen pero hindi naman ito chinita? And may chance ba na ligawan niya ulit si Pauleen?

"Ano ba yun? Tapos na yun, huwag na nating pag-usapan. I guess mas okay yung magkaibigan kami."


May agreement na pala sila ni Pauleen na magkaibigan na lang sila.

"Napag-usapan nga namin 'yan, e. Kasi tinanong ako before sa Showbiz Central sa 'Don't Lie to Me' segment, tinanong ako kung is it true na may balak akong balikan si Pauleen?


"E, nandun si Pauleen, may interview din siya, sabi ko oo, pero mas maganda na yung magkaibigan kami. Napag-usapan namin kasi na mas okay yung relationship namin ngayon na magkaibigan na lang kami."

Birong-totoo pa ni Keempee, alam niya kung ano ang tipo ng lalaki ng Pauleen.


"Alam ko na yung mga tipo ni Pauleen! Hahaha! Ang alam ko lang mahilig si Pauleen sa maliliit, sabi niya, at mahilig yata siya sa mga medyo chinito."


E, di ba ganun ang mga physical qualities ni Keempee? Tumawa muli si Keempee bago nagwika, "Ano ba kayo, magkaibigan na nga lang kami, e!

"Mas okay kami ngayon," giit ni Keempee bilang pagtatapos sa aming panayam.

1  

Related Articles

23 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name