Libel ang kaso na isinampa ni Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal); partikular na ang editor-in-chief nitong si Ms. Jo-Ann Maglipon, ang managing editor na si Karen Pagsolingan, at ang staff writer na si Ferdinand Godinez.
Nagsadya kanina, April 13, si Richard sa Makati City Regional Trial Court para pormal na isampa ang kaso. Past 2 p.m. nang dumating siya sa Prosecutor's Office. Kasama niya ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond. Present din si Bubbles Paraiso, ang witness ni Richard sa kaso, na alaga ng kanyang ina.
Si Atty. T. Angelica Y. Santiago ang legal counsel ni Richard at siya ang nagsabi sa media na P25 million ang halaga ng damages na hinihingi ng kanyang kliyente mula sa mga respondent. Fifteen million pesos (P15M) para sa moral damages at ten million pesos (P10 million) para sa exemplary damages.
Sa interview kay Richard, sinabi nito na itinuloy niya ang pagsasampa ng kaso dahil hindi naman daw binawi ng PEP ang kuwento na nagkaroon diumano sila ng engkuwentro ni Michael Flores sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes noong March 28.
Ayon kay Richard, "Maraming artista ang nabibiktima ng ganitong klaseng false journalism at nagkataon lang na nangyari ito sa akin. Nakakalungkot na kinailangan na mangyari ito, pero I just want to get to the bottom of this and we wanna find out the truth kung sinong tao ang nasa likod nito. That's why we're doing this. We already gave them a second chance that's why we are here.
"Hindi ako galit. I feel bad and it saddens me na kailangang mangyari ito. Kasi kaming mga artista, nagtatrabaho kami. You know, ang goal namin, magbigay-ligaya. Magbigay ng entertainment sa mga tao, tapos bigla na lang kami sasagasaan nang ganoon. Wala naman kaming ginagawang masama.
"Sa totoo lang, galing kami sa Bagac, Bataan. Nagte-taping kami doon. Isang beses lang akong lumabas, natsismis pa ako na gumawa ng ganoon. Ang sama lang ng ginawa nila. Ngayon, we have no option but to do this legal action. We want to get to the bottom of this. Sino ba talaga yung taong behind this? Sino ba talaga ang source? Yun lang naman.
"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon.
"Gusto ko magpasalamat, siyempre, sa mga kaibigan ko, kay Bubbles, sa lahat ng mga kasama ko sa Zorro na kasama ko nang gabing 'yon, na willing tumulong sa akin at mag-testify. Gusto ko silang pasalamatan. Siyempre, ang family ko who's been always there for me. Of course, my fans.
"Sana kahit ano ang mangyari, nandiyan pa rin sila sa likod ko, kahit medyo damaging sa akin yung nangyari. Yung mga fans ko, naniniwala pa rin sa akin at nagtitiwala sa akin at gusto kong magpasalamat sa kanila."






nakapanuod ka pala sa summer station id ng kapuso, wow hanep ah...pa simple n napapangitan im sure pag kita kay Marian, may i wish kasing pretty at sexy ko sya ang drama sa loob...hihihihh
rotoscaper
April 14, 2009
16:01 PM corny:
nice prediction, although i don't think it'll materialize. but i do see your point--i just don't agree. for me, it all boils to one:
1. pep will prove that something indeed happened and it will update and/or correct the whole story.
......
Roto, mukhang may pinanghahawakan kang alam hehehehe - i like your fighting spirit. Alam mo rin ba kung bakit it takes for pep so long para ilabas ang kanilang tutoong nalalaman??? They've been given time diba kasi nga umalis muna ng bansa si Richard???
kung ano-ano iniintindi nyo, hindi nyo pagandahin mga programa nyo, nilalangaw na lahat. yang si richard, itapon nyo na lang sa QTV.
PEP, sana ay may sagot na kayo tungkol sa demanda ni RG. laban kung laban! hehe.
well, in my part, i care. and it's all in a matter of time before pep publishes its findings.
nice prediction, although i don't think it'll materialize. but i do see your point--i just don't agree. for me, it all boils to one:
1. pep will prove that something indeed happened and it will update and/or correct the whole story.
balita ko naghahanda na ang dos sa paglipat ni rg.
pep removed the article because anabelle requested them to do so. pep also issued the apology based on the agreement that anabelle would NOT push through with the case. In short, she and jqm had a clear understanding that pep remove the article THEN thoroughly investigate the incident.
remember that, my friend.
tulad rin yan nung kay claudine
yung kay lolit solis...sam at piolo.
tsika lang yang mga demandahan ek ek ng mga yan
kay Richard nagtataka lang ako...meron pa bng aalagaan na pangalan???
sa pagkakaalam ko matagal ng sira ang pangalang RICHARD GUTTIERREZ...
wala lang..anyway ikaw na mismo ang gumawa ng paraan ng ikakabagsak mo..goodluck na lang sayo..
PEP all the way..GO PEP..
natawa nman ako dun sa nagcomment na maganda ang facial expression ni RG pag nakamaskarra...well pansin ko din..lol