Sa naganap na press conference ng Season 22 ng Daisy Siete, ang "Kambalilong," sa Mugen Bar, Metrowalk, Ortigas Center, kahapon, April 13, ay kinuyog ng mga invited print and TV media ang dalawang members ng SexBomb Girls na sina Rochelle Pangilinan at Aifha Medina. Dawit kasi ang mga pangalan nila sa isang kaguluhan sa isang resort sa Boracay nitong nagdaang Holy Week. (Click here to read related story.)
Hindi matapos ang mga katanungan kina Rochelle at Aifha dahil iba't ibang versions ang lumalabas. Ayaw na raw sanang pag-usapan ng dalawang SexBomb Girls ang nangyari dahil sa pagkakaalam nila ay natapos na ang problema na 'yon, kung saan sangkot ang non-showbiz friend nilang si Michelle "Mitch" Villanueva at ang nasaktan nito na si Joshua Calixto Formentera.
ROCHELLE'S VERSION. Naiiyak si Rochelle habang nagpapaliwag siya sa press kung ano ang "totoong nangyari" noong Maundy Thursday, April 9, sa Crystal Sand Resort. Inamin ni Rochelle sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nasasaktan siya sa mga lumalabas na iba't ibang balita tungkol sa nangyari dahil ang pangalan niya at ng SexBomb ang parating nababanggit.
Aniya, "Nakakadismaya lang kasi ang idinidiin ay ako at ang grupo ko, which is SexBomb. Nahihiya ako sa mga kasamahan ko, lalo na kay Ate Joy [Cancio, their manager] dahil pati sila ay nadadamay sa isang bagay na wala naman talaga kaming kasalanan. Kami ni Aifha, nandoon lang kami sa Boracay para magbakasyon, magpahinga, at malayo sa gulo ng Manila. Nagkataon lang talaga na kami ang nandoon at kami ang ginulo.
"Naiyak ako nang mapanood ko sa YouTube yung ginawang feature ng The Buzz. Kasi parang idinidiin pa nila kami. Pinalalabas na kami ang nagsimula ng gulo. Wala sila doon para sabihin nila 'yon. Sa sinasabi nila na grupo ko, dinadamay nila pati yung mga walang kasalanan.
"Ang sa amin lang naman, kung sana mahinahon na nakiusap yung si Joshua na hinaan namin yung music namin, walang naging gulo. Kaso nga, sinugod niya kami ng ilang beses. Tapos sinigaw-sigawan pa niya kami. At kine-claim pa niya na siya ang may-ari ng resort at pinapalayas niya kami. So, sino ang mali doon?"
(Taliwas ito sa naging pahayag ni Joshua sa PEP na hindi niya sinabing siya ang may-ari ng resort kundi kilala niya ang may-ari nito. Click here to read related story.)
Patuloy ni Rochelle, "Tama naman ang sinabi ni Kuya Boy [Abunda, The Buzz co-host] na 'respect each other's space.' Naiintindihan namin 'yon. Kaso, kami ang hindi nirespeto. Kung may respeto siya [Joshua] sa amin, walang nangyaring gulo sa kanila ni Mitch.
"Kung sana yung pagkakasabi niya sa amin ay may 'please,' e, di walang problema. Hindi yung basta na lang sumugod siya at nanduduro pa siya. Ano ba ang tingin niya sa amin? Tapos sinasabi niya na ipinaglalaban niya ang mga kababaihan, e, bakit niya kami sinigaw-sigawan na lang nang gano'n?
"Sa totoo lang naman, never pang na-involve ang SexBomb sa anumang gulo. Umiiwas kami sa ganyan, kasi alam namin na hindi maganda at magagalit sa amin si Ate Joy. Kami mismo, ayaw namin ng gulo. Nagkataon lang talaga na kami ang nandoon at may nangyari na hindi kagustuhan ng lahat."
AIFHA'S VERSION. Kuwento naman ni Aifha, twice daw silang bumalik sa presinto sa Boracay dahil pinapahanap na raw sila ni Joshua. Ang ipinagtataka lang nila ay kung bakit sila pinapahanap, samantalang malinaw na raw ang sinabi ng kaibigan nilang si Mitch na wala silang kinalaman sa sinapit ni Joshua.
Ani Aifha, "Kami pa nga ang nagtawag ng pulis dahil nga nagkainitan sila Mitch at yung Joshua, na nauwi nga sa pagkakasugat ng mukha niya. Kami ni Rochelle, na-shock talaga kami kasi kinukuha na nga namin ang mga gamit namin at aalis na lang kami. Pagharap nga namin, nakita namin na puro dugo na ang mukha nung Joshua. Hinampas na pala siya ng baso ni Mitch.
"Pumunta kami sa presinto at nagpaliwang nga si Mitch na wala kaming kinalaman doon. Siya raw ang kasuhan dahil siya ang nanakit. Kami ni Rochelle, bilang kaibigan, sinamahan namin si Mitch. Alangan namang iwan namin siya doon? Not until sinabi ni Mitch na okey na siya at pinaalis na niya kami para magpahinga.
"So, that time pa lang, clear na ang name namin ni Rochelle. Nagsu-sorry nga kami doon sa Joshua, pero lagi niyang sinasabi sa amin na, 'Don't talk to me!' So, ano ibig sabihin niya doon? Tapos, sinasabi niya na wala raw kaming ipinakitang remorse sa nangyari. Nagsu-sorry kami sa kanya, pero siya ang ayaw tumanggap.
"Bumalik kami sa presinto that same day para dalhan namin si Mitch ng damit. Doon sinabi nga ng pulis na hinahanap kami kasi isinama raw niya kami sa reklamo niya [Joshua]. Ang gulo nga kasi clear na kami ni Rochelle. Pero para maayos nga, naghintay kami para doon kay Joshua sa presinto.






I just read this from somebody else's blog and I can not assure this to be a fact BUT... Joshua daw is confirmed to be HIV positive! He got injured and bled ...
Aifha and Rochelle and the others involve ... I think you need to have a medical check-up! Just to be safe ...
and If what I read was wrong ...then I apologize and please do correct this!
nakita ko yung vtr interview ni Joshua sa SC, magka iba yung statements nya dito sa PEP.
dito pa lang sa statement nya sa PEP alam mo nang me pagka maangas sya. sabihin pang nahiya daw sya sa inasal ng grupo dun sa foreigner friend nya. e di sana hindi nya dinala sa Bora. palagi syang nagpupunta dun, so expected na nya kung ano mga eksena dun. sana ikinulong na lang nya sa kwarto yung foreigner friend di wala pa sya ikakahiya.
quot;napakabait na bata,quot;
in dis issue rochelle is definitely out of it!!
thea_baraan
ano kayang inexplain ng 2 ito? as if they have a decent name to protect ...af they have an IMAGE to protect!
Si Joshua ...meron! Bukod sa nasaktan na sya, the guy is decent and has a name to protect!
So wag nang mag-attempt pa na mag-explain tong si aifa at rochelle ...coz the truth is, na-oevrwhelm lang cguro sila sa boracay...feeling nila sosyal na rin sila!! Lumabas ang totoong pagkatao ng 2 ito ...mga walang pinagaralan at walang modo!
_______________
For the past 2 consecutive years, nakita ko rin cla Rochelle sa Bora, so I don't think na na-overwhelm sila sa Bora this year. Hindi kc ako nag Bora this year eh coz I have some work to do. Nagtataka lang ako kung bkit di pa makontento si Joshua na naka detain na nga noon si Mitch... kelangan pa talaga nya idamay ang Sexbomb.
gummibear08
bawal po ang all caps.. comments removed