SexBomb girls Rochelle and Aifha clear their names in Boracay scuffle

Ruel J. Mendoza
Tuesday, April 14, 2009 @ 11:56AM  |  28328 views

"Klinaro naman sa amin sa presinto na wala kaming kaso. Clear ang name namin ni Aifha. Ang maghaharap na lang ay si Mitch at si Joshua. Nag-file din ng reklamo si Mitch doon sa Joshua. Kaya silang dalawa ang may kaso na sa isa't isa at labas na kami ni Aifha doon," says Rochelle Pangilinan (right) about the incident that happened in Boracay last Maundy Thursday, April 9, involving Aifha Medina (left), their non-showbiz friend named Michelle Villanueva, and Joshua Calixto Formentera.

Photo By: File photos













"After ilang oras," patuloy niya, "hindi naman siya dumating kaya ni-release na kami ng presinto. Sinabi nga sa amin ng mga tao doon na kung hindi raw dumating si Joshua sa takdang oras na 'yon, madi-dismiss ang reklamo niya sa amin. E, hindi nga siya dumating pero naghintay talaga kami ni Rochelle. Ang presinto na ang nagsabi sa amin na dismiss na ang reklamo niya kasi hindi siya dumating sa oras na 'yon."


TRAUMATIC EXPERIENCE. Ayon kina Rochelle at Aifha, nag-iwan pa raw sila ng address ng bahay nila dahil hinihingi raw 'yon ni Joshua. Hindi naman nag-atubili na ibigay ng dalawa ang address nila.

"Ibinigay talaga namin," diin ni Rochelle. "Hindi namin alam kung para saan, pero para makuntento siya, yung address namin sa bahay ang iniwan namin sa presinto.

"Pero klinaro naman sa amin sa presinto na wala kaming kaso. Clear ang name namin ni Aifha. Ang maghaharap na lang ay si Mitch at si Joshua. Nag-file din ng reklamo si Mitch doon sa Joshua. Kaya silang dalawa ang may kaso na sa isa't isa at labas na kami ni Aifha doon."

Dahil nga sa nangyaring ito, nagka-trauma na nga si Rochelle na pumunta sa Boracay. Baka raw sa Holy Week next year ay sa ibang bansa na lang siya pumunta, samantalang si Aifha ay tuloy pa rin ang punta niya sa Boracay.

"Totoong traumatic sa akin ang nangyaring 'yon sa Boracay kaya out of the country na lang ako next Holy Week. Para maiba naman muna," nakangiting sabi ni Rochelle.

Sabi naman ni Aifha: "Hindi ko maiiwasan ang pumunta sa Boracay, e. Every bakasyon ko, nandoon ako kasi love ko ang beach doon. Siguro doon na lang ako sa bandang Station One para konti lang ang tao. Baka doon hindi mainit ang ulo ng mga tao at hindi naghahanap at nagsisimula ng gulo."

Sa April 20 na pala ang simula ng Season 22 ng Daisy Siete na pinamagatang "Kambalilong" sa GMA Dramarama sa Hapon. Makakasama rito nina Rochelle at Aifha sina Jopay Paguia at Sunshine Garcia bilang kambal na hahanapin ang kanilang magkahiwalay na kapalaran.

Kasama rin sina Arnell Ignacio, Jao Mapa, JC Cuadrado, Evette Pabalan, Weng Ibarra, Louise Bolton, Izzy Trazona, Danielle Ramirez, Mia Pangyarihan, Miko Aytono, Tariq Jambogana, at Gladys Reyes as Madam L.

« Prev  1  2  

Related Articles

231 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name