PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jordan Herrera denies having had gay relationships

Jordan clarifies reports linking him to Janelle Jamer.
by Rommel R. Llanes
Published Apr 15, 2009
Jordan: "Kahit po kanino diyan, kaya kong tumingin sa mata at sabihin na hindi ko po kayang gawin 'yan," says Jordan Herrera about reports that he had gay relationships before.

Natutuwa si Jordan Herrera dahil nagkaroon ulit siya ng serye pagkatapos ng ilang buwan siyang nabakante sa telebisyon. Ang huling show niya ay ang Daisy Siete sa GMA-7. Ngayon ay kasama si Jordan sa Kambal sa Uma ng ABS-CBN, na pinagbibidahan nina Melissa Ricks at Shaina Magdayao.

"Ako yung magdadala kay Melissa sa perya nung daga na siya. Sa umpisa good pa yung dating ko. Pero eventually, parang yung bad intention, lalabas doon for Melissa," sabi ni Jordan tungkol sa kanyang role bilang si Leon.

JANELLE JAMER. Tatlo na ang anak ni Jordan. Yung panganay niya ay mula sa dati niyang asawa. At yung dalawa naman ay anak niya sa kinakasama niya ngayon.

Pero sa kabila ng may ka-live in na si Jordan, may napabalita na nakikipag-date siya kay Janelle Jamer, ang dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowee. May relasyon ba sila ni Janelle?

"Actually, pag lumalabas kami ni Janelle, grupo po at ilang beses lang po nangyari yun. Nabalitaan nga rin po ni Janelle na nali-link kami, pero tinatawanan lang namin yun. Paano naman po magiging kami, e, may asawa na nga po ako at may boyfriend na yung tao? Sobrang magkaibigan lang po talaga kaming dalawa. Walang talunan or something," paliwanag ni Jordan sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano ba silang nagkakilala ni Janelle?

"Actually, matagal na po kaming magkakilala. Tapos, 'eto nga, nagkaroon ng raket sa Isabela, yung celebrity basketball. Inimbita ko doon si Janelle para kumanta sa opening," ani Jordan.

Kung wala ba siyang asawa ngayon at single pa rin si Janelle, posible bang ligawan niya ito?

"Kasi kami po ni Janelle, nag-start kami na parang kuwela, e, yung magkaibigan. Kaya parang wala pong ano, e. Parang hindi ko po talaga naiisip na diskartehan siya or ano."

GAY RELATIONSHIPS. Hanggang ngayon ay lagi pa ring laman ng mga blind items si Jordan na diumano'y pumapatol sa mga bading. Masasabi ba niya na pawang tsismis lang ang lahat ng yun at matino na talaga siya ngayon?

"Matino naman po talaga ako, e," sambit ni Jordan "Sobrang masaya ako sa pamilya ko, masaya ako sa mga anak ko. Actually, kakauwi lang ng mga bata galing America.

"Yung tungkol naman po sa hindi mamatay-matay na tsismis sa akin na pumapatol daw ako sa mga bading, ang masasabi ko lang po, sobrang nakaka-feel bad kasi never ko pong ginawa sa buhay ko yun. Honestly, hindi ko kayang sikmurain yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang ano ko lang po sa sarili ko, nakakapagtrabaho naman po ako nang maayos, kaya ko naman pong kumita. Kahit po kanino diyan, kaya kong tumingin sa mata at sabihin na hindi ko po kayang gawin 'yan.

"Kahit paano naman po, marami pa rin akong raket, like mga celebrity basketball. Tapos marami rin po akong kaibigang mga artista na nagbibigay din ng mga trabaho, like si Kuya Ipe [Phillip Salvador]," pagtatanggol niya sa sarili.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jordan: "Kahit po kanino diyan, kaya kong tumingin sa mata at sabihin na hindi ko po kayang gawin 'yan," says Jordan Herrera about reports that he had gay relationships before.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results