Gladys Guevarra says her ex-boyfriend and former actress Stella Ruiz are meant for each other

Ruel J. Mendoza
Saturday, April 18, 2009 @ 08:30PM  |  106 views

"Akala nga ng iba na magiging bitter ako. Hindi ako gano'n. Tapos na kami ni Philip. He is a part of my past na. Kung sino ang bagong karelasyon niya, magiging masaya ako. Totoo 'yan at walang kaechosan ito!" says Gladys Guevarra about the upcoming church wedding of her ex-boyfriend Philip Peredo with former actress Stella Ruiz (inset).

Photo By: File photos













Maganda ang mga sinabi ng nagbabalik na singer-comedienne na si Gladys Guevarra tungkol sa nalalapit na church wedding ng kanyang ex-boyfriend na si Philip Peredo sa dating sexy actress-singer na si Stella Ruiz sa September 6 sa Nevada.

Sinabi ni Gladys na natutuwa siya para sa dalawa dahil bagay raw ang ex-boyfriend niya at si Stella. Nang makita nga raw niya ang litrato nina Philip at Stella na magkasama, alam daw niyang meant for one another ang dalawa.

"Naku, walang kaplastikan, bagay sila," nakangiting sabi ni Gladys sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Noong ipakita nga sa akin ang mga pictures nila, ramdam mo na para sila sa bawat isa. Nakakatuwa talaga sila. I am very happy for both of them and I wish them happiness at maging happy ang pagsasama nila bilang mag-asawa."

Hindi naman ipinagkaila ni Gladys na hindi naging maganda ang ending ng relasyon niya kay Philip. May mga bagay raw silang hindi napagkasunduan. Kaya imbes na magtagal pa sila ay nagdesisyon si Gladys na wakasan na ang relasyon nila.

Aniya, "Yun ang sa tingin ko ang pinakamagandang way para yung respeto namin sa bawat isa ay nandoon pa. Ayoko naman na dumating ang time na nagbabastusan na kami at masama na ang loob namin sa isa't isa.

"Noong maghiwalay kami, matagal akong walang communication with Philip. As in, nawala talaga ako at hindi ako nagparamdam sa kanya. Pero noong magkausap kami ulit, friends na kami. Napag-usapan na namin ang lahat ng bagay-bagay. Naayos naman kasi may pinagsamahan naman kami nung tao.

"Sa totoo lang, isa si Philip sa gusto kong pasalamatan, kasi siya yung tumulong sa akin para hanapin kung sino ba talaga ako, at ano ba ang gusto ko sa buhay. I honestly admit na wala akong direksiyon noon. Kalat-kalat ang pag-iisip ko noon.

"In fairness to Philip, siya ang nagpatino sa buhay ko. Kaya masaya ako for him because hindi man kami nagkatuluyan, nakahanap naman siya ng babaeng mamahalin niya at mahal din siya," saad ng comedienne.

Hindi raw alam noong una ni Gladys na si Stella (Estella White sa tunay na buhay) ang makakatuluyan ni Philip. Kaya noong mag-guest siya sa Showbiz Central last April 5 at umupo siya sa segment na "Intriga Crossfire," totoo ang isinagot niya na wala siyang alam sa bagong karelasyon ni Philip.

"May nakapagsabi na sa akin before, pero parang ayokong maniwala. Kailangan makakita ako ng pruweba. E, noong makita ko na ang mga pictures nila, tapos may wedding website na pala sila, natuwa talaga ako for them.

"Kasi for a couple na mag-abala sa ganyan, it means na talagang ito na 'yon. Sila na talaga. Walang ka-showbiz-an 'yan. Nasabi ko nga na bagay silang dalawa. Ang cute nilang tingnan.

"Si Stella naman, kilala ko siya noon pa. Mabait 'yang taong 'yan. Nakilala ko 'yan noong nagsimula siyang maging singer na. Nakakasabay ko minsan na mag-show 'yan. Kaya alam ko na bagay siya kay Phillip kasi pareho silang mabait na tao.

"Akala nga ng iba na magiging bitter ako. Hindi ako gano'n. Tapos na kami ni Philip. He is a part of my past na. Kung sino ang bagong karelasyon niya, magiging masaya ako. Totoo 'yan at walang kaechosan ito!" tawa ni Gladys.

Okey lang ba na imbitahan siya sa wedding ng kanyang ex?

"Okey lang 'yon," sagot niya. "I will be happy to accept it. Kung okey lang ba sa kanila, ako pa ang kakanta sa wedding at reception nila. Totoo 'yan. 'Yan ang magiging regalo ko sa kasal nila."

1  2  Next »

Related Articles

49 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name