Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer


 
"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard," says Annabelle Rama.

Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer

Rose Garcia

Rating

Si Annabelle na mismo ang nag-initiate ng gusto niyang tumbuking isyu sa pag-upo niya bilang guest sa Showbiz Central. 

 

Aniya, "Alam mo, Pia, meron akong ika-clarify muna... Itong gulo ng mga Gutierrez, nangyari sa amin dito, ika-clarify ko lang muna, okay? Never kaming nag-start ng gulo, lalo na ako, never akong nang-away. Never.

 

"Start ko nga itong sa PEP, okay? Galing sa party si Richard, umuwi siya sa Dasma sa bahay namin sa Makati, kasama yung mga grupo, ang saya-saya nila dun, walang problema.

 

"The next day, tumawag sa akin ang fans ni Richard at si Jun Lalin na meron daw nakalagay sa PEP. Una, si Richard ang inaaway ko. Nagulat siya, inaaway ko siya, bakit ganoon? Sabi ko, 'Tingnan mo muna sa PEP, ganyan-ganyan.' Nag-react si Richard, doon ako nagalit na hindi pala totoo.

 

"Ang ayaw ko lang, Pia, ang pinag-uusapan dito, ang PEP, ang isyu ng PEP. Yung lawyer [ng PEP] kahapon, nakita ko sa Startalk. Hindi ko alam kung bakit siya ngawa nang ngawa, galit na galit siya. Akala mo siya ang may-ari naman ng PEP...wala siyang karapatan, Pia! Lawyer siya, dapat siya relax lang, di ba? Lumalabas ang litid niya, nanlilisik ang mga mata niya, sa pagtatanggol niya. (Click here to read related article.)

 

"Alam mo, Attorney, hindi ka naman siguro magaling na lawyer! Magaling pa ako sa 'yo! Ang ano mo lang sa akin... Ang naiba lang sa akin at saka ikaw, ikaw may license ka, ako wala. Pero Pia, sa explanation niya kahapon, ang pinag-uusapan, PEP, okay? Ang pinag-uusapan dun, ang PEP, naglabas ng maling istorya.

 

"Ang pinag-uusapan namin ni Jo-Ann, sabi sa akin ni Jo-Ann, 'Annabelle, ano ba ang gagawin ko para hindi ka magdemanda?' Sabi ko, 'Simple lang, i-retract mo lang na wala talagang gulong nangyari.' Kasi yung istoryang lumabas sa PEP, imbento. Imbento, as in imbento.

 

"Ngayon si Jo-Ann, naglabas naman siya ng sorry, nakadiin pa kay Richard. Kasi, ayaw niyang aminin. Kasi si Jo-Ann, dati 'yan, idol ko 'yan dahil magaling mag-English, soft-spoken... Pero, naging sinungaling siya kasi gusto niyang pagtakpan yung PEP. Ayaw niyang aminin talaga nagkamali yung writer niya. Puwede namang magsabi ng sorry, nagkamali ang writer, ayaw niyang aminin.

 

"Itong lawyer kahapon, iniba naman niya yung isyu. Dinala niya dun sa mga mga magazine, mga ano, bawal yung... Kulang na lang sabihin niya i-boycott si Richard. 'Day, sorry, hindi mo kayang i-boycott ang anak ko. Kasi ang anak ko, mabait, masipag na anak, masunurin. At alam mo si Richard, napakabait na bata. Pia, kilala mo naman 'yan.

 

"At Attorney, alam mo, 'yang mga anak ko, hindi namin pinapalaki ni Eddie maging basagulero, mahilig sa gulo. Ang mga anak ko, disente 'yan sila, Pia. Hindi nag-uumpisa ng gulo 'yan. Kaya sorry, Attorney, yung mga sinasabi mo kahapon na... Kailangang sagutin ko ang sinabi niya kahapon na bawal na tumuntong si Richard sa Robinson's Galleria...

 

"Attorney, hindi mo kailangang pagbawalan si Richard na pumunta sa mall n'yo. Unang-una, ang mga fans ni Richard, pumupunta lang sa lahat ng SM mall, kaya doon kami nagsu-show sa SM malls. Yung Robinson, hindi ako papayag magsu-show ang mga alaga ko diyan, di ba? Wala naman kasing tao. Unang-una, wala naman kasing tao, napakainit pa. I'm sorry... I'm just telling the truth, okay? Napakainit pa!"

 

May sasabihin sana si Pia, pero tuluy-tuloy pa rin sa pagsasalita si Annabelle.

 

"Teka muna, Pia, isa pang isyu ko, okay? Mali yata ang pagkabasa ng lawyer nila yung sulat ng attorney ko. Mamaya, baon ko yung attorney ko para i-explain sa kanya. Siguro, bagong lawyer ka lang, 'Day, wala kang alam, okay?

 

"Yung sinabi mong isyu, hanggang ba naman sa YES! magazine, hanggang sa magazine na... Walang kinalaman sa isyu yun, bakit mo inilihis ang isyu dun, okay?

 

"Eto na, bawal kami sa YES!. Unang-una, 'Day, never akong nagmakaawa sa lahat ng magazine na i-feature ang mga anak ko. Kayo ang tawag nang tawag sa amin. Yung writer ng YES!, yung writer ng mga magazine, tawag nang tawag sa akin, kumukuha ng schedules ng mga alaga ko, sa mga anak ko

 

"Lately lang, last month lang, yung writer na si Anna Pingol, ang kulit-kulit! Gustong i-feature ang mga toys ni Richard, hindi ko nabigyan ng schedule dahil sobrang busy ni Richard, okay?

 

"Ngayon, kung ayaw n'yo kaming i-feature sa YES! magazine, okey na rin. Kasi dati, fan ako ng YES! magazine, ako ang unang bumibili. Pero right now, sa sarili ko lang opinion, Pia, hindi na siya credible. Bakit?  Huwag n'yo na akong i-publicize diyan na kasinungalingan, 'Day, 'no? Nagbigay lang ako, Jo-Ann, sa 'yo ng isang robe noong Pasko, bigyan mo ako kaagad ng Most Influential?

 

"Ano ba ang ginawa ko sa buhay ko? Hindi naman ako graduate ng college. High school graduate lang ako. Hindi ba nakakahiya yun, ilalagay mo ko dun? Tinalo ko pa sila Lucio Tan, sila Ben Chan, at kung sinu-sino!

 

"Ilagay mo diyan, Sharon Cuneta, Korina [Sanchez], Mel Tiangco, Dolphy... Yung talagang merong nagawa na sa industriya. Ako, wala akong nagawa, 'Day, wala akong award. Yun nga, e, isang pelikula lang ako. Yung Monster Mom, yun lang ang nagawa ko. Bakit ako inilagay diyan? Alam mo, isasauli ko 'yang award na 'yan kasi ayoko... Hindi ko pa natatanggap, pero ayaw ko. I-retract n'yo yun, ayaw kong maging most influential person sa showbiz. Hindi ako gano'n.

 

(Ang tinutukoy ni Annabelle na "Most Influential" ay ang listahan ng YES! ng "The 50 Most Powerful In Showbiz" ng YES!na lumabas sa April 2009 issue nito, kung saan pumuwesto siya sa No. 13 sa hanay ng mga executives—TV executives, talent managers, advertisers, writers, among others.)

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  4  5  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
684 Comments
page    1    2    3    4    5    6    7    8    9    10    11    12    13    14   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement