Pagkatapos makabili ng sarili niyang bahay sa isang exclusive subdivision sa Quezon City, may venture naman ang aktres na si Valerie Concepcion sa business, ang Posh Nails, sa isang bagong mall na itatayo sa The Fort, Taguig City. Kaugnay nito, hindi maiwasang mabigyan ng ibang kulay ang pagkakaroon niya ng business. Baka raw may mayamang DOM o benefactor ang actress-TV host.
Ayon kay Valerie, "Ready ako sa lahat ng issues na puwedeng ipukol sa akin, especially I know I'm not hiding anything. Alam ko sa sarili ko na pinaghirapan ko 'yan at hindi bigay ng kung sinu-sino.
"Happy ako sa pagkakaroon namin ng family ko ng sariling bahay. Sabi ko nga, hindi natin sasabihing magarbong-magarbo yung bahay. Pero dahil dream naman talaga naming magkabahay for me and my family, that's my dream house already.
"Regarding naman dun sa business ko, yung Posh Nails, once a week akong nandun. Tapos, when I'm there, I feel I'm at home kasi very comfy. I asked the owner, si Ate Kat, kung marami bang tao. Oo naman daw lalo na pag weekends, puno daw. Kaya napag-isipan ko, tutal mahilig ako, mahilig ang mommy ko, mahilig ang ate ko na magpalinis ng kuko, mag-business na lang kami ng sarili namin. Sana nga mag-work, sana kumita kasi it's a new mall in the Fort kami pupuwesto."
DONDON HONTIVEROS. Maging sa usaping lovelife ay mukhang masuwerte rin si Valerie dahil balita na maayos ang itinatakbo ng samahan nila ng rumored boyfriend niya, ang PBA player na si Dondon Hontiveros ng San Miguel. Ano nga ang totoong estado ng relasyon nila?
"Okey naman kami, we're happy," sagot niya. "Ganun pa rin naman kami, wala pa ring pagbabago. It's hard to explain, ine-enjoy ko na lang yung company niya. Ayoko kasing pilitin, ayokong pangunahan o ayokong i-force yung label-label na ganyan. Masasabi kong we're more than friends, pero we're not yet lovers. Siguro, we're in the middle of that."
Pinabulaanan din ni Valerie ang napabalitang kasal na si Dondon sa ibang babae.
"It's not true na kasal siya. He never got married, but he has a kid. Nakakausap ko yung bata, but hindi ko siya nakakasama. Nakikita ko siya sa mga games. He's seven," banggit ni Valerie.
Inamin ni Valerie na ang pagkakaroon nila pareho ng anak ni Dondon ang malaking dahilan kung bakit nagkakasundo at nagkakaintindihan silang dalawa.
"I think so. Naiintindihan ko na ang priority niya talaga is the kid, that lovelife is not the priority. Parang I don't want to be a competitor to the kid also. Ayokong makipag-compete sa attention ng papa niya kasi that's unfair, because I have a kid also.
"That's the reason kung bakit nagkakaintindihan kami na steady na kami ng ganito, na happy na kami ng ganito. Kasi ini-enjoy na lang namin yung company ng bawat isa."
CYRUS BAGUIO. May lumabas na balita na nakita raw si Valerie na nakikipag-date sa isa pang PBA player, si Cyrus Baguio ng Burger King Whoopers. Dahil dito ay naparatangan tuloy si Valerie na namamangka sa dalawang ilog, o playgirl.
"Last year pa when I met Cyrus, naging close friends kami. Lumabas kami for a while, minsan with a group, minsan kaming dalawa lang. It's more of parang friendly date. We can't label it na we dated. One of friendly dates lang talaga. Hindi ko masasabing nanligaw kasi hindi natuloy. It's more of naging close lang kami.
"Depende 'yan sa approach, instead of parang thinking of me as a playgirl, why not think I'm being wiser this time? I wanna know the person better, I don't wanna rush things, I don't wanna stick with this guy na hindi ko nabibigyan ng chance yung iba na nakikilala ko. What if mali na naman? It's more of choose and choose then select," pahayag niya.






when will you learn gurl???!!!
hindi ka pa nga nakapapagpasalamat sa channel 7 sa pagbibigay ng 2nd chance sa iyo at nasayang na plans nila to build you up...
hindi ka pa rin uma-angat sa dos maliban sa bigay nilang patili-tili mong style na hosting na nakaka-irita
eto na naman po ang another potential pregnancy where you will be left again in the cold.
inday...tantanan...concentrate on your hanapbuhay and how will you get out of your current rut
Ang bait talaga si preng manny
pareho tayo ng katwiran. Ano ba pakialam mga tao kung ano ang ginagawa or gagawin ala naman sila sinasagasaan na gf ni Dondon or asawa. Ang pangit may partner na ung lalake na kanyang dine date. Agree?
Basta gusto ko si Valerie
Gusto ko si Valerie kasi mayron siyang pagmamahal sa kanyang pamilya talaga, hayan ang ang bunga ng kaniyang paghihirap di bale ng may anak at may bahay naman na siya now.
AT mukha siyang hindi nanganak ha kay ganda ng mukha ng batang itoo Pinay na pinay at ang ganda niya ngumiti promies