Happy and proud si Karylle na nakasama siya sa cast ng bagong show ng ABS-CBN na mapapanood tuwing Sabado, ang Komiks Presents Nasaan Ka, Maruja. First time niya ring makatrabaho ang karamihan sa cast nito, na kinabibilangan nina Kristine Hermosa, Derek Ramsay, John Estrada, Gloria Romero, Enchong Dee, Bing Pimentel, Menggie Cobarrubias, at Kitkat.
Sa presscon nga ng Nasaan Ka Maruja kaninang tanghali, April 21, ay inihayag ni Karylle na ang dami-daming blessings na dumating sa kanya simula nang lumipat siya mula GMA-7 papunta sa ABS-CBN. Bukod sa naturang teleserye ay masaya rin si Karylle dahil sa magandang pagtanggap ng mga tao sa kanyang bagong album na Time For Letting Go under Polyeast Records.
DINGDONG DANTES. Speaking of letting go, naghilom na ba ang sakit na dulot ng past relationship niya with Dingdong Dantes?
"Malapit na. Pero I think hindi mo naman masasabi kung completely naka-let go, or completely healed ka na. Pero alam ko malapit na malapit na," saad ni Karylle sa PEP (Philippine Entertainment Portal)
Nilinaw rin ni Karylle ang lumabas na isyu tungkol sa pang-iisnab diumano ni Dingdong sa invitation niya for her birthday. Lumabas kasi noon na hindi man lang nag-text si Dingdong para batiin siya. (Click here to read related story.)
"Nag-text naman siya noon," sabi niya. "It just so happen na malapit na yung birthday ko. At saka alam mo yung feeling na malapit na ang birthday mo, parang okay na okay ka sa sarili mo. So, ang gusto kong gift sa sarili ko, gusto ko ng peace of mind. Hindi naman nangangahulugan na nag-aaway kami, but gusto ko lang iparating sa kanya na peace kami.
"Hindi naman kami nag-aaway. Kasi yun ang impression ng ibang tao, 'Bakit sila magpi-peace, nag-aaway ba sila?' Siyempre sa lahat ng ganitong interview, parang iisipin niya na may sama ng loob ako sa kanya or whatever. Gusto ko lang iparating sa kanya na peace kami. He knew naman na he was invited. Hindi naman niya ako inisnab or anything, nag-reply naman siya. Hindi nga lang niya ako binati."
Bakit sa tingin niya hindi nagpunta si Dingdong sa birthday niya?
"Baka sa palagay niya weird kung pupunta siya," sagot ni Karylle.
Sa tingin ba niya ay gusto na rin ni Dingdong na magkaayos sila?
"Oo, I think so. Siguro in time."
Mas nakabuti ba na naghiwalay na sila noon?
"Well, hindi ko naman masasabi yung ganun. Marami namang magagandang naidulot yun. I always think na we were happy when we're together. Alam mo yun, no regrets. And whatever happens then and now, okay na."
Ready na ba siya to fall in love again?
"Hindi pa," sagot ni Karylle. "Gusto ko munang mag-focus sa career ko. Ayokong sayangin yung opportunities na dumarating. Mararamdaman ko naman kung right time na, basta dumating na yung right guy."






ilocano ka rin pala. na get ko kasi iyung last word sa comment mo.
queenkimz
pero bru kailangan magpakamisteryosa din ng konti si K para naman macurious ang tao di yung gibs sya ng gibs ng info di ba? dapat pasundot sundot lang ang sagot nya.
pero siguro mas mabuti kung magpa exorcise na sya from DD’s spirit dahil nagagalit ang ibang pepsters.
Kantahan ko kaya ng Mag-exorcist tayo ng isang Dalaga ni Michael V hahahaha
Mag exorcist tayo ng isang dalaga, boses lalaki pag tumatawa
Mag exorcist tayo ng isang dalaga, nasusunog sa aking agua bendeta
Mag exorcist tayo ng isang dalaga, na parang gripo pag sumusuka
Mag exorcist tayo lumalala na, ang katawan nya’y lumulutang sa kama
hahahah
amputch bru na overdose ako ng french culture at pagbalik na miss ko ang kabaduyan ng pinoy
korak na korak and point mo. siya na yata talaga ang sobrang bitter. di maka move on.
balugababe
ekung kendi lang pala bigay ni echo pinalaki ng press na nagreregalo.haha.oa talaga.
ay oo bongalalaciousta ang lolo dd mo..kaya nga di ba how can i get over you get over me.e si papa d ganun di ba kaya?hmmmm.esep muna ako sasabihin.ay sige i love you,you love me,we are family with a great big hug and a bag from me to you that's how much i still care for you.
queenkimz
musta na? hehehe
chepangga nga magregalo eh, kendi lang pala hahaha...nabili pa siguro sa taktak boys sa EDSA hahaha
at least si DD bonggacious davah kaya siguro di nya makalimot limotan...
balugababe
bwaahahah.bru na miss ko ang tumbling.natawa na naman ako sa tagal mong nawala.hmmm kunyari ka pa hindi mo alam ang reason ng break up.hahaha.
text ni papa d sa kanya.
nanghihinayang nanghihinayang ang puso ko na ika'y sinaktan at pinalitan.
di kaya: ang buong lyrics ng Dayang Dayang at medyo lashing si DD at na typo hahaha
piriripi piririp, piriripi piririt
papiripo papirit, papiripo papirit
piririp-pirip, piririp piririp
hay sayang, hay sayang
sayang sayang,
sayang sayang dayang
balugababe
April 21, 2009
20:47 PM Exag talaga magkalat ng tsismis ang mga mosa sa showbiz. inaabutan lang pala sya ni jericho ng occassional snowbear at white rabbit eh mahilig na daw magregalo...hahahaha ewan!
at least di sya napapabayaan sa ABS, palaging may project
_______________________________________
haruu u shur na si echo ang madalas magregalo?hahaha....pano tantanan ng tanong at maka move on e panay din ang chika...tigilan na nga nila yan.get over it kung baga...
DD para tuloy hindi pa siya naka move
on. baka feeling niya walang magbabasa ng article kung hindi kasali si DD.
O baka hindi na nga sya inteviewhin kung hindi sikat ang ex nya.