Matagal-tagal ding nabakante sa pag-arte sa telebisyon si Toni Gonzaga. Matagal nang natapos ang Maging Sino Ka Man Book 2 kaya parang pagbabalik na rin niya sa pag-arte sa telebisyon ang bagong series na gagawin niya sa ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents "Ang Lalaking Nagmahal sa Akin," kung saan sa unang pagkakataon ay makakatambal ni Toni si Derek Ramsay.
Ayon kay Toni, very thankful siya sa pagkuha sa kanya for the said episode of Precious Hearts Romances (PHR).
"Nagpapasamat ako, lalo na kay Direk Lauren Dyogi na kumonsider sa akin sa proyektong ito. Si Inay Cathy [Garcia-Molina] at si Direk Lauren pa rin ang business unit head nito... I'm really, really thankful," sabi ni Toni sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng "Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin" na ginanap sa Pinoy Dream Academy compound kahapon, April 21.
Nabasa na ba niya ang mismong libro na ito ng PHR?
"Alam ko na ang kuwento," sagot niya, "Actually, naibigay na sa akin ang script a month ago pa. And the story was already mentioned to me, a month ago rin. Ipinadala na sa akin ang kopya ng nobela at saka yung script. And yun nga, medyo comedy, light and romantic."
Habang ipini-present sa buong cast ang kuwento, hindi namin maiwasang ikumpara ito sa Hollywood film ni Jennifer Lopez na Maid in Manhattan. Ano ang masasabi rito ni Toni?
"Yun din nga ang naisip ko, actually," pag-amin ni Toni. "Kaya lang, this is the Pinoy version. Maid in Manhattan is Hollywood version. But this one, talagang makaka-relate yung ganitong pinagdadaanan [ang] mga Pinoy. Pang-Pinoy talaga."
Medyo natagalan bago nasundan ang pag-arteng muli ni Toni sa telebisyon. Was it really her choice?
"Hindi ko alam, medyo parang ganoon," sagot niya. "Kasi, I concentrated on other things; like singing and hosting at the same time. I did a movie last year. Tapos, may concert din, so medyo naghinay-hinay lang din. Pero hindi naman completely igi-give up ang acting kasi masarap umarte."
READING & COOKING. Mahilig ba siyang magbasa ng romantic novels?
"Ay, mahilig akong magbasa!" bulalas ni Toni. "Hindi lang romance book, mga self-help books. Right now, I'm into mga cook books dahil ano..."
Preparasyon na ba ito sa pag-aasawa niya?
"Hindi, hindi... Parang ano, masarap din palang magluto. Try-try na rin ako, pero hindi pa naman ako mag-aaral ng Culinary. Hindi pa naman ganoon."
Napagluto na ba niya ang boyfriend na si Paul Soriano?
"Napagluto? Oo, pero hindi pa yung luto talaga, bake lang ng cookies."






ULTIMATE MULTI MEDIA STAR !
identified na talaga sya sa PBB kaya di pwedeng mapalitan. Ang calibre lang nya as a host ang maka handle ng unexppected twists ng reality tv. pati na rin sa nomination/eviction nights. pilit ginagaya ng iba pero di pa rin magawa. so as long as may PBB, toni should be there.
ur the best actress in town.!
:D
God bless and more power Toni...
Thats completes Toni....
Excited na ako. Sana ipalabas na nila bago mag pasukan.
Ilang episodes ba ito?
sige po gtg......
quot;Y0UR D' BEST IDOLquot;
ala na talaga ako time matulog nito pag may episode na sya sa PHR. Eh from 11am to 3pm lang ako natutulog. Ngayon nga, bawas na oras ng tulog ko dahil sa Kambal sa Uma!! hehehe
Magkikita na bukas ang kambal.