Edu Manzano spearheads "Ako Mismo" movement


"If you decide to run, you cannot choose. Or kung sino ang makakasama mo, halimbawa, [from] provincial board member to Congress. Ang importante is your willingness to serve. Sana lahat ng kasama mo, iisa ang layunin ninyo," replies Edu Manzano when asked of he is willing to run on the same ticket as Senator Bong Revilla.

Edu Manzano spearheads "Ako Mismo" movement

Trisha Alvarez

Rating

"That's why yun ang isa sa heart ng Ako Mismo. Kasi may mag-aano kung sino ang iboboto mo. A part of this is sabihin sa mga estudyante... Sila kasi ang biggest voting force ngayon, e—18 to 24 years old. Ang problema, karamihan sa kanila, hindi rehistrado. Kasi yung iba, ayaw na nila. Kasi ganyan na lang nang ganyan.

 

"Pero kasi, ang values mo talaga magbabago when you start having children and that's really... 14 years old na si Enzo, si Adi kaka-16 lang nitong April 1. Si Luis, believe it or not, kaka-28 na. Wala sa hitsura niya. 'Tsaka parang wala rin sa mindset. Pero college graduate siya," banggit ni Edu sa kanyang mga anak.

 

Mag-aartista rin ba sina Enzo at Adi gaya ng Kuya Luis nila?

 

"Bahala sila. After graduation," tugon ni Edu.

 

Handa na ba siyang magka-apo?

 

"Oo, di ba? 54 na ako this year."

 

EDU-BONG IN 2010? Open ba siya sa idea na makasama sa tiket ang dating chairman ng Video Regulatory Board (na ngayon ay OMB na) at senador na si Bong Revilla?

 

"If you decide to run, you cannot choose. Or kung sino ang makakasama mo, halimbawa, [from] provincial board member to Congress. Ang importante is your willingness to serve. Sana lahat ng kasama mo, iisa ang layunin ninyo."

 

Hindi ba siya magba-backout kapag pareho silang nasa isang partido ni Bong sa 2010 election? Hanggang ngayon kasi ay may "word war" pa sina Edu at Bong dahil sa isyu ng piracy.

 

"Hindi mo rin masasabi. Baka kung hindi ka naman masasama doon sa mga mananalo, baka hindi ka pagbibigyan ng tulong sa mga projects. Kaya kailangan balansihin, e. Is it worth it? May naipon ka ba?

 

"I think we should also be thankful to Jinggoy Estrada. Jinggoy is number one in the survey, di ba? And he is also showing na ang artista, puwede ring gumawa ng magandang pangalan sa Senado. Tingnan mo siya, nagtatrabaho siya," saad ni Edu.

 

BIG FISH. Ibinalita naman ng OMB Chariman na nahuli nila kamakailan ang isang big fish sa mga namimirata ng mga pelikulang Pinoy at foreign.

 

"Ang tagal na naming hinahanap ito. Kasi ito, paikut-ikot. Pinasok namin siya sa De Jesus St. sa Baler. Siya si Lawrence Gatchalian alyas Lawrence Tiu. Dito lang sa may Pugadlawin.  

 

"Nahuli namin ang kanyang factory. Tingnan mo ang Meralco billing niya, P140,000 and P143,000! Pero ang front ng bahay niya, mataas na bakod. Papasok ka, kakanan, kakaliwa ka

 

"Nahuli namin siya kasi si Usec. Bebot Villar ng PASG [Presidential Anti-Smuggling Group], sila ang first line of defense. Kasi itong mga makina, galing sa abroad. Hindi naman gawa dito, e. So, ang first line of defense mo talaga, dapat yung Customs at yung PASG.

 

"E, lately, yung PASG kasi, hindi nila alam kung anong klaseng makina 'yan, e. Kaya kailangan silang bigyan ng tulong ng OMB. So, kung meron silang nakikitang misdeclaration na spare parts, tools... Pero yun pala, makina, so baklas-baklas. Kaya  tumatawag ang PASG.

 

"So, I guess, yung latest success nung OMB is because of the inter-agency cooperation. Magaling si Usec. Villar. 'Tsaka maganda, kasi alam mo, sila dapat ang mauna dahil anti-smuggling, di ba? So, bago nila ma-smuggle. Kapag nandito na, saka namin naging problema."

 

WEDDING RUMOR. Samantala, usap-usapan din ang pagpapakasal diumano ni Edu sa co-host niya sa Umagang Kay Ganda na si Pinky Webb

 

"May plano, e, noon," sabi ni Edu. "No, actually we thought about it. Pero doon lang muna. Parang apat ang ginagawa niyang [Pinky] shows. Peak ito ng career niya. Bata pa naman siya. She will be turning 39 on April 11."

 

Ibig bang sabihin pagbibigyan muna ni Edu si Pinky na i-enjoy ang magandang takbo ng career nito sa television?

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
20 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement