"Good friends kami ni Iza at pang-ilang soap na ba namin ito na magkaaway kami? Hindi porke't nag-aaway kami sa TV ay magkaaway din kami in real life. Chillax [chill and relax] lang kayo, huwag n'yong masyadong dibdibin ang napapanood ninyo sa All About Eve. TV lang 'yan, hindi real life," says Sunshine Dizon about her onscreen rivalry with Iza Calzado in All About Eve.

Photo: Noel Orsal

Nakakatuwa ang kuwento ni Sunshine Dizon sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Aniya, maging siya ay naiinis sa character na ginagampanan niya sa primetime drama series na All About Eve bilang si Erika. Minsan nga raw, binabato niya ng tissue ang kanilang TV set. Pero walang magawa si Sunshine dahil kailangan niyang gawin ang kanyang trabaho.

"Alam kong marami ang nagagalit sa akin at may gusto akong sabunutan," umpisa niya. "But I've been hearing good reviews and nice comments sa portrayal ko sa role ni Erika, kaya okey lang kung may magagalit. Alam naman ng tao na it's just a character at madalas ko itong gawin, kaya dapat masanay na sila. May friends ako na apektado rin at hindi nila alam kung iiyak o magagalit kay Erika. I'm happy sa reaction ng audience."   

In a separate interview with Richard Gomez, na-single out ng aktor si Sunshine dahil kahit magaling na raw itong aktres ay nagtatrabaho pa rin para mas gumanda ang eksena. Ano ang masasabi ni Sunshine dito?

"Salamat kay Mr. Richard Gomez kung yun ang tingin niya. Pero lahat kami nag-e-effort na galingan ang mga eksena para matuwa o magalit sa 'yo ang viewers. Hindi ako puwedeng magpabaya at matuwa na lang sa good comments. Hindi porke't sinasabi nilang magaling ka at nanalo ka ng acting awards ay magpapabaya ka na o magiging kampante ka na. Dapat galingan mo pa lalo, pointless kung hindi mo pagbubutihan. Why accept a role?" pahayag ni Sunshine.

DON'T TAKE IT PERSONALLY. Ano ang masasabi niya na pinepersonal ng ibang fans nila ni Iza Calzado ang away nila sa All About Eve? Nagsasagutan kasi sa thread ng soap ang fans nila at personal ang banatan.

"Hindi ako aware dun at sana tumigil sila sa pag-aaway," sabi ni Sunshine. "Good friends kami ni Iza at pang-ilang soap na ba namin ito na magkaaway kami? Hindi porke't nag-aaway kami sa TV ay magkaaway din kami in real life. Chillax [chill and relax] lang kayo, huwag n'yong masyadong dibdibin ang napapanood ninyo sa All About Eve. TV lang 'yan, hindi real life."

Hindi ba sila nagkakasapawan sa eksena ni Iza?

"Hindi uso sa amin yun, nagbibigayan kaming dalawa. I guess we're professional enough para gawin lang kung ano ang tama at hinihingi ni Direk Gil [Tejada] sa amin."

MORE SHOCKING SCENES. Sa All About Eve ay pumayag siya sa kissing scene, may love scene sila ni Alfred Vargas, sumayaw sila sa club at nag-swimsuit para akitin si Mark Anthony Fernandez. Anong mga eksena pa ang aabangan at ikagugulat ng viewers?

"Magandang abangan 'yong part na hinahanap na si Erika ng nanay niya. At si Erika rin, nagkakaroon na ng yearning to look for her mom dahil hindi nga niya kilala. Sa week eight, naghahanapan kami ng ina ko. Sa week nine, magkikita sina Max [Gabby Eigenmann] at Katrina [Jean Garcia] at sasabihin ni Max na naging girlfriend niya ang anak ni Mando [Ian de Leon]. Pero hindi niya sinabi kay Katrina ang name ng girlfriend niya.

"Maganda rin yung eksenang paninirang-puri ng kalabang network kay Erika na this time, host na ng AAE. Ibubulgar nilang naging GRO si Erika sa tulong ni Max. Actually, lahat ng pangit na ginawa ni Erika, automatic ang karma sa kanya. Sobra ang want niya and she does things na hindi niya alam, masama. Lagi siyang nasa survival mode. Masarap paglaruan ang character ni Erika, natsa-challenge ako," lahad ni Sunshine.

Bago tapusin ang interview, ipinaabot ni Sunshine ang pasasalamat niya sa sumusubaybay sa All About Eve, sa mga nanonood sa kanya sa SOP, at sa mga tumangkilik sa Sundo.

 

Inulit din nito ang pakiusap sa fans nila ni Iza na huwag mag-away dahil lang sa napapanood nila sa All About Eve.

   

"Kahit si Iza, hindi matutuwa 'pag nalamang nag-aaway-away kayo. Palabas lang 'yan at hindi dapat pinepersonal. Maging masaya na lang tayo sa panonood at iwasan ang magsagutan. Gusto kong sabihin sa inyo na magkaibigan kami ni Iza at sa All About lang kami magkaaway," pagtatapos ni Sunshine.