Halos dalawang taon din ang naging pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang love team. Sa dalawang taon na ito pumasok ang tatlong primetime series nila na nagkasunod-sunod—Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Nagkaroon din sila ng isang pelikula, One True Love (2008).
But all good things come to an end.
Huling linggo na ngayon ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Pagkatapos nito, ang tinaguriang "phenomenal love team" ay gagawa na muna ng kani-kanilang projects at wala pang kasiguraduhan kung kailan sila ulit mapapanood na magkasama sa isang proyekto.
Dahil hindi na sila ang magkasama sa susunod nilang projects—si Marian ay gaganap na Darna sa pagbabalik nito sa telebisyon, samantalang wala pang balita kung ano ang gagawin ni Dingdong—emosyunal pareho sina Dingdong at Marian sa pagtatapos ng kanilang soap opera.
Hindi naman ito itinanggi ni Dingdong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng farewell party ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa SOP kahapon, April 26.
Aniya, "It was a great experience! Kakaibang kaganapan. Hindi lang sa akin bilang artista kundi higit sa pagkatao ko. Very memorable talaga ang show na ito sa akin. Unang-una, yung role ko rito ay talagang kakaiba. Yung gustung-gusto kong gawin na may pagka-action nang kaunti, e, nagagawa ko kahit papaano dito.
"At bukod dun, personally ay napamahal sa akin lahat ng kasama namin sa cast. Much more than that, yung samahan namin ni Marian, e, ito na yung parang significant ending namin. Ang daming reason para ito ay hindi makalimutan sa matagal na panahon."
Malungkot ba siya na magtatapos na ang soap nila ni Marian?
"Mixed, e," sagot ni Dingdong. "Oo, malungkot dahil sa lahat ng show na magtatapos, talagang nakakalungkot. Pero ang mas malungkot dun, yung dahilan na hindi muna kami magsasama ni Marian. Dahil yun, e, isang bagay na nakasanayan namin at ng mas maraming tao."
NO REGRETS. Kahit hindi kasing-taas ang rating na naabot ng Hinugot Sa Aking Tadyang kumpara sa dalawang nauna nilang primetime series—Marimar at Dyesebel—wala bang panghihinayang na ginawa nila ang show?
"Wala," mabilis na sagot ni Dingdong. "Kami, in everything we do, we always give our best. Regardless, as long as we believe in the project. As long as naibibigay namin yung lahat ng kakayahan namin, masaya kami, kuntento kami dun."
Hindi kaya sa material mismo ng Hinugot Sa Aking Tadyang, na medyo pang-mature audience, kaya hindi ito naging kasing lakas ng nauna nilang shows?
"Naniniwala ako na meron kaming loyal viewers," sabi ni Dingdong. "Naniniwala ako na may mga taong sumubaybay at sa kanila ako naniniwala dahil tinangkilik nila yun."
Kung nagkataon kayang mataas din ang rating ng kanilang huling soap, posible kayang sila pa rin ni Marian ang magkatambal sa susunod nilang project?
"Tingin ko, hindi na rin," sagot niya. "Sa tingin ko, ha, kasi marami pa rin namang project. Like si Marian, talagang nakalinya na yung Darna. At tamang-tama na para sa kanya. So, kung nagkataon man, baka hindi siya magiging ganoon. So, everything happens for a reason."






nako, nako, natulog ka nga siguro sa pansitang napanis. di mo alam na nag-number one sa FHM si Marian Rivera?
Hay naku! patawas ka! baka nakidnap ka ng mga maligno at kung saang dimensyon ka dinala.
hindi mo ba talaga alam na nag-No.1 sa FHM si Marian last year as in 2008?!?! Ha?!?!?!
haha.isa ka pa,pakiayos mo muna name ko bago ka magcomment.
gemarian00 not quot;ooquot;.
haha.opinyon ko yon baby,wala ring pakielamanan.Iba na talaga si Marian ngayon pati mga naghahate sa kanya,andito na sa article nila.
haha.GO MARIAN!
kelan pa nag no.1 c marian sa fhm....
baka ikaw ang natutulog sa pancitan... bagay c marian sa tiktik... hehehe
saka tama cla, c dingdong lang ang kaya nyang tambalan... wala kasi syang enta... TIRA TIRA .... TIRA TIRA!!!!
ui... nangaaay gustong magpapatol..
wahaha! anu nmn eh un ang opinion nya! wla kang paki!
well,well,well..
how desperate..kailangan ba talagang gumawa ng SARILIng issue makapagcomment ka lang?
haha nagpapatawa ata.Huwag nang patulan kawawa naman.LOL
sayang kasi sila DONGYAN! dapat next time hwg naman bara-bara lang. KAPUSO ako pero aminin natin kulang ang GMA sa mgagaling na director, writer, workshops etc...its not too late at pls hwg sayangin si MARIAN AT DINGDONG
Happy bday....
sana nga yan ang bday gift sau hehehehe
pra msya na ulit tau at d ntin cla mamiss...
dongyan 4 ever
biglang si DD pala magiging Captain Barbel meet DArna yahooooooooo
bagay na bagay talaga kayo hehehe
hay so sad kahit pansamantala lang ang paghihiwalay ng loveteam nila...
nasanay na kami na silang dalawa laging nakikita sa primetime... sana magawan ng paraan ng GMA...na isama sa DARNA si DD!