Halos dalawang taon din ang naging pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang love team. Sa dalawang taon na ito pumasok ang tatlong primetime series nila na nagkasunod-sunod—Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Nagkaroon din sila ng isang pelikula, One True Love (2008).
But all good things come to an end.
Huling linggo na ngayon ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Pagkatapos nito, ang tinaguriang "phenomenal love team" ay gagawa na muna ng kani-kanilang projects at wala pang kasiguraduhan kung kailan sila ulit mapapanood na magkasama sa isang proyekto.
Dahil hindi na sila ang magkasama sa susunod nilang projects—si Marian ay gaganap na Darna sa pagbabalik nito sa telebisyon, samantalang wala pang balita kung ano ang gagawin ni Dingdong—emosyunal pareho sina Dingdong at Marian sa pagtatapos ng kanilang soap opera.
Hindi naman ito itinanggi ni Dingdong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng farewell party ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa SOP kahapon, April 26.
Aniya, "It was a great experience! Kakaibang kaganapan. Hindi lang sa akin bilang artista kundi higit sa pagkatao ko. Very memorable talaga ang show na ito sa akin. Unang-una, yung role ko rito ay talagang kakaiba. Yung gustung-gusto kong gawin na may pagka-action nang kaunti, e, nagagawa ko kahit papaano dito.
"At bukod dun, personally ay napamahal sa akin lahat ng kasama namin sa cast. Much more than that, yung samahan namin ni Marian, e, ito na yung parang significant ending namin. Ang daming reason para ito ay hindi makalimutan sa matagal na panahon."
Malungkot ba siya na magtatapos na ang soap nila ni Marian?
"Mixed, e," sagot ni Dingdong. "Oo, malungkot dahil sa lahat ng show na magtatapos, talagang nakakalungkot. Pero ang mas malungkot dun, yung dahilan na hindi muna kami magsasama ni Marian. Dahil yun, e, isang bagay na nakasanayan namin at ng mas maraming tao."
NO REGRETS. Kahit hindi kasing-taas ang rating na naabot ng Hinugot Sa Aking Tadyang kumpara sa dalawang nauna nilang primetime series—Marimar at Dyesebel—wala bang panghihinayang na ginawa nila ang show?
"Wala," mabilis na sagot ni Dingdong. "Kami, in everything we do, we always give our best. Regardless, as long as we believe in the project. As long as naibibigay namin yung lahat ng kakayahan namin, masaya kami, kuntento kami dun."
Hindi kaya sa material mismo ng Hinugot Sa Aking Tadyang, na medyo pang-mature audience, kaya hindi ito naging kasing lakas ng nauna nilang shows?
"Naniniwala ako na meron kaming loyal viewers," sabi ni Dingdong. "Naniniwala ako na may mga taong sumubaybay at sa kanila ako naniniwala dahil tinangkilik nila yun."
Kung nagkataon kayang mataas din ang rating ng kanilang huling soap, posible kayang sila pa rin ni Marian ang magkatambal sa susunod nilang project?
"Tingin ko, hindi na rin," sagot niya. "Sa tingin ko, ha, kasi marami pa rin namang project. Like si Marian, talagang nakalinya na yung Darna. At tamang-tama na para sa kanya. So, kung nagkataon man, baka hindi siya magiging ganoon. So, everything happens for a reason."






Smiled with the risin sun
Three little birds
Sayin, this is my message to you-ou-ou
dont worry about a thing
coz every little thing gonna be all right!
dont worry bout a thing, oh no!
'Cause every little thing gonna be all right!
dowager
April 28, 2009
00:09 AM Dingdong and marian's tandem should be taken cared of...that's wat gma should do...sila reason kng bakit naka subscribe sa pinoytv ang karamihan ng subscribers tapos they're separating them???
--------------------------------------
pansamantala lang naman yan. baka kc nagsasawa na ang mga viewers. mababa kc ang ratings ng tadyang eh. ang sabi dahil daw hindi bagay kay marian ang role kc pang telepantasya lang talaga sha or pwede ring nag sasawa na nga ang mga tao sa tandem nila. okay lang yan kc pambata lang talaga ang love team saka para sa kanila rin yan. mahirap ang may love team pano kung nabuwag ng tuluyan baka lalo clang mahirapan d ba? at least ngayon masusubukan nila na mag isa or mai partner sa iba. parang jlc and bea. hayaan mo baka next year may movie cla together.
you have the point. very good point. You know my concern, some fans can't even comprehend well, sorry guys, just trying to make a point here:
Watching SOP over and over last sunday, i realize how MR is into DD..she's so sincere at that time, wow, the girl is so expressive. But with DD ha, i hope your not just trying to be cool, or else my respect lessens. Although the kiss claims ownership,hahaha...but as days goes by show your sincerity.
As their projects, good luck MR for Darna and with DD, i totally agree with you Rodaalma, i challenge GMA to give RG a drama series like AAE let's see what he could do.
Haay, GMA, i'll be just at the corner watching all your decisions about the deserving talents or else i won't hesitate to pull out my loyalty to your network..
The thinking fans are just watching and observing..
Paulit ulit ulit ulit ulit yang flop flop flop flop na yan...hahahhaha
wala nbng iba????
kase ang ABSHAT, 3 months lang tlga yan.hahahah
first time primetime show na nawala sa top 10 RATING?? okay ka lang???
eh kita mong suki jan ang ABS ehh
Yung paninira mo ang super Flop, kasi yung flop na yan noon pa hanggang ngayun ba naman flop parin.
Ipa bagu mo yung scrip mo dahil hindi napa laos si Marian nyan , balik ka doon sa script writer mo.
Yang mukha mo ang sobrang Flop.