Halos dalawang taon din ang naging pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang love team. Sa dalawang taon na ito pumasok ang tatlong primetime series nila na nagkasunod-sunod—Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Nagkaroon din sila ng isang pelikula, One True Love (2008).
But all good things come to an end.
Huling linggo na ngayon ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Pagkatapos nito, ang tinaguriang "phenomenal love team" ay gagawa na muna ng kani-kanilang projects at wala pang kasiguraduhan kung kailan sila ulit mapapanood na magkasama sa isang proyekto.
Dahil hindi na sila ang magkasama sa susunod nilang projects—si Marian ay gaganap na Darna sa pagbabalik nito sa telebisyon, samantalang wala pang balita kung ano ang gagawin ni Dingdong—emosyunal pareho sina Dingdong at Marian sa pagtatapos ng kanilang soap opera.
Hindi naman ito itinanggi ni Dingdong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng farewell party ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa SOP kahapon, April 26.
Aniya, "It was a great experience! Kakaibang kaganapan. Hindi lang sa akin bilang artista kundi higit sa pagkatao ko. Very memorable talaga ang show na ito sa akin. Unang-una, yung role ko rito ay talagang kakaiba. Yung gustung-gusto kong gawin na may pagka-action nang kaunti, e, nagagawa ko kahit papaano dito.
"At bukod dun, personally ay napamahal sa akin lahat ng kasama namin sa cast. Much more than that, yung samahan namin ni Marian, e, ito na yung parang significant ending namin. Ang daming reason para ito ay hindi makalimutan sa matagal na panahon."
Malungkot ba siya na magtatapos na ang soap nila ni Marian?
"Mixed, e," sagot ni Dingdong. "Oo, malungkot dahil sa lahat ng show na magtatapos, talagang nakakalungkot. Pero ang mas malungkot dun, yung dahilan na hindi muna kami magsasama ni Marian. Dahil yun, e, isang bagay na nakasanayan namin at ng mas maraming tao."
NO REGRETS. Kahit hindi kasing-taas ang rating na naabot ng Hinugot Sa Aking Tadyang kumpara sa dalawang nauna nilang primetime series—Marimar at Dyesebel—wala bang panghihinayang na ginawa nila ang show?
"Wala," mabilis na sagot ni Dingdong. "Kami, in everything we do, we always give our best. Regardless, as long as we believe in the project. As long as naibibigay namin yung lahat ng kakayahan namin, masaya kami, kuntento kami dun."
Hindi kaya sa material mismo ng Hinugot Sa Aking Tadyang, na medyo pang-mature audience, kaya hindi ito naging kasing lakas ng nauna nilang shows?
"Naniniwala ako na meron kaming loyal viewers," sabi ni Dingdong. "Naniniwala ako na may mga taong sumubaybay at sa kanila ako naniniwala dahil tinangkilik nila yun."
Kung nagkataon kayang mataas din ang rating ng kanilang huling soap, posible kayang sila pa rin ni Marian ang magkatambal sa susunod nilang project?
"Tingin ko, hindi na rin," sagot niya. "Sa tingin ko, ha, kasi marami pa rin namang project. Like si Marian, talagang nakalinya na yung Darna. At tamang-tama na para sa kanya. So, kung nagkataon man, baka hindi siya magiging ganoon. So, everything happens for a reason."






okay ka lang, may computer access na pala sa mental.
you are such a wonderful tandem kasi tlagang napaiyak niyo ako tlaga sa SOP... ang bigat sa dibdib na mahiwalay kayo pero we know soon you will be together ... off cam alam naman naming together kayo... God bless you both...
Siyempre si Ajanette Abayari pa rin ang pinakaseksing Darna...opinion ko lang...
vongaulit
April 28, 2009
02:19 AM
ang puso mo csco.. jajajjajajajajjaja
masakit mahapdi makirot mapait ang katotohanan na hindi marunong umarte si marian.
yan ang dahilan kung bakit kulelat ang ABHSAT sa rating. kulelat sa GMA lineup.
yan ang dahilan kung bakit natalo pa siya ng morning GMA soap na Dapat Ka bang Mahalin.
yan ang dahilan kaya ang ABHSAT ang pinakaunang primetime soap na nawala sa top 10.
magbalik fantaserye para maisalba ang naghihingalong career.
bagay na bagay sa kanya ang pinaglumaan na darna dahil hanggang fantaserye lang naman talaga ang kaya niya.
kaya tama na ang pagiilusyon at gumising na.
jajajjajajajjajajjajajjajajaaaa
-----bitterness will get you nowhere wahehehe
chji_chji
April 27, 2009
23:41 PM
ahahah! nkakawa nmn mga fans nila marian and dingdong! d nga cla forever eh, d kc ngclick ang tambalan at d ngrating! what's matter with you? cnu bitter? wahaha!
-----mas nakakaawa ang mga bitter sa fans ni Marian at kay Marian mismo wahehehehe
sila rin ang dahilan kaya pati ako eh naging masayahin din hehehe...
sila rin ang dahilan kaya ang mga pinsan ko sa canada nagpakabit ng pinoytv dahil sinabihan ko sa kanila na merong marian rivera at dingdong dantes na magka loveteam, kaya nung pinapanuod nila yan inaabangan pa nila yan sa utube till nagpakabit na sila ng pinoytv. till dyesebel. yung mga natirang kamag anak ko sa states dahil ung iba si mama andito na sila matanda na kasi si mama, dati mga tfc subs. mga yan pero naadik na rin yan dahil sa mga sinasabi ko about marian at dingdong kaya meron silang pinoytv
sila rin ang dahilan kaya dumami ang mga magazine dito sa bahay.
pagka nag grocery kami naku! kasama yan sa mga endorse ni marian.
sila rin ng dahilan kaya ako na -aadict sa mga showbiz site.
malakas talaga ang hatak ng dalawang ito, ako napabilib talaga nila.
In an epport to save their laosing tambalan inamin na kuno ang matagal na naman nating alam Ahahah Too late Parang pers time nyo lang nakitang nagkesseng kesseng ang dalawa Magsitigil mga OA Ahahah Suvukan ifartner ang DD sa iva maiinlab na naman yan Ahahah
DARNA!