"If ever mang ma-establsih na namin yung work namin as individual actors, pag nagsama kami, di ba, mas maganda ang impact nun kasi marami na kaming baon? Pag pinagsama namin lahat ng natutunan namin together, we're gonna come out with another good movie, just like One More Chance," says Bea Alonzo about perennial leading man John Lloyd Cruz.
Bea Alonzo nervous about her movie without John Lloyd Cruz
Wednesday, April 29, 2009
12:11 PM
Rating
Nang magtapos ang primetime series ng ABS-CBN na I Love Betty La Fea, marami sa mga fans nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ang nalungkot. Pinangangambahan kasi na ito na talaga ang simula ng pagkakabuwag ng tambalan ng dalawa, lalo't wala pang kumpirmadong proyekto na sila ang magkapareha.
Kasalukyang nasa New York si John Lloyd para sa shooting ng pelikulang In My Life, kung saan kasama niya sina Ms. Vilma Santos at ang anak nitong si Luis Manzano. Tinatapos naman ni Bea ang pelikulang And I Love You So, kung saan kapareha niya sina Sam Milby at Derek Ramsay.
Pero magkasama naman sina Bea at John Lloyd sa bagong TV commercial ng Greenwich. Sa presscon ng naturang pizza chain noong April 27 sa SM Megamall nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bea.
Sang-ayon ang aktres na malaking tulong ang nasabing commercial para kahit papaano ay napapanood pa rin sila ni John Lloyd ng kanilang avid followers.
"Yung mga nami-miss kami, pag napapanood nila yung commercial, somehow naiibsan yung lungkot nila at pagka-miss nila sa amin," simula ni Bea. "Lagi kong sinasabi nung nagkahiwalay kami ni John Lloyd, laging may magpapagawa sa amin ng mga projects together, and I think isa na itong project na yun. Katatapos lang ng Betty, tapos ito naman ngayon, mayroon kaming project together. Ang sarap isipin na kahit papaano, napi-preserve pa rin yung foundation ng love team namin."
BETTY LA FEA PART 2? Marami naman ang nakapansin na parang bitin daw ang ending ng I Love Betty La Fea, kung kaya't posible raw itong magkaroon ng Part 2. May plano nga bang gawan ng Part 2 ang kanilang natapos na serye?
"Sana," sagot ni Bea. "Wala pa talaga sa aking sinasabi, walang concrete plans. But, pine-pray ko pa rin na mayroon sana, kasi sobrang saya na gawin ang Betty. Gaya ng sinasabi ko dati, nung nag-uumpisa pa lang ang Betty, isa ito sa mga bago kong gagawin. Comedy yung serye, it's very light. So ako, bilang tao, nagiging light yung pananaw ko sa buhay. Ang sarap gawin ng Betty! Sana magkaroon ng extension kasi nami-miss ko talaga yung mga tao behind it.
"Kami ni John Lloyd, wala pa talaga. Nung pumirma ako ng contract, I was informed that we're gonna do another movie together. Pero alam ko na mag-iiba-iba 'yan. Siyempre, iba-iba ang gusto ng tao and you could only hope for another movie with John Lloyd. But, sana," asam niya.
ON HER OWN. Sa tagumpay na tinamo ng A Very Special Love at You Changed My Life, may mga nagsasabi na kung nagawa raw ni John Lloyd na magdala ng pelikula kahit hindi si Bea ang kapareha niya, baka hindi raw masundan ng aktres ang career path na tinatahak ngayon ng dating kapareha. Marami tuloy ngayon ang nag-aabang sa magiging resulta ng And I Love You So, kung saan sina Sam at Derek ang kapareha ni Bea.
"I must admit kinakabahan ako," sabi ng young actress. "But every time I think about it, at the end of the day, iba yung self-fulfillment kung nagawa ko nang tama ang mga dapat kong gawin. Ang kailangan mo lang gawin, ibigay mo yung best mo para wala kang pagsisisi. Kumbaga, I did my best. Ito na yung lahat ko, prinesent ko na. Anuman ang mangyari, at least I know I gave my best.
"It was destined na maging blockbuster yung move nina John Loyd and Sarah, kasi ang ganda naman talaga. Siguro kung anuman ang mangyari sa amin ni Sam, I'm really praying hard na kagatin siya ng tao. Pero kung anuman ang mangyari sa movie, it was destined to happen. Kumbaga, alam na yun ng nasa Itaas kung ano ang tatakbuhin. May Plan A lang and Plan B.
"Ang pressure sa akin," patuloy niya, "it's not an easy movie. All I can do now is to work hard for it and sana mabigyan ko ng justice yung character ko. Sa amin naman ni John Lloyd, lalo na sa pamilya ng Star Cinema, walang competition pagdating sa mga movies. Kasi, iba-iba naman. Kasi we cater different kinds of market, different kinds of movies."
JOHN LLOYD-SARAH TANDEM. Ano naman ang reaksiyon niya sa sinasabi ng iba na ang tambalang John Lloyd-Sarah daw ang nagpahina sa tambalang John Lloyd-Bea?
"Beforehand, sinabi na sa akin na paghihiwalayin muna kaming dalawa [ni John Lloyd]. Na-assume ko na siya, nakita ko na dati pa na ila-love team siya sa iba, ila-love team ako iba. And somehow, magiging okey ang love team niya at magiging okey ang love team ko. Una pa lang, naisip ko na siya, so I'm not that surprised pagkukumparahin. Naisip ko na siya dati pa," saad ni Bea.
Nilinaw rin ni Bea ang matagal nang issue na may itinatago raw siyang insecurity kay Sarah.
"Parang pangit naman," sambit niya. "Unang-una, si Sarah, she's a very, very good singer. Dun siya talaga unang nakilala at sobrang bilib talaga ako sa kanya. Pag sa ASAP, nanonood kami ng mga numbers niya. Nung pumasok siya sa acting, napanood ko yung movie nila ni John Lloyd, ang ganda din.
"Kung mai-insecure ako sa kanya, sa success niya, ang sama ko naman yata! Wala naman siyang ginagawa sa aking masama. She's a very, very sweet person. Ang pangit kung gagawan kami ng issue dalawa.
"I could honestly say na wala akong masamang iniisip tungkol sa kanya at siya, wala siyang ginagawang masama sa akin. Parang ang pangit naman kung pag-aawayin kami, di ba?"
Postibo naman si Bea na may magandang ibubunga ang nangyayari sa career nila ngayon ni John Lloyd.
"Feling ko kasi nauna siya, e. Kasi ang ganda ng pagtanggap sa kanilang dalawa ni Sarah. And I think, kahit sino ang ipareha sa kanya, magki-click at na-prove na niya yun. Gusto kong gawin yung same.
- Bea Alonzo doesn't feel pressured to outgross No Other Woman
- Bea Alonzo finally admits six-month relationship with Zanjoe Marudo
- Bea Alonzo says Zanjoe Marudo is "the perfect guy"; reveals plans to vacation together in Korea
- Bea Alonzo squashes rumor she'll move to TV5; says boyfriend Zanjoe Marudo makes her "happy"
- Bea Alonzo denies avoiding Gerald Anderson at Star Magic Ball; not transferring to TV5
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Alden Richards proud to be working with Dingdong Dantes; still looking for a date on Valentine
- LJ Reyes on her upcoming sexy cover pictorial: "Sasabihin ko pa bang, 'Ay, hindi ko po kaya!'"
- Dolly Anne Carvajal "unfazed" by talent manager Shirley Kuan's statement about Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue
- PEP EXCLUSIVE Bassist Nathan Azarcon speaks up for the first time since breakup of Bamboo: "Medyo hindi amicable yung breakup nung banda. May mga unresolved na issues..."
- Jericho Rosales on his "secret girlfriend": "She's in the business din but not an artista. She's a host."
- Kyla still adjusting to her role as wife to basketball star Rich Alvarez
-
Couples
Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
The showbiz couple released a statement to the media to "dispel all these unfounded innuendos."
-
Starbiz
Marvin Agustin on producing music concert: "We work hard to get the artist."
Marvin Agustin sees no problem about the regulation of foreign acts in the country.
-
Health and Beauty
PEP EXCLUSIVE : Ronnie Liang talks about maintaining his lean frame
What did he do during his break from showbiz?
-
TV Rating TNS
Three GMA-7 soaps aired their pilot episodes Monday.
Most Popular
- Gab Valenciano admits to initiating breakup with Isabel Oli: "I just couldn't see her with me. I couldn't see her with a guy like me at this point."
- Kris Aquino's marriage to James Yap is now officially annulled
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
Advertisement

