"Malaking tulong yung makita ng marami that Martin is wearing the shirt that Franz designed. Those shirts kasi symbolize the Pinoy in all of us. Yun ang vision ni Franz when he conceptualized the designs. It means na dapat ipagmalaki natin ang pagiging Pinoy, di ba?" says Pia Arroyo-Magalona, widow of Master Rapper Francis M.

Photo: Melo Balingit

Hindi makapaniwala ang biyuda ng yumaong si Francis Magalona na si Pia Arroyo-Magalona sa sinabi ni Martin Nievera na ang Three Stars and The Sun t-shirt ni Kiko ang isusuot ng Concert King sa pag-awit nito ng Philippine National Anthem sa laban ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton sa Las Vegas, Nevada, bukas, May 3 (May 2 sa U.S.).

Dahil sa sobrang tuwa ni Pia sa sinabi na iyon ni Martin ay agad niyang pinadalhan ng t-shirts si Martin. Iba't ibang designs ang binigay ni Pia para mapagpilian ng singer. Pati nga ang Team Pacquiao ay pinadalhan din ni Pia ng t-shirts.

"I was overwhelmed when someone told me that Martin wants to wear the shirts that Franz designed. Hindi basta-basta boxing match yung Pacquaio-Hatton. It's a really big global event na milyun-milyon ang makakapanood in Las Vegas.

"So, malaking tulong yung makita ng marami that Martin is wearing the shirt that Franz designed. Those shirts kasi symbolize the Pinoy in all of us. Yun ang vision ni Franz when he conceptualized the designs. It means na dapat ipagmalaki natin ang pagiging Pinoy, di ba?" saad ni Pia sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

May suggestion din si Pia kay Martin kung ano ang t-shirt ang isusuot nito sa Pacquiao-Hatton boxing match.

Ani Pia, "It's nice that Martin would wear the PRIDE design because it's one of Franz's favorite designs. It still has the three stars and the sun, plus the colors are very radiant. It signifies kasi our pride as Filipinos.

"Tamang-tama yung design kasi I heard he was just gonna wear a blazer jacket over the shirt. Kitang-kita ang design ng PRIDE shirt. If Franz is still here today, he will be very, very happy. Kaya I'm thanking Martin for doing this for all of us."

FAKE SHIRTS. Nakarating kay Pia na marami nang fake na Three Stars and The Sun t-shirts ang ibinibenta kung saan-saan. Marami raw ang tumatawag sa kanya at sinasabing may mga t-shirts na ibinebenta kung saan-saan at kuhang-kuha ang design na ginawa ni Kiko.

Sabi naman ni Pia, wala na siyang magawa dahil hindi naman daw niya ma-monitor ang mga nangyayaring 'yon. Kaya ipinagdarasal na lang daw ni Pia ang mga taong ito na sana raw ay makonsensiya sila.

"May law naman na dapat nating sundin," sabi ni Pia. "Those designs are under the Intellectual Property Law and patented lahat 'yan. I just don't know kung paano pa sila nakakalusot. Like, kelan lang, my kids saw their dad's shirts na ibinebenta sa isang maliit na store. May friends naman ako na nakitang ibinebente sa bangketa.

"Nakakalungkot kasi kahit na registered na ang design na 'yan, still, may mga nakakalusot pa rin. I think kailangan maging stricter tayo sa mga ganyang laws, lalo na when it comes to the creativity of one person. Protection 'yon for your work, di ba?

"I understand that times are hard and we all have to earn something these days. Pero sana, hindi sa ganitong paraan. If they want to sell Franz's shirts, they can buy it from us and bahala na sila to sell kung magkano. Basta legal at hindi illegal.

"Matagal naming prinotektahan ang mga designs na 'yan ni Franz and nakakapanghinayang lang na it will all go to nothing kapag nagpatuloy pa ito. Kaya we are just praying na makonsensya naman sila. Isipin na lang nila na it's Franz's property at pag-aari na rin iyon ng mga anak namin."

ROBBERY. Kailan lang ay muling pinasok ng magnanakaw ang bahay ng mga Magalona sa isang subdivision sa Marikina City. Ikatlong beses na raw itong nangyari sa bahay nila. This time, ang tinangay raw ay ang naiwang laptop ni Kiko.

Nalungkot si Pia dahil alaala iyon ng kanyang yumaong asawa at pinagkainteresan pa. Nauna nang nanakaw ang mga mamahaling camera na koleksiyon ni Kiko.