Former FHM Philippines sex columnist Asia Agcaoili and boyfriend Bramje Van Der Kolk, who are now both based in Amsterdam, are excited about their son Xander (in picture and inset).

Photo: Courtesy of Asia Agcaoili

Nanganak na noong April 20 ang former FHM Philippines resident sex expert na si Asia Agcaoili. Ipinanganak niya ang kanyang baby boy na si Xander ganap na 12:27 pm sa Slotervaart Ziekenhuis, isang kilalalang ospital sa Amsterdam, kunsaan based ngayon ang sexy actress-model-host at ang boyfriend niya't ama ng kanyang sanggol na si Bramje Van Der Kolk.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ibinalita ni Asia sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang detalye ng kanyang panganganak.

"I delivered the baby in the Slotervaart Ziekenhuis here in Amsterdam. It took me seven hours to deliver the baby... He's very healthy. Because of the meticulous checkups, we had to stay in the hospital for one week. He's 3.475 kilos and 51 cm (and I had 12 stitches). The hospitals here only do Caesarean [section] when it's necessary and not by request.

"My mom who's from the U.S. was present during the delivery and the parents of my bf were there too during my delivery.

"I'll be staying in Amsterdam for now, as I am studying in University of Amsterdam and I just took a leave so I can deliver Xander."

Hindi pa naman daw siya sigurado kung kailan siya uuwi muli ng Pilipinas. Nang tanungin ng PEP kung nagpapa-breastfeed siya, pinayuhan daw siya ng kanyang doktor na huwag gawin ito.

Sunod na tinanong ng PEP ay kung kailan naman ang kanilang kasal ngayong may anak na sila ng boyfriend niyang si Bramje.

"Marriage? We'll see... hehehehe," sagot ni Asia.

Ninanamnam pa ni Asia ang kanyang excitement at happiness  ngayon dahil sa kanyang pagiging bagong ina. Hindi nga raw siya makapaniwala na isa na siyang ina, to think na noon ay sinabi niyang wala muna sa plano niyang magkaroon ng anak.

"I never thought I'd be eating my words about having kids so soon. He is the most adorable, purest thing I've ever seen. I feel so delighted, rejuvenated, revived by his presence..."