Ano naman ang special na nangyari sa reception?
Kuwento ni Suzi, "Kasi yung breakfast reception after the wedding, simple lang siya, long table lang siya. Nakapila nga rin yung bride, e. Sabi ko, 'Hanep itong wedding na ito na sobrang laid back talaga na pati yung bride, nakapila sa buffet.' May food naman sila.
"Kaya lang, may in-ask yata si Ryan. Kasi si Juday, maalaga kay Ryan talaga, ha. Yung maaasikaso talaga siya. Siya yung tipo na parang may kulang yata sa pagkain ni Ryan. Nakapila din siya sa buffet. Sabi ko, wala akong masabi sa pagka-relax ng wedding na ito!" natatawang salaysay ni Suzi.
Ano ang napansin niya kina Ryan at Juday that day?
"They were so happy. Sobrang happy."
Sa isang interview kina Juday at Ryan, excited na ang newlyweds na magka-baby. Humingi ba ng tips ang dalawa sa kanya?
"Hindi na nila ako tinanong, ha. Alam na nila kung ano ang gagawin nila. Naku, excited na silang magka-baby!" sambit ni Suzi.
MOMMY DIARY. Tinanong din ng PEP kay Suzi kung posible bang maging guest niya sa hino-host niyang Mommy Diary ang isang mommy na nag-adopt katulad ni Judy Ann kay Yohan?
"Ang ganda, why not?" bulalas niya. "Kung wala siyang exclusivity doon, tatanungin ko muna ang aking inaanak. Mahirap namang tumanggi sa ninang, di ba? Sabagay, yung mothering, hindi lang naman yung pagiging biological na nanay, di ba? Marami sa atin ang nagna-nanay na kahit hindi mo naman talagang ipinanganak, di ba? So, why not? I think posibleng-posible yung mothering na kahit hindi mo naman biological na anak ay ma-feature natin someday."
Speaking of Mommy Diary, very happy nga si Suzi na sa dinami-dami ng celebrity moms sa showbiz, siya ang napiling host ng bagong show na ito ng GMA-7 at Q11 tungkol sa motherhood at baby care.
"Ako, lagi akong thankful at grateful sa any opportunity na dumarating sa akin. Kasi alam ko naman na maraming pinagpilian. So, very honored ako."
Tungkol saan ba ang Mommy Diary?
"Mommy Diary is a ten-minute show that I think a lot of moms have been waiting for. Nowadays, of course, we want to get as much information as we can and with a little time possible, I guess, because we have many, many other things to do at home. As a mom, siyempre may mga iba diyan na nag-nanay na sila before, but there are so many convenient tips na nadidiskubre, nilu-launch, ipinapakilala as the years go by. Dito sa Mommy Diary mapapanood ang top concerns ng mga mommy tungkol sa pag-aalaga ng kanilang mga anak, especially yung mga baby pa," paglalarawan ng TV host.
Hindi ba nakakabitin yung 10-minute show?
"Oo nga, e. Pero it's a new concept. They did it sa Quickfire [Q11's cooking show] na ten minutes din. Pero yung Quickfire, three or four times a day yata siya napapanood. Itong Mommy Diary, once a week lang siya na ten minutes. Pero ang ginawa nila, split channel siya, napapanood sa umaga sa GMA tapos sa Q11 sa hapon. Siguro they want to try something new. Unusual siguro yun, pero kinukuha mo siguro yung dalawang market in the same day. Same episode siya, so kung na-miss mo yung umaga, puwede mo siyang mapanood sa hapon. Very unique siya."






GRABE NAMAN BITIN NG TEN MINUTES ONCE A WEEK OA UN HA...PLEASE SHOW IT DAILY AM SURE ITS A BIG HELP SA MGA NANAY LALO NA UNG MGA KABATAANG NANAY
in that case, i would do what ryan did, which is ginawang ninang ang very close friend niyang si suzi. kahit hindi sumipot si beth, pwedeng magpadala ng proxy.
hats off ako kay ryan for honoring his very dear friend in that way.
Baka kasi ayaw na nilang i invite ang mga ito to avoid the circus. Kasi i remember after the engagement palaging nasa interview si beth.
Interview dito at doon kasi dati kay BETH.
Sabi nga ni Suzi, close lang daw talaga, eh yong mga friends ba ni juday di talaga close sa kanila?
Napakababaw naman na sabihin nila na di maiwan ni Beth ang work. Unless may sobrang lalim na dahilan.
si Sharon dapat naging ninang nalang at yong close talaga kay Juday ang naging matron of Honor.
wala din si JOLINA so di talaga sila close ni juday.
hoy! i have my right to comment whatever it is
dark evil hahahaha
sabi nga ni reese23 commentator
behave kapuso fans hahah
ilang beses napagsasabihna mga kapuso fans
kakahiya
hahahaha
at mabilis gumawa ng beybi! hehe
ryan bawasan lng ung buka ng bibig, anlaki eh.