Gaya ng unang report ng PEP (Philippine Entertainment Portal), si Dingdong Dantes nga ang gaganap bilang Cholo sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Stairway to Heaven. Pormal na ini-announce ang pagkakapili kay Dingdong bilang Cholo sa Stairway to Heaven sa SOP kanina, May 10, ng mismong top executives ng GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, President & CEO; Mr. Gilberto Duavit, COO; at Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment. (Click here to read related story.)
Pagkatapos ng SOP ay nagkaroon ng presscon si Dingdong sa Executive Lounge ng GMA Network Center. Dito ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press ang aktor na gaganap sa role na unang ginampanan ng sikat na Korean superstar na si Kwon Sang Woo.
DINGDONG AS CHOLO. Ano ang naging feeling niya nang marinig niya ang announcement ng mga top execs ng GMA Network? O, alam na niyang siya ang gaganap na Cholo?
"Kailan ko lang naririnig ang tungkol doon, pero hindi ko iniintindi," sabi ni Dingdong. "Ngayon ko na lang nalaman totoo pala, kasi wala rin namang sinasabi sa akin ang manager ko [Perry Lansigan]."
Paano niya paghahandaan ang role niya as Cholo, na sa original story ay may shower scene pero hindi ipinakita nang buo dito sa atin?
"Sa mga rare moments na may nagsasabi sa akin na bagay daw sa akin ang role ni Cholo, natutuwa ako dahil sila yung excited na sa role, na sana raw ay ibigay sa akin. Siguro for my part, gusto ko rin munang mapanood ito nang buo para alam ko ang story, at siyempre, bibigyan ko ito ng Pinoy touch. Paminsan-minsan kasi napapanood ko ito noon, pero hindi ko nabuo ang story. Pero ngayong narito na, mixed emotions ako—excited, doble kaba. Naroon na ang challenge, but I'm optimistic."
Marunong ba siyang tumugtog ng piano? Opening and closing scene kasi ng Stairway to Heaven ay tumutugtog ng piano si Cholo.
"I'm a fast learner naman, mapag-aaralan ko 'yon!" natatawang sabi ni Dingdong.
Okay lang ba kay Dingdong na isa na namang remake ang next TV project niya? Matatandaang siya ang gumanap na Sergio sa Marimar, na hango sa isang Mexicanovela; Fredo sa Dyesebel, na hango sa komiks at pelikula; at Homer sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, na hango rin sa komiks at pelikula.
"It doesn't matter to me," sagot ng aktor. "Sa akin kasi, I believe na hindi nila ito ire-remake kung hindi maganda. This will be my first time to make a remake of a Koreanovela. Ang Marimar kasi, isang Mexican telenovela."
WHO WILL PLAY JODI? May kumakalat na balitang baka raw si Jennylyn Mercado ang kanyang makatambal. Kung si Dingdong ang tatanungin, sino ang gusto niyang makatambal sa Stairway to Heaven?
"Hindi pa ako puwedeng magsalita, kailangan ko muna sigurong mapanood ang tape nito para makita ko rin kung ano ang character ni Jodi," wika ni Dingdong. "Pero naniniwala akong mas maganda kung ang decision will come from the executives mismo. Kasi alam ko, hindi naman sila basta nagdedesisyon, pinagmi-meeting-an nila 'yon."
Maraming nag-expect na siya ang makakatambal ng bagong artistang si Carla Abellana, who will play Rosalinda sa Pinoy adaptation ng Mexican telenovela of the this title.
"Wala naman silang [his manager and GMA executives] sinabi sa akin tungkol doon. Saka ayaw ko ring ma-compare kung sa akin ibinigay 'yon. Kasi ang Rosalinda, parang connected din sa Marimar, at pareho pang si Thalia ang bida doon. Kaya tama lang na sa iba naman ibigay ang role ni Fernando Jose."






galing yan mismo sa bibig ni manny siya kakanta para wa na complain..
may i sing siya wiht matching gloves..
at naka-kapa pa siya..
lavan ka..
kung di man si Dingdong ang napili bilang cholo malamang si Dennis T or RG lang..
nweys maganda ang story ng Stairway isa sa mga koreanovelang nagustuhan ko kahit GMA pa ito.. kaya sana hindi mababoy yung story.. yun lang
hep hep..
matagal ko nang ni-rarally yang si maxene for jodi..
akin iyan..hahhahaha naki-ano pa o..
baliw talaga akich..
sensia na loves ko talaga si maxene..
ahhahhha
olivegreen
hahaha.uy totoo yan ha serious si manny na siya nag kakanta.hahahhaa.
pero basta maxene na lang.....safe na safe.
bebot at fresh..walang bahid na arte....
victor neri-as tristan
maxene-as eunice
angelika dela cruz-as eunice
tristan-as victor neri
angelika dela cruz-as eunice
paolo contis-as tristan
angelika dela cruz-as eunice
paolo contis-as tristan
tama ka siyan NOW NA!!!
GIVE MAXENE A CHANCE..
FCOL...
angelika dela cruz as eunice
naku long time crush ni maxene si dingdong
jen and heart..hahhahhha..
grave...
dale ka...sige go against ka..sige hamunin mo ako..di kita tatantanan..kung ang mga sisterhood ko dito may pinaglalabang artista..ako meron din..ha hahha
si MAXENE MAGALONA..hahahhaha
he hehhehe sharkshark..just for kikays..hahaha
naiyak ako nung napanuod ko sa sop tapos kinanta pa nila ang theme song nakakaantig tlga ng damdamin.
may alam ba kayo according sa aking source
heart evanghelista passed out sa isang hotel sa makati restroom
tony boy conjuangco played guitar sa gsis electro cd launch: greta front row nakaupo proud watching lover tony.
manny na lang daw kakanta next time ng lupang hinirang sa next fight niya at seryoso siya sa sinabi niya ha..
ano pa gusto niyo.....
sabi ko nga dito sa isang thread si ehem may i selos mahal nga niya dahil papa dd may ka text yun pala kamaganak nila na dadating galing ibang bansa.
atleast kung si maxene ay straight at hindi titingnan si papa dd ng malagkit.e si jen n heart..naku tulo laway nila panigurado.hahahha