GMA-7 top executives formally announce Dingdong Dantes will play Cholo in Stairway to Heaven

Nora Calderon
Sunday, May 10, 2009 @ 07:15PM  |  275 views

 

"Mixed emotions ako—excited, doble kaba. Naroon na ang challenge, but I'm optimistic," says Dingdong Dantes about playing the role of Cholo in the Pinoy adaptation of Stairway to Heaven.

Photo By: Rose Garcia













Gaya ng unang report ng PEP (Philippine Entertainment Portal), si Dingdong Dantes nga ang gaganap bilang Cholo sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Stairway to Heaven. Pormal na ini-announce ang pagkakapili kay Dingdong bilang Cholo sa Stairway to Heaven sa SOP kanina, May 10, ng mismong top executives ng GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, President & CEO; Mr. Gilberto Duavit, COO; at Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment. (Click here to read related story.)

Pagkatapos ng SOP ay nagkaroon ng presscon si Dingdong sa Executive Lounge ng GMA Network Center. Dito ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press ang aktor na gaganap sa role na unang ginampanan ng sikat na Korean superstar na si Kwon Sang Woo.

DINGDONG AS CHOLO. Ano ang naging feeling niya nang marinig niya ang announcement ng mga top execs ng GMA Network? O, alam na niyang siya ang gaganap na Cholo?

"Kailan ko lang naririnig ang tungkol doon, pero hindi ko iniintindi," sabi ni Dingdong. "Ngayon ko na lang nalaman totoo pala, kasi wala rin namang sinasabi sa akin ang manager ko [Perry Lansigan]."

Paano niya paghahandaan ang role niya as Cholo, na sa original story ay may shower scene pero hindi ipinakita nang buo dito sa atin?

"Sa mga rare moments na may nagsasabi sa akin na bagay daw sa akin ang role ni Cholo, natutuwa ako dahil sila yung excited na sa role, na sana raw ay ibigay sa akin. Siguro for my part, gusto ko rin munang mapanood ito nang buo para alam ko ang story, at siyempre, bibigyan ko ito ng Pinoy touch. Paminsan-minsan kasi napapanood ko ito noon, pero hindi ko nabuo ang story. Pero ngayong narito na, mixed emotions ako—excited, doble kaba. Naroon na ang challenge, but I'm optimistic."

Marunong ba siyang tumugtog ng piano? Opening and closing scene kasi ng Stairway to Heaven ay tumutugtog ng piano si Cholo.

"I'm a fast learner naman, mapag-aaralan ko 'yon!" natatawang sabi ni Dingdong.

Okay lang ba kay Dingdong na isa na namang remake ang next TV project niya? Matatandaang siya ang gumanap na Sergio sa Marimar, na hango sa isang Mexicanovela; Fredo sa Dyesebel, na hango sa komiks at pelikula; at Homer sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, na hango rin sa komiks at pelikula.

"It doesn't matter to me," sagot ng aktor. "Sa akin kasi, I believe na hindi nila ito ire-remake kung hindi maganda. This will be my first time to make a remake of a Koreanovela. Ang Marimar kasi, isang Mexican telenovela."

WHO WILL PLAY JODI? May kumakalat na balitang baka raw si Jennylyn Mercado ang kanyang makatambal. Kung si Dingdong ang tatanungin, sino ang gusto niyang makatambal sa Stairway to Heaven?

"Hindi pa ako puwedeng magsalita, kailangan ko muna sigurong mapanood ang tape nito para makita ko rin kung ano ang character ni Jodi," wika ni Dingdong. "Pero naniniwala akong mas maganda kung ang decision will come from the executives mismo. Kasi alam ko, hindi naman sila basta nagdedesisyon, pinagmi-meeting-an nila 'yon."

Maraming nag-expect na siya ang makakatambal ng bagong artistang si Carla Abellana, who will play Rosalinda sa Pinoy adaptation ng Mexican telenovela of the this title.

"Wala naman silang [his manager and GMA executives] sinabi sa akin tungkol doon. Saka ayaw ko ring ma-compare kung sa akin ibinigay 'yon. Kasi ang Rosalinda, parang connected din sa Marimar, at pareho pang si Thalia ang bida doon. Kaya tama lang na sa iba naman ibigay ang role ni Fernando Jose."

1  2  3  Next »

Related Articles

802 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name