Soul Siren Nina  filed an estafa complaint against Oliver and Evangeline Volante, parents of her ex-boyfriend Nyoy Volante (inset), earlier today, May 11. She also accused Mr. Volante of violating the Anti-Bouncinc Check Law.

Photo: Noel Orsal

Pormal nang sinampahan ng kasong estafa ng Soul Siren na si Nina (Marifel Nina Girado sa totoong buhay) ang mga magulang ng kanyang dating boyfriend na si Nyoy Volante dahil sa hindi raw pagbabayad ng mga ito ng utang nila na nagkakahalaga ng P1.1 million. Isinampa ni Nina ang kanyang complaint ngayong umaga, May 11, sa Quezon City Prosecutor's Office. (Click here to read related story.)

Ayon sa report ng GMANews.tv, ipinangalan bilang respondents sa complaint ang mga magulang ni Nyoy na sina Evangeline at Oliver Volante. Sinampahan ang mag-asawa ng estafa, samantalang si Mr. Volante ay inakusahan din ng paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o Anti-Bouncing Check Law dahil diumano sa pag-i-issue ng bouncing checks bilang kabayaran sa utang nila kay Nina.

Sa kanyang complaint, sinabi ni Nina na noong preliminary investigation ng kanilang kaso ay nag-offer ang respondents na makipag-areglo at nangako na babayaran nila ang kanilang utang na P1.4 million sa pamamagitan ng cash at post-dated checks.

Sa kanilang compromise agreement noong July 1, 2008, pumayag si Nina na huwag ituloy ang kaso laban sa mga magulang ni Nyoy. Naglabas ng P300,000 ang mag-asawa bilang paunang bayad.

Kasama rin sa napagkasunduan nila na babayaran ng mag-asawang Volante ang balanseng P1.1 million tuwing 20th of the month simula August 20, 2008 hanggang February 20, 2010.

Sinabi ni Nina na wala siyang problema sa unang tseke, na nagkakahalaga ng P50,000, na ibinayad ng respondents noong August 2008. Pero ang mga sumunod daw na post-dated checks—mula September 2008 hanggang April 2009, na nagkakahalaga ng kabuuang P550,000—ay isinoli ng bangko dahil sa kakulangan ng pondo o Drawn Against Insufficient Funds (DAIF).

Ito ang bahagi ng pahayag ni Nina sa kanyang complaint:

"Oliver and Evangeline, conspiring with each other, induced me to believe that they will pay the amount of P1.1-million by issuing post- dated checks simultaneous with the execution of the Compromise Agreement where they guaranteed that the checks would be funded and cleared on the dates as they fall due. They induced me to sign the agreement when in fact they do not have an intention to faithfully comply with the terms and conditions of the agreement."