"I feel glad and I feel excited. I feel honored and flattered that na-offer sa akin ito. Not in my wildest dream na I would end up as a host of Who Wants To Be A Millionaire?," says Vic Sotto.

Photo: Glen P. Sibonga

Aminado si Vic Sotto na avid viewer siya noon ng game show na Who Wants To Be A Millionaire?, na ang unang Philippine version ay hinost ni Christopher de Leon. Kaya naman nang makuha ng TV5 ang rights para sa muling pag-ere ng naturang game show sa Pilipinas at ialok kay Vic ang pagho-host nito ngayon, hindi na nagdalawang-isip ang sikat na TV host-comedian na tanggapin ito.

"Nung in-offer sa akin ito, umoo agad ako, e. Wala nang tanong-tanong sa talent fee. Kasi ano ako, e, fan ako ng show. Avid viewer ako. You know what 's fun with it? Ang maganda sa Who Wants To Be A Millionaire?, kahit nanonood ka lang, you get to participate, e. Kasi sumasagot ka, at saka may multiple choice, e. Yun ang maganda roon, nakakapili ka roon, puwede kang tsumamba.

"And you as a viewer, you get to cheer the contestant. Hindi yung parang naglalaro lang sila doon at parang hindi ako kasali. And this time, meron pa kaming i-introduce na texting game also for the home viewers, in the episodes to come," pahayag ni Vic nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa presscon ng Who Wants To Be A Millionaire? na ginanap kahapon, May 14, sa Katre Restaurant, Dr. Lazcano St., Quezon City.

Base ang Who Wants To Be A Millionaire? sa original British format, kung saan maglalaban-laban ang mga contestants from all over the country para makaabot sa "hot seat," at doon magsisimula ang pag-akyat sa million-peso jackpot by answering 15 multiple choice questions correctly.

Kung noon ay isang milyong piso ang premyong ipinamimigay sa show, this time hanggang dalawang milyong piso ang handang ipamigay ng TV5 every episode. Katulad ng dati, nariyan pa rin ang tatlong "Lifelines" ng contestant, kung saan merong Ask The Audience, 50/50, at Phone a Friend options.

Mapapanood ang Who Wants To Be A Millionaire? tuwing Sabado, 6 p.m., simula sa May 23 sa TV5.

Bukod sa paninibago sa hosting dahil first game show nga niya ito, ayon kay Vic ay naninibago rin siya sa pananamit dahil madalas na naka-amerikana siya or formal wear sa Who Wants To Be A Millionaire?.

"Pogi ako dito!" tawa niya. "Amerikana pa lang, ulam na. May stylist ako rito. Yung buhok ko, naka-wax. Nanibago rin ako. Siyempre sanay tayo sa casual. Just doing my thing in Eat Bulaga!.

"First game show ko ito, aside from the games na meron kami sa Bulaga. Plus the fact na I believe Who Wants To Be A Millionaire? started it all, e, dun sa new breed of game shows. Ito yung original na nagpamigay ng one million, e. Everybody followed. But of course, they always say na the original is always the best. It's still the best game show ever."

Aware ba siya na handpicked siya ng TV5 executives para maging host ng Who Wants To Be A Millionaire?

"Yes, I am," sagot niya. "I feel glad and I feel excited. I feel honored and flattered that na-offer sa akin ito. Not in my wildest dream na I would end up as a host of Who Wants To Be A Millionaire?."

BATTLE OF GAME SHOW HOSTS. Nagkausap ba sila ni Christopher de Leon, na unang nag-host ng Philippine version ng show?

"Hindi naman, kasi ito namang Who Wants To Be A Millionaire?, merong siyang bible that we have to follow technically. They have the camera shots. Naka-drawing na talaga yun, susundan mo na lang. Kung meron mang renovations si Direk Bert de Leon, kailangan i-approve pa rin ng mga British representatives, e. As much as possible, we have to follow the original format, the way the host will handle the game as a whole. Yung relationship sa contestants.

"Mabalik tayo kay Boyet [Christopher]... Sabi ko nga, I was an avid viewer of the show. I was watching him before. And in fairness kay Boyet, he did a good job. Yun nga lang, magkaiba kami ng style. Mapapanood naman n'yo yung sinasabi kong pagkakaiba namin."

Handa na rin ba siyang makipagtagisan ng galing sa iba pang game show hosts at mabigyan ng award as Best Game Show Host?