Naghain ng petition ang actress-TV host na si Ruffa Gutierrez sa Quezon City Regional Trial Court para sa custody ng kanyang dalawang anak na sina Lorin, 5, at Venice, 4. Ang defendant sa naturang petition ay ang estranged husband ni Ruffa na si Yilmaz Bektas, isang Turkish businessman.
Ayon sa report ng GMA News, ang kaso na naka-file bilang Civil Case No. Q-09-64795 ay naka-assign na sa sala ni QCRTC Branch 107 Presiding Judge Jose Bautista, Jr. Ganunpaman, hindi isiniwalat ang nilalaman ng petition dahil ang kaso ay nasa ilalim ng jurisdiction ng isang family court.
Ngunit napag-alaman mula mismo sa sala ni Judge Bautista na ang summons ay naipadala na kay Yilmaz sa kanyang tahanan sa Istanbul, Turkey, kung saan ipinapaalam ng korte ang petition na isinampa laban sa kanya ni Ruffa.
Aalamin pa raw ng korte kung ang kaso ay nasa ilalim ng jurisdiction nila o kung hindi ito dismissible bago sila mag-schedule ng hearing.
Ikinasal sina Ruffa at Yilmaz sa pamamagitan ng isang magarbong seremonyas noong March 25, 2003 sa The Fort, Taguig City. Pero noong May 8, 2007 ay inanunsiyo nila ang kanilang "mutual decision" na tapusin na ang kanilang pagsasama pagkatapos ng apat na taon.
Bumalik sa Pilipinas si Ruffa, kasama ang kanyang dalawang anak, upang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.
May ilang reports na nagsasabi na nag-file na diumano si Ruffa ng annulment ng kanilang kasal ni Yilmaz, ngunit wala pang petition for annulment ang nai-file.
Kasalukuyang napapanood si Ruffa sa daily morning show na Ruffa and Ai at sa Sunday showbiz talk show na The Buzz sa ABS-CBN.






So pathetic.
Napansin ko napaiyak si Ruffa sa the Buzz when she said darating si Yilmaz at pipirmahan lahat ng documents para sa custody ng mga anak niya. She does not have to go to court or anything.
Napaiyak siya kasi hindi umubra gimik niya at pinabayaan na sa kanya ang mga bata. She claims more than 15 times gusto makipagbalikan ni Yilmaz, LIES. Kung gusto talaga ni Yilmaz, and as she claims before, di sana bumili na ng property sa Spain cause that is where Ruffa wanted to stay. Yun ang balak nila ni Yilmaz. kaso nabisto si Ruffa na manloloko, kasal pala sa iba bago nagpakasal kay Yilmaz kaya binasura siya ni Yilmaz.
at kung kailan bumaba ang decision ng court sa custody case na hinain niya.
Sana maging honest sila sa pagsagot.
Ruffa just wants the custody to be legalized, in papers.
She should also file for annulment so that she can have peace of mind. Ylmaz and her will NEVER work.
Ruffa you should close your doors permanently and file for annulment, so that a NEW WINDOW of Love will open for you. I still believe that you will find a really good man hinde p.g. accdg to Bisayawho will love you and your kids unconditionally.
There is no such thing as a Fairy Tale so just stick to a close to perfect life. Wish and pray for it and it will be granted.
Those who are inggit sa yo are just plain Loosers! Hwag mo silang pansinin!
Naku, tatawanan lang ni Yilmaz yang petition ni Ruffa! Wise si Yilmaz! By this time na maliliit pa mga anak nila, siyempre kay Ruffa niya ipauubaya ang pag-aalalaga sa mga bata. Yilmaz is a good provider according to Annabel. Tiyak namang merong nakalaan si Yilmaz para sa 2 bata...at sila lang makakagamit non pagsapit ng legal age.
wala ako ma icomment.
kaso nga lang bitin hindi ako maka pag comment....
ang hula ko lang, baka need ni ruffing ng pera hahaha!!!!!