Sa nakaraang interview kina Kristine Hermosa at Jericho Rosales sa SNN: Showbiz News Ngayon para i-promote ang teleseryeng pagtatambalan nila pagkatapos ng ilang taong paghihiwalay bilang love team, ang Dahil May Isang Ikaw, nagbigay ng opinion on air si Kris Aquino na kung pagbabasehan daw ay ang mga kilos, mga ngiti at paghampas-hampas ni Kristine sa balikat ng actor, ay naniniwala siyang may espesyal pang nararamdaman ang aktres para sa ex-boyfriend.
Aminado namang first love niya si Echo at isang taon din ang binilang bago siya naka-move on sa kanilang breakup. Sa kabila ng pagkakaroon na ng kani-kanilang buhay sa ngayon ay di maiiwasang umasa pa rin ang mga tagahanga ng dalawa na baka sa bandang huli ay sila pa rin ang magkatuluyan.
"Dun sa isyu na baka may feelings pa sa akin si Kristine, baka comfortable lang kami sa isa't isa. Matagal din ang pinagsamahan namin. I think ganun naman talaga si Tin, bubbly, touchy person, makulit lang talaga. I don't want to think about those things, ayokong magsabi ng salita tungkol diyan. Ayokong mag-isip ng ganyan coz ganun lang naman talaga si Krsitine.
"Saka ako kasi, pag alam kong may commitment ang isang tao, di na ako nakikialam. Siyempre, I respect the person and I'm here as a friend. Kung may importante man akong gustong gawin o balikan, it's more on the trabaho part. Ayokong paghaluin ang trabaho sa personal."
EXCITING CAST. Bukas naman sa papuri si Jericho para sa kapareha. He even expressed his excitement dahil bukod sa aktres ay makakasama niya rin sa Dahil May Isang Ikaw sina Karylle, Sid Lucero, at ang mahuhusay at dekalibreng artista tulad nina Gabby Concepcion, Lorna Tolentino, Chin-Chin Gutierrez at ang nakabanggaan before na si John Estrada kung saan involved ang ex-girlfriend na si Heart Evangelista. Para kay Jericho, sana raw ay huwag nang ungkatin o paguluhin pa ang isyu.
"Kristine is still the same, bubbly, medyo takot gawin ang mga bagay-bagay, reluctant, but she has matured a lot. Excited ako to work with her, tapos may plus pa, big bonus na makakatrabaho ko sina Ms. Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, John Estrada, I'll be working with him for the first time. I'll be working with Karylle as well, si Sid who is a good actor, and Direk Jerry Sineneng is our director, so it's such a blessing.
REGARDING JOHN. "We're okey now, tapos na yun. I don't think it's appropriate to open that issue again coz past is past. I extended my hand, ganun din siya, it means we're embracing peace. It means, hey bro, peace na tayo. Parang ganun yun and whatever it is, nakaraan na yun, di na kailangang ungkatin at balik-balikan."
Di niya itinago ang pagkakaroon ng anak na pinangalanan niyang Santino. Tulad ni Piolo ay ayaw rin ni Jericho na papasukin sa show business ang anak niya. Gusto niya itong maging isang Olympian.
"Ayoko siyang mahirapan, ayoko siyang maikumpara sa akin dahil mas guwapo siya sa akin. But kidding aside, I want him to have a normal childhood. Bata pa siya, eight years old pa lang, I want him to be an Olympian, but hinahanap pa namin talaga yung tamang sports para sa kanya. Yung tamang sports na yun, kung ano ang magustuhan niya, yun ang kalalakihan niyang sports."
HUMBLE ROOTS. Twelve years na siya sa showbiz and Jericho has never denied naman that he came from humble beginnings, katulad ng iba din nating mga artista.
"I think a lot of people knew about it naman, ang di lang nila alam ay yung ibang mga bagay. Yung eskuwelahan namin sa elementary na naglalakad kami ng 2-3 kilometro papunta at pabalik sa eskuwelahan. Natuto akong magpalay, magbukid, magtinda ng isda, gumawa ng ice candy, magtinda ng ice buko, makipagpustahan sa basketball, maging pizza boy, maging driver. Gusto kong sabihin na masaya ako ngayon kasi lahat ng pinagdaanan ko made me a better and stronger person. Na walang imposible pag nagsikap at nagtiyaga ka."






graveeee ang pamilyang ito ang gaganda nila parang revilla sisters hahaha
sana pag dumating ang panahon na mag asawa siya, magaganda rin mga anak nila.
kasi hindi lahat ng super ganda eh magaganda rin mga anak. known fact yan.
perfect beauty niya! wala ka maipipintas sa mukha. sa katawan wala din. maliit lang siya pero okey pa rin no! meaning PERFECT SI KRISTINE SA KAGANDAHAN. siya lang
artikol ito ni tin and echo ha!
off topic ka po. this article is about echo amp; tin. amp; not karylle. you don't like K, fine. pero wag naman super lait ka.. you find K maarte in Maruja, ok. well, that just proves how really effective actress she is. remember she is just portraying a role?.. but you know, she's not even like that at all in real life. c'mon, stop badmouthing karylle here! the girl has been nothing but nice. amp; if you can't keep up w/ that, mind your own buss. na lang.
--- w/ that echo amp; karylle 'thing'... you really think there's nothing going on between them? na pinagpipilitan cla in that sense?.. you don't really know the whole thing... their love story is about to unfold. you bet! peace out.
angelo and Yna
FOREVER
ako, i can vouch that she's really a beautiful person inside and out kasi matagal ko na siyang inoobserbahan at nire-research ang kanyang pagkatao since 1996 pa.hindi lang siya ma-pr at pasipsip tulad ng iba kaya napagkamalang masama ang ugali.
another thing, why is it that dina bonnevie who is very straightforward could say that tin is a beautiful person inside and out kung hindi niya kinilatis ang pagkatao ni tin? hindi nga siya mapagtanim ng galit compared sa iba na goody goody when in public and on cam pero off cam, doon na nakikita ang tunay nilang ugali.ang dami kayang plastic sa showbiz but kristine is not one of them.she works in showbiz but her attitude is not pang-showbiz.
i'm sure maganda din itong dahil may isang ikaw.ano pa ang hahanapin naming viewers na masyadong maselan ang panlasa.wala na.it will be directed by direk jerry lopez sineneng who also directed pangako sa yo before plus a powerhouse cast of echo-tin,gabby-lorna,john and chinchin with karylle and sid.grabe!
Maruja is scary huh first time ko na watch last night!! congrats sa komiks!!
im_tryland
May 16, 2009
22:28 PM hindi ba kayo naawa sa mga bahay na nadimolish sa manila...kaya siguro bumaba ang ratings ng kapuso sa mega manila dahil maraming bahay ang nadimolish..san sila ngayon titira,,sana gawan ng paraan ng gobyerno natin para magkaroon sila ng magandang pamumuhay...at tahimik na buhay...dahil may isang ikaw na tutulong kahit sa kunting halaga lang..
.............
who are this pipol ba??? -
Sana nga bumalik na sila sa probinsya nila para naman tumaas ng konti ang rating ng gma sa probinsya.
wala ako kinakampihan pero sa tingin ko ang punto ni homemaker e ung strategy ng DOS. Di ba kasi totoo naman pilit na dinidikit ung Karylle kay Echo? Halatang gimik lng kasi naman pala may pagsasamahan na serye non! halata naman sa mukha ni Echo na di nya type itong K pero napansin ko nga na ang DOS pinipilit gawan ng issue itong si Echo at K!!!