One person's loss is another's gain.
Ito ang akmang paglalarawan sa pagpasok ni Glaiza de Castro sa cast ng Bente bilang kapalit ni Jewel Mische.
Sa nalalapit na showing date, which is on June 3, ng nasabing pelikula, hindi maiwasang pag-usapang muli ang dahilan ng biglaang pagbabago sa cast. Matatandaang makakasama sana ni Jewel dito ang yumaong aktor na si Marky Cielo, na pinalitan ng dating housemate ng Pinoy Big Brother na si Aldred Gatchalian. Ngayon, sina Glaiza at Aldred na ang magkapareha.
Bakit nga ba nawala sa eksena si jewel?
On the shooting day itself, bigla raw nag-back out ang Ultimate Sweetheart ng StarStruck Batch 4 sa pelikula ng batikang direktor na si Mel Chionglo.
Nagulat na lang daw ang production dahil kahit nandoon na sa location si Jewel, bigla na lang daw itong umalis, lalo na noong makita niya umano si direk Mel.
Ang Bente ang ikalawa sa huling ipalalabas ng Sine Direk. Sa anim na entries, ang film ni direk Mel at ang Kamoteng Kahoy ni Maryo J. delos Reyes ang hindi pa nasu-shoot. Kaya naman, the project is under a tight deadline to beat its target showing date.
GLAIZA REPLACES JEWEL. Sa biglaang pagba-back out ni Jewel, muntik nang magka-aberya at masayang ang isang araw. Mabuti na lang daw at madaling napakiusapan ni direk Mel si Manny Valera, ang manager ni Glaiza de Castro.
Noong araw ding iyon, pagkagaling sa isang guesting, dumiretso na raw sa location ang 21 year-old actress para gampanan ang dapat sana ay role ni Jewel.
Natuwa naman ang cast and crew na walang ere itong si Glaiza, na nagsasabing wala rin daw problema kahit second choice lang siya dahil ang paniniwala niya, kapag kanya talaga ang role, anuman ang mangyari ay mapupunta ito sa kanya.
JEWEL'S REASON. Ang usap-usapan ay tila naalarma raw yata ang 18-year-old actress sa bed scene nila ni Aldred.
Takang-taka naman daw ang mga tao sa production, maging si direk Mel, dahil nag-audition naman daw si Jewel for the role last year, at alam naman daw nitong may gano'ng eksena talaga sa pelikula.
Kahit nga raw si Glaiza na pumalit kay Jewel ay maingat din naman sa pagpili ng roles subalit hindi nito tinanggihan ang proyekto.
In a blog entry, Jewel explained her side (published as is):
"First of all, I want you to know that I was really looking forward to do this film. The script was sent to me 2 days before the 1st shooting day. I refused to play the role and before you hear any reasons from the newspaper or wherever, hear it straight from me.






yun naman pala.. wag pilitin ang ayaw at wag ng palikihin ang isyu, hindi pa siguro time para sa ganitong roles, at hindi porket baguhan ka di ka na pwedeng umayaw dun sa role na bibigay sayo lalo na't against sa moral standard mo.
itchymouth
posted ba or posed?
columnista ba siya doon?
God rewards. GREATLY. It may not be by becoming famous. Marami namang artista na famous but they're not happy. Success naman is not determined by the awards you get and the money you hoard bec of popularity or posing for a men's mag. You're pretty inside and out. Pilot-to-be ka rin naman pala so DO WHAT YOUR HEART DESIRES! and Good luck girl! You're a very good example to the young people.
nakakrelate ak osa kanya grabe
GO IDOL JEWEL MISCHE!!
sige gudlak na lang sa yo, hintayin mo na lang ang remake ng Sister Stella L pero I doubt kaya mo ang aktingan don...at siguradohing basahin mabuti ang script bago ka umoo at baka role na pala ni Sister Stella Ma-L ang ibinigay sa yo.
God bless ur heart, Jewel!
wait ka na lang ng pwede mong role