Naglabas kanina ng official statement si Senator Loren Legarda tungkol sa binitiwang salita ng Hollywood actor na si Alec Baldwin bilang guest sa Late Show with David Letterman noong May 12.
Sa nasabing interview, sinabi ng ex-husband ni Kim Basinger na iniisip na niya na magkaroon ng asawa sa pamamagitan ng "Filipino mail-order bride."
"I think about getting a Filipino mail-order bride at this point, or a Russian one, I don't care...I'm 51," sabi ni Baldwin kay Letterman.
Ang pahayag na iyon ng Hollywood actor ay umani ng batikos mula sa mga Pilipinong nakapanood at nakarinig, kabilang na rito si Senator Loren Legarda.
Banat ng broadcaster turned senator, "Isn't it that when you order something, you pay for it? Thus, I say to them, Filipino women are not for sale, not even to Hollywood actors [like Baldwin].
"The practice of taking mail-order brides, aside from being illegal in the Philippines, is just one step removed from prostitution. Women in general should not be treated as commodities, to be ordered like fast food, or a pair of jeans to be discarded at the whim of the buyer. I condemn all forms of commoditization and objectification of women."
Humihingi si Senator Legarda ng public apology mula kay Baldwin dahil sa salitang binitiwan nito.
Sa bisa ng Republic Act of 6955 o Anti-Mail Order Bride Law, matagal nang ipinagbabawal ang ganitong practice sa Pilipinas dahil sa maraming bilang ng Pilipina na nagdurusa dahil sa sistemang mail-order bride.
Ipinahayag ni Senator Legarda na hindi niya palalampasin ang anumang "demeaning characterizations" laban sa mga Pilipino, katulad ng paglalagay sa dictionary na "domestic helper" ang kahulugan ng salitang Filipina noong si dating Pangulong Cory Aquino ang nakaluklok sa puwesto.






FYI Loren...
If Philippines is like Japan, S.Korea, i guess walang MOB. Kahirapan kung bakit maraming Filipino ang nag-abroad, nag-asawa ng ibang lahi or even sex slaves. kaya yan unang tuunan nu ng pansin. isama mo na rin ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan...
ang sabi i apologize to anyone who took offense. sabi din don ramon revilla said that Balwin's comment was insensitive and uncalled for. He threatened him with a beating and said that the 30 Rock star is apparently unaware that the Philippines has a law against mail order brides.
o ayan mabuti naman at nag apologize na siya. tsaka Bravo kay Bong Revilla at bumabawi talaga siya ha. we have to give the credit where its due kaya Bravo to you Bong Revilla. Good Job!
kasi naman sa dinamidami ng lahi tayo pa ang special mention ni Baldwin na gusto nya maging asawa, pumapangalawa lang ang Russia, lol
kasi naman nasa Pinay na lahat ng katangian ng asawa, marunong magluto, magtimpla ng kape, magis-is ng kisame, magpakintab ng sahig, masipag pa sa trabaho, o di ba nasa tin na lahat, hehe
True, not all mixed breed children are good looking to some people, but beauty is in eye of the beholder. Depende yon sa tumitingin. You might find them average lang, but others would also think they're very attractive.
kung sabihin ko sa yo Loren na madami magkakandarapa na filipina na magapply na maging bride ni baldwin, ano ngayon?
masarap yata maglakad sa red carpet ng Oscars at Golden Globe at ang escort mo si Baldwin, lol