Richard Gomez keeps on praying for baby number two

Nora Calderon
Thursday, May 21, 2009 @ 08:04PM  |  14763 views

Richard Gomez's character in All About Eve will soon resurface. Goma relates, "Pinatay muna ako sa story kasi nga nagbakasyon ako sa States. Ngayong nakabalik na ako para mag-taping, nabuhay na ulit ako. Pero maganda ito, maraming revelations.

 

"Malalaman na rin kung sino ang talagang nagpaikot sa aming lahat sa story. Sige, mag-spoiler na lamang ako na kami rin ni Jean, as Katrina, ang true love ko sa simula ng story, ang nakatuluyan ko. Hintayin na lamang ninyo kung ano ang mangyayari sa ibang characters kasi hanggang June 5 na lamang ninyo kami mapapanood."

 

Photo By: Noel Orsal













Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bonggang last taping day ng All About Eve sa Ospital ng Makati sa Jupiter St., Makati City, kagabi, May 20. 

Nadatnan namin ang mga miyembro ng main cast na sina Richard Gomez, Jean Garcia, Eula Valdez, Mark Anthony Fernandez, Sunshine Dizon, Iza Calzado, Alfred Vargas at Keempee de Leon. 

Dahil last day na nga, sagana sa food ang set. Merong Mongolian dish, pork barbecue, grilled fish, fried chicken, lechon at ang dessert nila, Estrel's cake. Nalaman namin na paborito pala ni Richard ang Mongolian dish.

"Yes, gusto ko ito lalo na kung maraming shrimps and squid," ang natatawang wika ni Goma. "Tiyak na kakantiyawan ako ni Jean kasi kanina pa raw ako kumakain." At totoo nga, kinantiyawan siya ni Jean nang mabalingan itong kumakain na naman.

 

SEX VIDEO OF FORMER CO-STAR. Naging seryoso na ang usapan nang tanungin si Richard tungkol sa controversy na kinasasangkutan ng nakasama niya sa Marimar—si Katrina Halili, na gumanap bilang asawa niyang si Angelica.

"Nagulat din ako nang malaman ko na meron pala, hindi ko pa ito napapanood," sagot ni Richard. "Pero ayaw ko ring makialam sa issue.  Hindi natin alam kung ano ang totoo sa kanila. Puwede ring itanong na alam ba nila na bini-video sila? Sino talaga ang gumawa noon? 

"Kasi baka in the end, tayo ang balikan nila. Baka sabihin nila, personal naming buhay ito, anong pakialam ninyo? Pero naaawa ako sa kanila, lalo na kay Katrina.  I hope they can handle it. But I'm sure, si Katrina hindi siya pababayaan ng GMA Network."

JULIANA'S ENDORSEMENTS. On our way sa taping, nadaanan namin ang Bench kids billboard ng anak niyang si Juliana, kasama si Andrei, na anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez.

"Oo, ipinagbukas nga ni Lucy [his wife] ng sarili niyang bank account," natatawang wika ni Richard. "Lahat ng talent fee niya, inilalagay doon ni Lucy, yumayaman na si bagets. Hindi iyon nababawasan, kasi kahit anong gusto niyang bilhin, sagot pa rin namin iyon ni Lucy."

 

BABY PLANS. Kababalik lamang ng buong pamilya mula sa bakasyon sa Las Vegas. Kumusta naman, may kasunod na ba si Juliana?

"Wala pa rin," ang mabilis na sagot ng tall-dark-and-handsome actor. "Pero masaya kami kasi first time iyon ni Juliana at Lucy, with her parents, na makarating ng Las Vegas. Nanood kasi kami ng boxing ni Manny Paquiao.  

"Kahit three weeks lamang, wala kaming inintindi ni Lucy na trabaho. Nag-enjoy lamang kami talaga. Matagal na rin kasi kaming hindi nagbabakasyon, kaya ngayong wala muna akong work, baka makatatlo kaming travel.

"Aalis kami sa June for San Francisco para sa Philippine Independence Day celebration doon. Sa July or August, pupunta kami ng Australia at New Zealand with Ben Chan. Sa September, pupunta kami ni Lucy sa Paris.  Ten days lamang each [trip] kami mawawala."

Biniro ng mga kaharap na reporters si Richard na baka sa Paris na sila makabuo ng kasunod ni Juliana.

"Sana nga, kasi payag na ngayon si Juliana na magkaroon ng baby brother or sister. Dati kasi ayaw niya," natatawa niyang sagot.

 

POLITICS? Marami nang nagpahayag ng kanilang intensyon na kumandidato sa darating na eleksiyon. Siya ba ay walang balak na muling tumakbo?

"As of now, wala akong balak," ang mabilis niyang sagot. "Ewan ko, siguro pag dumating na ang tamang panahon, I want to help in my capacity as an actor, as a public servant, pero hindi pa siguro ngayon."

Ano ang maipapayo niya kay Alfred Vargas na kakandidatong councilor sa District 2 ng Quezon City?

1  2  Next »

Related Articles

33 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name