Naaksidente ang sasakyan ng aktor na si Richard Gutierrez bandang ala-una ng madaling-araw ngayon, ika-22 ng Mayo, sa Santa Rosa-Tagaytay Road, Puting Kahoy Village, sa Silang, Cavite.
Ayon sa panayam ng dzBB kay PO1 Bonifacio Tañola of Cavite Police, namatay ang kasama ni Richard na isinugod sa Adventist University Hospital. Habang ang 25-year-old na anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at ang kanyang bodyguard, na kinilalang si George Mustura, ay parehong nagtamo ng sugat at dinala sa Tagaytay Medical Center.
“Bale bumangga po sa poste, malalim ang lugar na binagsakan niya. Medyo may bangin at bumangga sa puno ng niyog," ang sabi ni Tañola sa dzBB radio.
Sa report naman ng dwIZ, ang assistant ni Richard ay pinangalanang Nomar Prado.
Samantala, ilan pang impormasyon ang umabot sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text message. Ang source ay isang taga-industriya. Ayon sa text message, "Si Richard yung nagda-drive...[Nissan] Skyline na sports car...Tumalsik yung kasama niya di pa nila nakita sa sobrang lakas ng talsik 'tapos nung nakita nila patay na..."
Idinagdag pa niya na hiniram lang daw ni Richard si Nomar, ang PA, kay Raymond. Matagal nang naninilbihan si Nomar sa pamilya Gutierrez. Noong nasa States pa ang mga Gutierrezes, kasa-kasama na raw ito bilang alalay kay Eddie, ang padre de pamilya ng mga Gutierrez.
Sa ngayon, nasa Asian Hospital raw si Richard. Nag-a-undergo ito ngayon ng CT scan, isang proseso na tumitiyak kung walang dapat ipangamba sa ulo ng isang pasyente.
Ayon sa isa pang source na tiga-industriya rin, sinabi raw ng GMA-7 CEO na si Atty. Felipe Gozon na sasagutin ng GMA-7 ang lahat ng expenses sa naturang aksidente: ang pagpapa-ospital ng mga naaksidente at ang pagpapalibing ng PA na namatay.
Nang nangyari ang aksidente, ang mga ito ay galing sa shooting para sa plug ng Full House, isang adaptation ng isang Koreanovela, na siyang bagong teleserye ni Richard. Sinasabing ang Zorro ay magtatapos bandang Hulyo.





To RG get well soon.
madami nmng paraan ng pagtulong, hindi lng pagpapaospital at pagpapalibing.. hindi ko nmn sinasabing mali ang pagtulong nila kay richard, natural lng un kc talent nila.. ang tinatanong ko lng nmn bkit wala akong narinig o nabasa sa news from gma7 executives ng pagsuporta nila sa laban ni katrina afterall pareho nmn nilang talent di ba..
Buti na lang nakaligtas siya. Kawawa naman ung assistant na namatay. Matagal na pala nilang tauhan iyon it only goes to show na mabubuting tao ang pamilya nila chard kc walang tao ang tatagal sa kanilang amo kung masasama silang tao. Misunderstood lang tlaga sila..
subrang lau nmn ng kaso ni kat, si kat nmn kasi wala un sa trabaho nia. tsaka.... ah basta ayuku na sabihen. si chard nmn galing sa work nung nangyare un. tsaka kahit sino nmn siguru kahit na ndi ganun kasikat basta nangyare un tutulungan nila!
peuy sana talaga ndi na lng xa si justine. peru parang imposible na tong palitan lalo pa't galing sa plug ng full house nung nangyare to! so all i can say nalng is... sana si heart si jessie!
..............
wow,,, FULL HOUSE,,, nakz...
go justine...
cno si jessie???
...
emmarose, that's right - your vehicle, your responsibility. the consequences of one's actions, his to live with.
still, accidents happen. and they happen everyday. kahit anong ingat natin mag-drive, there are other factors to consider as well - environmental etc, circumstances beyond our control. no one wanted this to happen.
not nice seeing some wishing others ill...
sana anabil lesson na ito sa bawat pagtatanggol mo baka e2 ang way ni god na sana maging fair kau sa ibang tao na di lang kayo ang nasa itaas!
get well soon chard
Ganun?inlove talaga ang ating princess,naku lalo na cguro ngaun baka gusto na umuwi agad nun?hehe