Dumating na ang aktor na si John Lloyd Cruz mula New York kung saan nag-shoot siya ng In My Life, ang pelikulang pinagbibidahan nila ng Star for All Seasons Vilma Santos. Gumaganap sa pelikula si John Lloyd bilang isang gay at kapareha niya rito si Luis Manzano. Si Olive Lamasan ang direktor ng Star Cinema production.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd kahapon, May 24, pagkatapos ng ASAP '09 kung saan mainstay siya. Kinumusta namin sa aktor ang shooting nila ng In My Life sa New York.
"Okey naman," sambit niya. "Tapos na kaming mag-shoot sa States. Maganda yung naging take off namin sa New York, especially yung sa amin ni Luis. Kasi yung sa amin, medyo mahirap yun, e. Ang daming nuances na kailangang ma-establish. And hindi lang ma-establish... Yun bang kailangang is from within kumbaga. So, dapat ganoong character, puso 'yan, e. Hindi naman siya yung parang bibihisan mo lang na, alam ninyo yun, yung mga typical...mga naging roles na ginawa na rin dito, di ba?"
First time ni John Lloyd na gumanap na gay sa pelikula. Anong paghahanda ang ginawa niya for his role?
"Kami ni Luis, nag-workshop kami under Direk Laurice Guillen's supervision," sagot niya. "Medyo may partly academic. Pero hindi matagal, dalawang araw lang. 'Saka kay Direk Olive. We did some immersion sa New York. Basically ano, e, characterization. So kailangan kong makabuo ng isang character sa pagkatao ni Noel—yun yung pangalan ko sa movie.
"'Saka kami naman kasi ni Luis, mas naghanda ako mentally at psychologically. Kasi kami naman ni Luis in terms of ano... Buddy-buddy naman kami niyan and hindi na kami naiilang."
KISSING SCENE WITH LUIS. So, kahit sa kissing scene nila ni Luis ay hindi sila nagkailangan?
"Isa yun sa part ng... Ayun, gusto ko medyo..." bitin niyang sabi
Na huwag pag-usapan?
"Ay, hindi naman sa hindi pag-uusapan," paglilinaw ni John Lloyd. "Siyempre, hindi naman puwedeng hindi 'yan mapapag-usapan. Kaya lang, nagkakaroon lang kasi siya ng maling inclination. Yung kissing scene, nangyari yun... Actually, hindi siya kissing scene, e. It was a very tender intimate moment of Luis and myself. And sa tingin ko, we were able to make it work kasi napaiyak namin si Direk Olive.
"I'm not saying na yun lang ang basis of good work. Ang sinasabi ko lang is that, si Direk Olive yung nakakaintindi kung ano yung gusto niyang makuha out of the scene. So, ayun, maganda ang kinalabasan because, yun nga, I think naniwala si Direk Olive sa gusto niyang makuha from the two of us, me and Luis."
Totoo bang nahirapan silang i-shoot ang kissing scene nila dahil marami raw Pinoy sa New York ang kumuha ng picture sa eksena nila at ipinost na ito sa Internet?
"Yun nga ang gusto sana naming maayos, kasi hina-hype nila yung maling idea about the film. Kasi, unang-una, hindi naman siya gay picture. Alam ninyo, nahihiya na ako kay Ate Vi kasi hindi naman namin ito pelikula ni Luis. Pelikula ito ni Ate Vi, maaari naming tatlo. Pero there's Ate Vi, alam ninyo yun?
"So dito, 'pag pinanood ninyo ito, ang dapat pag-usapan dito is yung first time makikita mo si Ate Vi sa ganitong klaseng character. I don't think nakita na ng kahit sino si Ate Vi sa ganitong persona. May mga eksena siya na nahuhulog siya sa basurahan. Saka nakakatawa, ibang-iba yung Ate Vi na makikita ninyo. And I think yun ang dapat bigyan natin ng hype," saad ni John Lloyd.
Kumusta naman ang mga eksena nila ni Vilma sa pelikula?






homemaker
lakas talaga ng nganga ng ampalaya sayo anoh.tingnan mo nga naman kaya pala may i sagot ka noon sa usapan pa lang na movie ni ate vi....
apdo ng baka pati bangus yata nahigop mo na...try ka ng sinigang na hipon para maalis ang pait at matauhan ka.hahaha..
homemaker
May 26, 2009
07:59 AM
hoy bitter! wag ka nga sinungaling dati kaya nakasagutan na kita sa comment mo din nuon about sa movie taposs sasabihin mo ngayon mo lang nalaman na may movie sila JLC.
pag insecure talaga ganyan ang ugali! tanggapin mo na lang kasi sa sarili mo na WALA KAYONG PANTAPAT kay john lloyd dahil ang mga actor sa beloved network mo ay hindi marurunong umarte!
john lloyd? di ko nga alam na may
movie kang ilalabas e. dito ko lang sa
pep nalaman at may halikan pa kayo kamo
ni luis? yakiiiii! hay naku what you
for fame and money nga naman.
obviously nagpapapansin ka para
mapagusapan ang movie nyo at
pinagbibintangan mo pa ang media na
mas pinaguusapan ang halikan instead
of vilma na nahulog sa basurahan?
lol lol lol this is trash!
ang galing mo tlga..
kiyemestrykc
May 26, 2009
02:54 AM
------------------
nagbabasa ka ba? about gay sex? san mo nakuha yun? ano ito, indie film? the story centers on vilma santos' struggle as a mother, on how she will able to cope the truth that his son is gay, etc, etc. di ba nga sabi ni jlc, sana hindi ihype yung film as gay picture dahil hindi naman talaga e.. magbasa nga before magcomment, PLEASE!!
And as for the mothers, i think they will be interested at lalo pa na ieencourage nila na isama ang husband nila kasi they will learn many things from this film on what is the best thing to do when you they found out that their son is gay, how to handle the situation, etc etc.. ikaw ba, nabukelya ka na ba ng parents mo? pano nila tinanggap? i was just asking...
vilma santos, the movie icon
john lloyd- the reigning box office king and luis manzano who is getting better and better and everything that he does. A good director Olive Lamasan a good story line. SURE BOX OFFICE HIT!!!
kiyemestrykc
May 26, 2009
02:54 AM
========
at nagpaka madam auring ka na naman, pero sa bandang huli kikita at kita pa rin ung movie... hindi pa ba keo nagsasawa sa kasasabing hindi kikita ang movie ng star cinema... ilang beses nio na ba sinabi yan, pero walang epekto blockbuster pa rin... ayun at bumabalik sa movie ng Star letzzzz ng GMA ang pag ka flop ng movie.... ang One True Flop pang top11 lang natalo pa ng My Only You na pang top10 ayun yan sa numbers na inilabas ng Robinson at SM Cinema na top10 movie's for 2008.
kiyemestrykc
May 26, 2009
01:47 AM
dont worry JLC natabunan ng sex video scandal ang movie gimmick nyo para sa promo ng bago nyong pelikula. Now kung gusto mong lalong pagusapan ng husto eh gumawa kayo ng mas kontrobersyal na gimik.. maybe a sex video rin with Lucky?
=============
i think hindi na kelangan ng movie at ng mga cast nito na magpakontrobersyal para lang makakuha at magkasimpatya ang mga manonood. kay Mayor Vi pa lang cguradong susuportahan na ng mga Vilimanians ang Movie na 2. idagdag mo pa si papa Lloydie na isa sa mga cast at si Olive Lamasan pa ang direktor, naku po hindi na kelangan ng gimik ek ek mo cguradong patok ito sa mga manonood. GMA Films at mga Starletzzz lang ang kelangan gumimik ng makakuha ng simpatya sa mga manonood. jan sanay ang mga star letzzzz ng GMA ang magpakontrobersyal.lolz