Nahaharap sa reklamong acts of lasciviousness ang young actor na si Aljur Abrenica. Ang reklamo ay isinampa ng isang 13-year-old na dalagita sa National Bureau of Investigation (NBI) kanina, June 2.
Ayon sa report ng 24 Oras kanina, nakasaad sa affidavit ng dalagita ang pambabastos diumano sa kanya ni Aljur, 19, noong Holy Week sa Puerto Galera, kung saan sila nagkakilala.
Ayon naman sa affidavit ng ina ng nagrereklamo, labis daw silang nasaktan sa mga batikos sa kanyang anak pagkatapos itinanggi noong una ni Aljur na kilala niya ang dalagita.
Nakatakdang i-subpoena si Aljur bukas, June 3, para bigyan siya ng pagkakataon na sagutin ang mga paratang laban sa kanya.
Wala pa naman daw natatanggap na kopya ng reklamo ang kampo ni Aljur. Pero tiniyak ng Artist Center, ang talent arm ng GMA-7 na nangangalaga sa career ni Aljur, na aalamin nila ang buong pangyayari. Pag nakatanggap daw sila ng kopya ng reklamo ay agad itong aaksyunan ng kanilang abogado.
Sa naunang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aljur, na nalathala noong May 7, ay ipinaliwanag niya kung paano sila nagkakilala ng dalagita. (Click here to read related story.)
"Dalawang araw po kami doon [sa Puerto Galera]. Kasama ko po ang barkada kong sina Moymoy Palaboy, at na-meet namin ang barkada nila [ng dalaga]. Ang alam nga namin, mga promodizer [promo girls] sila dahil may ibinebenta silang mga products doon. Dahil maliit lang naman ang Puerto Galera, sa two days na nandoon kami, lagi kaming nagkikita, barkada ko at barkada nila. Pero hanggang doon lang po 'yon," saad ni Aljur.
Itinanggi ng young actor na nagkagusto siya sa dalagita, na sa unang report ay sinasabing "15 years old."
Kaugnay nito, may lumabas ding larawan sa isang tabloid ang dalagita kasama si Aljur, na nagpapatunay diumano na magkasama nga sila noon sa Puerto Galera.
Kinuha rin ng PEP ang panig ng co-manager ni Aljur na si Rommel Gacho. Ngunit gaya ng report ng 24 Oras, sinabi nitong dapat ay sa GMA-7 o sa Artist Center manggaling ang statement at hindi sa kanya. Hindi pa rin daw nila pormal na natatanggap ang reklamo kaya hindi pa rin sila makapagbibigay ng statement.
Si Aljur ay produkto ng StarStruck Batch 4, kung saan itinanghal siyang Ultimate Hunk. Kasalukuyan siyang napapanood sa afternoon soap na Dapat Ka Bang Mahalin? at sa musical-variety show na SOP.






the other person involved deserves an investigation, minsan talaga yung mukhang maa-mong tu-pa yon ang puno ng kalokohan.
kaya mga guys, careful kayo sa pag-fri-friendship-friendship nyo, make sure the girl knows where you stand and not let them on, for nothing, iba't ibang tao iba't ibang mag-take ng pagka-talo!
Talent ni Richard Hiņola ang bagets na nagrereklamo na binastos siya ni Aljur Abrenica.
Wo ho ho ho ho. Sinasabi ko na nga ba. Ha ha ha ha haha. Gustong makilala at si Aljur ang ginamit. I knew it.
Magkakaron ng problem dyan.
Im sure gusto nyang mag artista.
Na kesyo nagka dengue daw. Palusot pa.
Ikinakahiya ang sariling ina na nagluwal sa knya dahil sa pagiging katulong lamang?
Sinu na nga uli ang kahiya hiya???
Yung dayaan ninyo sa wawawiwi. 2-0 ba un?? He he he he.
What about ung mga papremyo ninyo na hndi maibgay? Ibngay lang nung me magreklamo?? Hndi pa brand new. He he heh e. How's that??
matheresa15
June 3, 2009
13:38 PM ano b yn GMA???grbe mga isyu ng talents nyo???kc ndi nyo gina-guide...unlike s DOS my MR. M n prang tatay nla kya ok smahan nila at wlang gnyan n malalaswang isyu???c katrina,c yasmien at now c aljur nyo....kakahiya!!! star magic my concert tour un ang pingkakaabalahn nila kesa s mga malalswang isyu...
______________________________________
Uy. Bigla kann yat nagkron ng memory gap. Nakalimutan mo yata isama si Maricar Reyes na napakagaling gumiling. Performance wise wow champion.
Riki Kwek - performance level din.
Vina Morales - impregnated by a married man
Kris Aquino - nagkatulo, naki apid sa me aswa
Jake Cuenca - nanapak ng babae.
Sa palagay mo gawain ng taong matino yan?? Saang stasyon nga ba sila connected. Wag mag mlinis. Linisin nyo muna ang burakk sa bakuran ninyo bago mayo mambato. Understood?? Ok. He he he!!