Robin Padilla's niece and co-star in Totoy Bato has an international career as a cast member of Medical City, a TV drama to be shown in Australia, but Krista Sullivan's cherished dream is to don a fish tail à la Dyesebel.

 

Photo: Courtesy of Star Magic

Masuwerte si Krista Sullivan (dating Krista Valle) ng Star Magic dahil isa siya sa iilang mga artista na may kalayaan at oportunidad na makapagtrabaho sa tatlong malalaking TV stations, ang ABS-CBN, ang TV5 at ang GMA-7.

Pamangkin ni Robin Padilla  si Krista (first cousin ng mommy niya si Robin sa Cariño side) kaya naman nagkaroon ng chance na maging parte ng Totoy Bato ng Siyete si Krista.

Ito ay sa kabila ng pagiging member ni Krista ng Star Circle batch 15 ng Dos.

Pinasikat rin ni Krista ang character ni Betty La Panget sa spoof ng Betty La Fea sa Loko Moko ng TV5.

International rin ang pagiging celebrity ni Krista dahil may TV show na isa siya sa cast members, ang Medical City na sa Australia ipalalabas, produced by Dick Pengson.

Dream ni Krista na maging isang sirena sa pelikula o sa telebisyon, kaya nga tinutukan niya ang Dyesebel ni Marian Rivera noon.

And because of her dream, willing si Krista to go topless sa harap ng kamera basta't ang role niya ay bilang isang sirena.      

Dedicated sa trabaho kaya naman when she turned 18 last month (May 3), instead na isang bonggang party ang idaos ay nagtrabaho si Krista, sumagala siya sa isang Santacruzan sa Tanay, Rizal.

Kahit hindi siya nagkaroon ng isang bonggang party, bongga naman ang regalo sa kanya ng kanyang British dad: sasakyang black na Mazda 3. Banker ang ama niya sa isang online company sa Nottingham, England.