"Alam natin, sa nagdaang tatlong taon, ang mga Pilipino ay parang hindi masyadong interesadong manood ng Filipino films. I think,may revival ng ganung attitude, gaya nang dati, na gustung-gusto nating pumunta sa sinehan para manood ng pelikulang Pilipino."
RAYA'S EXPERIMENTS. Kapansin-pansin na "mas kakaiba" ang Independencia sa mga naunang obrang pampelikula ni Raya. Mas "mainstream" ang tinatakbo ng naratibo, na may malinaw na tunguhin ang pagkukuwento, kaysa pagkukuwentong eksperimental, tulad sa iba pang Raya Martin films, namely:
Maicling Pelicola ng Ysang Indio Nacional (2006), a series of silent short films, depicting the early years of the Philippine Revolution in the late 1890s;
Autohystoria (2007), pagbabalik-tanaw sa kabayanihan ni Gat. Andres Bonifacio, na hindi gumagalaw ang kamerang nakatutok sa Monumento, sa Kalookan City, at kinukunan ang mga umiikot na mga sasakyan; o kaya'y naglakad lang nang naglakad ang dalawang tauhan, bago ang reenactment ng pagkakapatay umano ni Emilio Aguinaldo (o ng kaalyado nito) kay Andres Bonifacio;
Now Showing (2008), mga hindi kilalang artista ang gumanap; may birthday celebration na parang kapitbahay o kamag-anak natin ang napapanood; napakanatural ng mga akting; at
Next Attraction (2008), a movie-within-a movie set; gumanap sina Jaclyn Jose at Coco Martin bilang mag-ina; sinadyang ipinakita in its raw form, as in series of rushes, habang ongoing pa ang shoot.
Dagdag ni Raya, on his latest, Independencia (2009), "Mas 'mainstream' nang konti, pero, siyempre, yung hitsura niya... [tipikal na indie movie, low-budgeted, kaya]... contained siya [sa studio], lahat-lahat, except yung sa gitna."
Suddenly, may "paningit" na mga eksena, nang dumating na ang mga Amerikano, at biglang may eksenang nasa totoong lugar sa isang rural town ang mga tauhan; na ipinakita ang kalupitan ng mga Amerikanong sundalo (tulad ng paglalahad sa Minsa'y Isang Gamu-Gamo, 1976, ni director Lupita A. Concio).
EXPLORING MAINSTREAM. Tipikal din of a Raya Martin film na yung texture ay parang pelikulang ginawa mismo sa panahong ipinakikita; mayroong bahagi, halimbawa, na nawawala ang mga imahe sa screen, na aakalaing likha ng nasisirang projector o misplaced negative sa reel. At ang istilong ganito ay lalong nakakadagdag sa authenticity ng obra.
"Iba din kasi yung pagod na inilalagay nila dati sa [paggawa ng] pelikula," opinyon ni Raya.
Bukod sa tig-isang "tribute episode" nila ni direk Adolf Alix Jr. sa Manila, na mula sa mga pelikulang Manila By Night (ni Ishmael Bernal) at Jaguar (ni Lino Brocka), na si Piolo Pascual ang actor-producer, handa na ring gumawa si Raya Martin ng "mas mainstream" na pelikula.
"Kasi, I can do everything, so parang iniisip ko ngayon, iba-iba din. Ayaw ko din yung [sasabihing]... ito, isang klase lang ng pelikula ang dinidirek.
"Yung susunod ko, I think, hindi siya period," nakangiting sabi uli ng baguhang filmmaker na totoong masaya sa naging pagtanggap ng manonood sa bago niyang pelikula.






Pero nandoon na respeto at suporta namin kay ate Vi at maging sa pelikula.
Congrats Direk Raya Martin!!!!