Pagkatapos lumabas sa ASAP '09 last Sunday, June 21, ang baguhan at kontrobersiyal na Star Magic talent na si Maricar Reyes, tuluyan nang nabura ang haka-haka na wala na siya sa bansa at lumipad na sa U.S. kasama ang kanyang pamilya. Ang balita kasi noon ay umalis na ng Pilipinas si Maricar pagkatapos sumabog ang sex videos nila ng ex-boyfriend niyang si Hayden Kho.
Ilang linggo bago lumabas si Maricar sa ASAP '09, isang source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nakausap mismo ng controversial commercial model turned actress. Sabi ng aming source, kung payat noon si Maricar sa sex video nila ni Hayden, ngayon daw ay doble ang ipinayat ng baguhang artista and doctor by profession dahil sa sobrang depression.
Nagdadalawang-isip pa rin daw noon ang Star Magic talent kung lilitaw na ba siya in public o mananatili na lamang nakakulong sa kanyang kuwarto at tahanan. Nanahimik lang ang kampo ni Maricar sa gitna ng kontrobersiya.
Nirespeto naman ng ABS-CBN ang desisyon ng pamilya ni Maricar na manatiling tahimik at hindi nagsasalita. Pero pagkatapos makatanggap ng mga magagandang payo mula sa ilang network bigwigs, she finally decided na rumampa na rin sa special segment ng ASAP '09 para sa anniversary ng Star Magic.
Kaya naman todo ang suporta ng Kapamilya network kay Maricar. Sa kabila ng kontrobersya sa buhay niya, hindi siya pinabayaan ng ABS-CBN at Star Magic.
Bilang patunay na sinusuportahan siya ng ABS-CBN, dalawang TV projects ang ibinigay nito kay Maricar. Unang napanood si Maricar sa I Love Betty La Fea bilang si Candy, ang ex-girlfriend ni Armando na ginampanan naman ni John Lloyd Cruz.
Ngayon ay special guest star naman si Maricar sa high-rating primetime series na May Bukas Pa, bilang taong-grasa. Dito pinatunayan naman ni Maricar na worth it ang suporta sa kanya dahil ibinigay niya ang kanyang best sa pagganap sa role.
Sa July 5, isa siya sa mga bida kasama sina Jodi Sta. Maria at Sid Lucero sa bagong episode ng Sunday drama series na Your Song Presents Gaano Kita Kamahal sa direksyon ni Erick Salud, na siya ring direktor ng I Love Betty La Fea.
Todo ang nakuhang suporta ni Maricar mula sa cast hanggang sa production team ng Your Song Presents Gaano Kita Kamahal, na ang kumanta ng theme song ay walang iba kundi ang Divine Diva na si ZsaZsa Padilla.
Puring-puri rin ni Direk Erick si Maricar sa kanyang pagganap sa Your Song.
"She's one new star who is as if not new in the industry. Natural umarte at may lalim. Given more challenging roles, she can be elevated to the status of a seasoned performer. On the set, she is quiet. But once you talk to her, she will not run out of stories to tell. Magaan siyang katrabaho. And she is one person who is unfazed by the problems around her," sabi ni Direk Erick.
Sa ngayon, ang pagte-taping ng mga show sa ABS-CBN ang kaya pa lang harapin ni Maricar. Wala pang lakas ng loob ang controversial new star para ilahad ang kanyang damdamin sa paglabas ng sex videos nila ni Hayden Kho.





Wag damdamin ang kasawian. May bukas pa sa iyong buhay. Sisikat din ang iyong araw. Ang iyong pagdaramdam, idalangin mo sa Maykapal.. na sa puso mo ay mwala nang lubusan.
Princess Velasco: may pagnanasa kay Hayden kaya nakipag-fling dito. Hindi na sana gumulo kung di siya nakipag-fling ke HK at nagsumbong ke Vicky.
Eric Chua-siya ang nagbalita ke Vicky na may sex vid si hayden, kaya may part din siya sa gulo.
Vicky- sa kanyang pagpapa-ransack sa laptop ni hayden, e, kumalat ang sex vid.
Hayden- sa pagkukuha ng video sa kanyang mga sexual encounters
Mga girls- sa pakikipagtalit sa lalaking may gf na. Duon pa nila ginawa ang milagro sa condo ni Dr.Belo. malaking katrayduran talaga.
Uploader= pinaka-may kasalanan sa lahat, pero may inapload kaya kung di-naganap ang mga pagkakamali sa taas.
Pampelikula ang kwentong ito.
Magpatawaran na lang kayo.
Ang masama ay yung mang-agaw ng bf. Siguro kung walang gf si Hayden nung time na yun, buhos ang simpatiya ng mga tao sa mga biktima.
btw, i think maricar is the best one of all, if there are awards for it that is.
Keep honing your craft as what your director have said, you ara a POTENTIAL STAR....
Goodluck!!
hindi siya masamang tao. thats for sure.
dapat hindi lang si katrina ang pinagdidiskitahan!!!
paano kasi yang mga bayaran na yan lahat ng issue may involve na network war para sa kanila!!!
ako sinusuportahan ko sila in my own way! silang dalawa!!!
kaya lang nakakainis lang ung iba na tira ng tira lalo na kay katrina!
ANG KAKAPAL!