Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alessandra de Rossi, who plays the role of Greta in the high-rating primetime series Tayong Dalawa, kung hanggang kailan pa eere ang series nila, buong-ningning nitong biro na, "baka hanggang 2010 pa!" sabay tawa.
"I don't know. Actually, walang nakakaalam. Marami pa kaming tine-taping eh, so, I guess, medyo matagal-tagal pa. Busy pa rin kami sa kaka-taping. Nagsimula kami ng taping ng December last year, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasasanay sa pagod," nakangiti niyang sabi.
Isa si Alessandra sa maituturing na mahusay na aktres sa kanyang henerasyon. Hindi nakakapagkatang isa rin siya sa nagsa-shine in terms of acting, kahanay ang iba pang katulad niyang award-winning stars sa Tayong Dalawa.
Tulad ba ng ilan sa cast, nakikita niyang marami rin ang nagawa sa kanya ng serye?
"Wala! Hanggang doon lang, wala nga akong guesting, e!" natatawa niyang sabi. "'Yun lang talaga. Pero masaya ako kasi yun lang talaga, pagod na pagod na ko. E, ako pa, ang hangad ko lang naman ay kumita nang dire-diretso. Hindi naman kailangan na malaki, hindi rin kailangan na maliit. Basta yung 'sakto lang to pay my bills, okey lang."
Masaya at kuntento naman daw siya sa ibinibigay sa kanyang raket ng ABS-CBN ever since mag-decide siyang mag-transfer from Kapuso network.
"Happy ako. As long as hindi ako nawawalan, happy ako. May taping ako ng two to three times a week na garantisado. So, ano pa ba ang hihilingin mo? For the last six months, ganoon ang nangyayari. Hindi man ako nakakaipon dahil malaki masyado ang bills ko, pero at least may pumapasok, di ba?"
Meron naman daw mga follow-up projects na agad na sinasabi sa kanya. Although, kung siya nga raw ang masusunod, "Huwag muna sana ngayon. Ang dasal ko nga, huwag munang mag-overlap kasi hindi ko talaga kaya. Nag-i-start kasi kami sa Tayong Dalawa, 7:30 ang call time, minsan natatapos kami ng 8 or 9 a.m. the following day.
"Do you think gusto ko pang mag-taping? Hindi na 'no! Eh, every other day yun. Bale yung Tuesday and Thursday, hindi siya kasama sa kalendaryo ko, tulog lang ako."
Tinanong namin si Alex kung kasama ba sa paglipat niya ang offer na magkaroon ng pagbibidahang serye?
"Ay, hindi, walang ganoong pinag-usapan ever. At in fairness to me, never ko rin pinagdasal yun kay God. Hindi ko kaya ang responsibilidad, eh. Natatakot ako. Siguro dahil feeling ko nga, hindi ko kaya."
Aniya, ibang project ang in-offer sa kanya at hindi ang Tayong Dalawa, pero okey lang daw sa kanya.
"Pareho lang naman ang role, eh.'Yung tipong walang kuwenta sa umpisa, tapos gaganda nang gaganda. Baka yun ang next...baka ha."
Dugtong pa niya, "Sa ngayon, okey naman ako. Happy pa naman ako. Hindi naman nila ako pinapabayaan. At saka ako naman, kung saan may trabaho, doon ako.
"Uso pa ba ang loyalty ngayon? Chos! Ha ha ha! Eh, yun ngang bida mismo lumalayas, yun pa kayang supporting lang? Sino pa ba ang magsasabing ingrata ako?" natatawa niyang sabi.






sana ikaw naman next na makarma. doble na.
keep it up
bataanmatamit
June 27, 2009
14:38 PM Anu ba 'tong pages ni Alessandra, feeling ko duling ako at paulit-ulit.
----
lol! same with me.
ayaw ko rin kay jeremy mas gusto ko pa si coco para kay alex
Clap! Clap!
Wish lang namin never mo ng balikan si Jeremy. Dami pang guys dyan no.
Pero happy rin naman sya sa Abs kasi meron syang work kaya nga sya lumipat kasi wala syang trabaho sa Gma ng ilan buwan. sa ngayon di naman sya pinababayaan ng dos kasi nasa tayong dalawa sya at puro magagaling pa na artista ang kasama sa teleserye. pwede pa naman syang bumalik sa Gma kung wala na syang work sa Abs dahil nagpaalam naman sya sa Gma bago lumipat.
Gusto ko sina Alex at Coco, Kim at Gerald at Jake at Roxanne Guinoo para sa Agimat
wish you all luck!
god bless!
may you find the right guy for you.
go go go girl ... good luck!
superfigo
June 27, 2009
15:43 PM totoo ba yan na kasali si alex sa bandidas?
---
confirmed 4th quarter of this year sya ipapalabas...3 silanng main lead star...astig na mga bidang babae.