"Siguro, guarantee na rin ang pangalan ko para pagtiwalaan nila. These people naman, confidence lang ang guarantee na nakukuha sa akin. Kaya ayokong masira sa kanila. I'm doing the best that I can to come up with good products, na hindi naman ako mapapahiya," says Piolo Pascual about venturing into movie production.

Photo: Noel Orsal

Hindi basta kumportable na lang si Piolo Pascual sa kanyang career. Oo nga't he's having the best of everything, like big projects and endorsements, pero hindi siya nagkakasya lang sa ganoon. Katuwiran niya, habang may pagkakataon, dapat na samantalahin 'yon.

"I got into film production to be able to help other people," panimula ni Piolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "And personally, I want to grow. Not just as an actor but an industry person as well. Kung sa ganitong paraan din ako makaka-contribute ng positibo sa industry, by all means, I have to do it."

Iniisip na tuloy ng marami na napakarami nang pera ni Piolo para maglustay sa pagpo-produce. Pero nagiging daan lang daw siya for other investors.

"Siguro, guarantee na rin ang pangalan ko para pagtiwalaan nila," sabi niya. "These people naman, confidence lang ang guarantee na nakukuha sa akin. Kaya ayokong masira sa kanila. I'm doing the best that I can to come up with good products, na hindi naman ako mapapahiya."

Ang unang venture ni Piolo as a producer ay ang acclaimed Manila, paying homage to the artistry of two of the country's finest filmmakers: Lino Brocka (Jaguar) and Ishmael Bernal (Manila By Night). Interwoven into one cohesive screenplay, pinagtulungan itong mabuo ng mga direktor na sina Adolf Alix at Raya Martin. Para ito sa MJM Productions at Bicycle Pictures.

"Wala akong ibang ine-expect sa pelikula dahil na-fulfill na nito ang intention namin, yung maipalabas ito sa Cannes Film Festival. Sobra-sobra na yun, and we still have eight more invitations. Katatapos lang na mai-premiere ang movie sa Moscow International Film Festival.

"Kung magiging maganda ang kapalaran nito sa box-office, bonus na yun. Basta kami, masaya na sa finished product, yung nakagawa kami ng ganitong klaseng pelikula, na alam kong malaki ang boost para sa career ko rin as an actor," nasabi pa ni Piolo.

COLLABORATION WITH DINGDONG. May isa pang pino-produce si Piolo, ang more commercial na Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme), na magsisilbing launching pic ni Eugene Domingo. Leading man dito si Dingdong Dantes.

"Dapat kasama rin si Dingdong sa mag-i-invest, pero naisip niyang mas makaka-focus siya as an actor. Naa-appreciate pa rin namin yun. Pero sa pre-planning pa lang, kasama na si Dong. May mga ideas din siya. Ang connect namin diyan, si Joyce [Bernal]. That was the time kasi na idinidirek ni Joyce yung teleserye ni Dong sa kabilang network, kaya napapag-usapan ang tungkol sa ideya.

"Nagkausap na kami ni Dong noon pa, noong ginagawa namin ang Pond's commercial. Gusto sana ni Dong, makasama siya as a producer. Pero at the last minute, he opted to be just part of the film as an actor. Wala namang problema doon.

"Medyo matagal pa bago ito maipalabas. Uunahin na muna namin ang Manila, to be finally shown this July, here in the country," ani Piolo.

Ang na-realize ni Piolo, mahirap ang responsibilidad ng isang producer.

"Pero masaya ako sa nagagawa ko," aniya. "Marami ang tumutulong. It's exciting. Sa trabahong ito kasi, you just want to grow. Mahirap yung hanggang doon na lang. As an artist, may fulfillment akong nararamdaman. Wala akong naranasang sakit ng ulo sa mga artista. Yung iba nga, like Angelica Panganiban, hindi na halos nagpabayad. It feels good. Gusto lang nilang makasama sa ganitong klaseng proyekto."         

Pero okey pa rin kay Piolo ang pagpapatuloy ng kanyang TV career at kahit ano pang assignments ang ibigay ng ABS-CBN sa kanya, gaya ng partisipasyon niya sa Nasaan Ka, Maruja?.