Freddie Aguilar says Charice and Arnel Pineda prove that Filipinos are "monkeys"


 
"E, pinatototohanan lang ang sinabi ni Mariah Carey na tayong mga Filipino ay mga unggoy. Kasi, wala tayong sarili, gaya-gaya lang tayo. Nasa Amerika ka na, binigyan ka na ng pagkakataon na kumanta sa Oprah, bakit kumanta ka pa ng kanta ni Celine Dion? Sinabi ni Mariah na mga unggoy ang Filipino, gaya-gaya lang kayo, e, di napatunayan nga, totoo nga," says Freddie Aguilar (main photo) about Filipino international artists Charice Pempengco and Arnel Pineda (insets).

Freddie Aguilar says Charice and Arnel Pineda prove that Filipinos are "monkeys"

Nonie V. Nicasio

Rating

"Hindi ko na kailangang sabihin, e, alamin n'yo na lang," sagot ni Freddie. "Mahirap kasi kung sa akin pa manggaling, e, sa dami ko nang nagawang kanta, mahirap kung sa akin manggaling."

 

Pero ano ba ang masasabi niyang nagawa sa kanya ng kantang "Anak"? Sa pagkakaalam ba niya ay nalagpasan o napantayan man lang ito ng iba?

 

"Yung 'Anak' is recorded in 27 languages, inilabas sa 53 countries. In fact, sumikat yung Tagalog, tapos mayroong mahigit 100 versions sa buong mundo. Tapos sa Who Wants To Be A Millionaire na game show, sabi, ang ibinenta raw ng 'Anak' is 30 million copies. Iyon ang sabi nila, pero puwede mong i-research.


"Ang alam ko noong 1980, 3.4 million ang sales, noong panahon na 'yon. Kaya maaaring totoo yung 30 million, kasi hindi naman tumigil ang benta ng 'Anak,' hanggang ngayo'y bumebenta pa rin," pahayag ng singer.

 

So, sa kinita pa lang niya sa "Anak" ay puwede na siyang buhayin sa habambuhay?

 

"Kung binayaran ako ng Vicor at ng BAMI (Bayanihan Music Incorporated), kasi hanggang ngayon ay nasa korte pa rin kami, e," sagot ni Freddie.


VEHEMENT ANTI-PIRACY. Naibulalas din ni Freddie ang kanyang damdamin sa mga music pirate.

 

"Puwede kaming maglabas ng album anytime," sabi niya. "Pero ipakiusap muna natin sa gobyerno na mapigil nila yung mga pirata. Para naman mayroon kaming lakas ng loob na mamuhunan at gumastos ng milyon. Yun lang ang hindrance, yung mga pirata lang, kaya ayaw ko munang maglabas ng album.

 

"Mabawasan man lang sana. Kasi noong araw, noong 1978, may pirata na rin noon. Kung hindi ako nagkakamali, 25 percent ay pirata na, e. Ngayon, baligtad na, wala na kaming percent, pirata na lang. Wala nang naiwan sa amin.

 

"A writer is always a writer," patuloy ng Pinoy folk rock icon. "Kaya lang, hindi ako naglalabas ng kanta dahil intellect namin yung ibinibigay namin, pagkatapos kapag lumabas yung intellectual  property namin sa tindahan, kinukurakot ng pirata. Kung ikaw, ninanakaw yung anak mo ng kung sino-sino, mag-aanak ka pa ba o hindi mo na lang palalabasin ang anak mo ng bahay? So, iyon ang masakit. Kaya sana kayong mga writer, tulungan ninyo kaming i-advocate na yung mga tao ay huwag bumili ng pinirata, or yung gobyerno natin, magbigay ng higit na mas mabigat na parusa.

 

"I was the first one who asked the Senate nang ipinatawag kami noon sa hearing sa Senate, 'Please involve piracy as an economic sabotage.' Kasi 'ika ko, sa isang mahirap na bansa, ang 100 million pesos a year na nawawala sa mga pirata, that's already an economy. Kaya, bakit hindi nila isinasama ang piracy sa economic sabotage?

 

"Bakit gusto kong isama sa economic sabotage ang mga pirata? Kasi, kapag naging suspect kang pirata, dadamputin ka ng pulis at diretso ka sa kulungan, walang bail. Pero nagtataka ako, bakit ayaw gawin ng gobyerno 'yon. Bakit, kasangkot ba sila sa pirata? Kakampi ba nila yung mga record company na namimirata?

 

"Masyado na kasing high-tech ang pamimirata, pero ang batas natin ay low-tech pa rin. Kaya dapat bigatan ang parusa talaga sa mga pirata," pahayag niya.

 

Di ba't may ginagawa naman ang Optical Media Board chairman na si Edu Manzano upang puksain ang piracy rito sa Pilipinas?

 

"Wala namang ngipin ang hawak ni kasamang Edu, e," sagot ni Freddie. "Kahit itanong mo sa kanya, aaminin niya sa iyo na wala naman silang ngipin, wala silang police powers. Kaya dapat ay bigyan sila ng police powers para may kapangyarihan talaga sila."

 

Pero ngayon may napasa na rin daw bill ukol dito mula kay Senator Bong Reviila?

 

"Dapat naman. Pero let's see, kasi mayroon na rin tayong intellectual property protection, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin natitikman, wala pa rin dahil nga pinipigilan ng pagbenta ng plakang legal, puro pirata ang kumikita. So, ano pa rin ang makukuha mo sa pagiging intellectual property owner mo kung wala kang bentang legal? Ganoon pa rin.

 

"Tuwang-tuwa rin kami noon nang magkaroon ng intellectual property protection, pero wala ring saysay dahil hindi nga bumebenta yung mga legal."


"BUHAY AY LANGIT SA PILING MO." Kung i-request siyang kumanta ng ating National Anthem, papayag ba siya?

 

"Hindi ako kakanta," sagot ni Freddie. "E, malaki ang singil ko, mababayaran ba nila iyon? Kung babayaran nila ako, kakanta ako, bakit hindi?"

 

Susundin ba niya yung tamang kanta ng "Lupang Hinirang"?

 

"Hindi ko masasabi, kung ano ang pakiramdam ko pagtayo ko doon, ako lang ang nakakaalam nun. Yun ang lalabas sa bunganga ko, hindi ko puwedeng planuhin. Kasi artist ako, e. Ang artist kasi, pagtayo ko doon at heto na, napakiramdaman ko na ngayon na, 'Teka, niloloko ninyo kaming mga Filipino, 'etong para sa inyo.' Hindi ba? Iyon yung sinasabi kong damdamin kong lalabas. Hindi mo puwedeng gitarahan yung National Anthem, mas maganda na acapella.

 

"Pero hindi n'yo alam ang sinasabi ko ukol sa 'Lupang Hinirang' natin, 'no?" balik-tanong niya. "Hindi n'yo alam na kini-criticize ko 'yan, 'no? Kaya magkakampi kami ni Julie Yap Daza sa pag-criticize ng 'Lupang Hiirang.'

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
999 Comments
page    1    2    3    4    5    6    7    8    9    10    11    12    13    14    15    16    17    18    19    20   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement