"E, pinatototohanan lang ang sinabi ni Mariah Carey na tayong mga Filipino ay mga unggoy. Kasi, wala tayong sarili, gaya-gaya lang tayo. Nasa Amerika ka na, binigyan ka na ng pagkakataon na kumanta sa Oprah, bakit kumanta ka pa ng kanta ni Celine Dion? Sinabi ni Mariah na mga unggoy ang Filipino, gaya-gaya lang kayo, e, di napatunayan nga, totoo nga," says Freddie Aguilar (main photo) about Filipino international artists Charice Pempengco and Arnel Pineda (insets).
Freddie Aguilar says Charice and Arnel Pineda prove that Filipinos are "monkeys"
Monday, July 6, 2009
03:08 PM
Rating
"Okay, sasabihin ko sa inyo na kung masusunod lang sana ako, ang gusto kong ending ng 'Lupang Hinirang' ay ...buhay ay langit sa piling mo, hanggang doon lang at wala na yung .... ang mamatay ng dahil sa iyo. E , di kayo na lang ang mamatay, ako ayaw ko. Gusto ko, buhay ay langit sa piling mo. Kasi, bakit? Papatayin ko yung kalaban ko at hindi ako magpapapatay sa kalaban ko. Bakit? Kaya api-apihan ang mga Filipino, inaapi tayo kahit saan tayo pumunta. Dahil doon, may kinalaman din 'yon sa mga pinaggagagawa natin sa sarili natin, sa buhay natin. Kailangang ipakita mo rin na hindi ka ganoon.
"Hayun na nga, isinulat ko na 'yan sa kanta, pero hindi rin nangyari. Naglabas ako ng album, ang title ay Juan dela Cruz. Kung sinunod ng buong Pilipinas at ng gobyerno natin yung buong plaka kong Juan dela Cruz, wala nang nangungurakot ngayon at wala nang tumatawid sa di tamang tawiran at wala nang nakalagay doon na, 'huwag tatawid, nakamamatay.' Pero mayroon pa ring tumatawid, dala-dala pa yung anak, nakikipagpatintero sa sasakyan. Kita mo? Damay-damay yun kaya hindi tayo umuunlad. Yung mga kaunti-unting ugali natin na ang tingin natin ay nakakalusot naman tayo, kasama lahat 'yon, e. Pati yung pagkanta ng kanta ng kung kani-kanino, e, binigyan ka na ng tsansa, e.
"Mayroon pa akong napanood sa Las Vegas," patuloy niya, "dahil pinilit ako ng promoter ko na manood dahil libre raw at naipangako raw niya na, 'Kapag nandito si Freddie, hihilahin namin, dahil kilala naman ni Ka Freddie ang mga artist na 'yan.' Sa madaling-salita ay hindi ko na tinapos ang show. Pero hindi ko na sasabihin kung sino dahil ang mga kinanta niya... Ang dami nating kanta na sikat sa mga milyun-milyong Filipino, pero kung ang kanta ay wala namang kapili-Filipino sa kinakanta, sabi ko ay niloloko tayo ng mga ito. Nandito pa naman ako, naglolokohan tayo. Kaya umalis kami in the middle of the show," tuluy-tuloy na esplika pa niya.
SOCIAL CONSCIOUSNESS IN ENGLISH. Lahat ba ng nasulat niyang kanta ay puro Tagalog, walang English?
"Kapag sinabi ko namang ganyan, magsisinungaling naman ako niyan," sabi niya. Kasi tayong mga Filipino, ipinanganak tayong dalawa ang language natin—Tagalog, English at pati pa yung dialect natin. Kasi second language na natin ang English dito, kaya noong una akong nagsusulat ng mga kanta ay puro English ang isinusulat ko. Kasi, wala akong inspirasyon sa TV at radyo na Tagalog.
"Alam mo naman, noong 1953 ipinanganak ako, noong lumalaki ako, ang mga sikat ay sina Mang Fred Panopio, si Victor Wood, si Aling Pilita [Corrales], yung Ruben Tagalog. Iyan, Tagalog ang kinakanta, kaya nga Ruben Tagalog, e. So, ang mga sikat na sikat, mga English ang kinakanta.
"So, nagsusulat ako noong umpisa, when I was 14 na di pa ako naggigitara. Pero nagsusulat na ako ng kanta, kasi may gitarista akong barkada namin at gumagawa-gawa na ako ng kanta, puro English ang sinusulat ko. Ang unang-unang composition ko noong 14 years old ako, ang title ay 'The Pusher.' Kasi, nag-start na rin yung marijuana pa lang noong araw at nakikita ko na ang masamang epekto.
"So, ganoon na akong magsulat, parang yung social consciousness ko ay nandoon na at the age of 14 pa lang. Nakikita ko kasi noon yung mga pusher sa mga kalye sa amin na tinatakot yung mga nag-aaral kapag hindi bibili," pagtatapos ni Freddie.
- Freddie Aguilar rails against NBI for bloody shootout during nephew's arrest
- Freddie Aguilar turns deaf ear to politicians who want him to run for office
- Glee stars, fellow celebrities, and fans condole with Charice via Twitter
- Charice on finding her musical identity: "Gusto ko pong ma-recognize as a singer from Asia, not an Asian singer trying to be an American artist."
- Aiza Seguerra reveals greatest frustration about local music industry; recalls rooting for Charice when the now-international sensation joined a local talent search and lost
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Bianca King says she has introduced rumored boyfriend Dennis Trillo to her mom and lola: " Wala namang problema."
- Kris Bernal and Mark Herras reunite in afternoon soap
- Nancy Castiglione on Vicki Belo and Hayden Kho Jr. split: "I don't really know what's going on."
- MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares on the new SPG rating for TV
- Louise delos Reyes and Enzo Pineda to go on a Valentine date via Skype
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
-
Homes and Family
Priscilla Meirelles reveals how pregnancy made her world "turn 360 degrees"
She says her initial plan was to get pregnant two years after her wedding, but she realizes, "God's time is the perfect time."
-
Movies
Jim Paredes excited for APO music-inspired film, I Do Bi Doo, Bi Doo
Sam Concepcion and Tippy Dos Santos are part of this musical film.
-
Couples
Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
Alice talks about the difficulties they encountered as married couple.
-
TV Rating AGB
Kapuso programs sweep both daytime and primetime race.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
Advertisement

