Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Wilma Galvante, ang SVP for Entertainment TV ng GMA-7, pagkatapos ng contract signing ng La Diva, na gagawa ng album na co-produced ng SonyBMG at GMA Network. Maganda raw ang business relationship ng Kapuso network with SonyBMG kaya nang mag-offer ang recording company na i-co-produce ang album ng grupo nina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Maricris Garcia ay kanilang tinanggap.
Ang SonyBMG din ang nag-produce ng album ng Sugarpop at magpo-produce ng album ni Aljur Abrenica. Nakikita ni Ms. Wilma na marami pa silang projects together with SonyBMG.
Natanong si Ms. Wilma tungkol sa mga umeere at eere pa lang na mga programa at ilang bagay na may kinalaman sa Kapuso network.
ROSALINDA. Una munang kinuha ang reaksiyon ni Ms. Wilma tungkol sa medyo mababa kesa sa ini-expect nilang rating ng pilot episode ng Rosalinda, ang pinakabagong primetime series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Nakakuha ng 26.3 percent ang Rosalinda sa pilot episode nito base sa Mega Manila rating ng AGB Nielsen Philippines.
Ani Ms. Wilma, "One and a half hour tumakbo ang Rosalinda, mahaba siya. Bitin naman kung 30 minutes lang. We were faithful to the [original] story kaya hindi namin maputol. Tatlong 30 minutes show ng ABS-CBN ang nakatapat niya."
Ipinarating ng PEP at ng iba pang kaharap na entertainment press kay Ms. Wilma na ayaw na ng viewers ng soap na nagsisimula ang istorya sa mga bata. Yun ang iniisip na isa sa mga rason kung bakit below 30 percent ang rating ng Rosalinda sa pilot episode nito.
"May kontrata kami sa mga producer that we have to follow. We can add or twist some characters, but we can't change the story. Gumaganda na rin naman ang ratings niya," paliwanag ni Ms. Wilma.
TOTOY BATO. Sumunod naming tanong kay Ms. Wilma ay tungkol sa action superstar na si Robin Padilla. Kukunin ba nila uli si Robin pagkatapos ng Totoy Bato?
"This year, wala muna siyang soap dahil once a year lang naman siya gumawa. If he does soap, yun lang ang mundo niya at dun ako bilib sa kanya," sagot ng lady executive.
Kumusta ang conflict sa pagitan ni Robin at ng scriptwriter ng Totoy Bato na si Suzette Doctolero?
"Okey naman sila. Hindi ito ang first time na nagkatampuhan sila dahil nagkatampuhan na rin sila sa Joaquin Bordado. Si Robin pa na mabait sa tao at kaibigan ng lahat."
Ang comment ng viewers ng Totoy Bato, nawala ang element ng boxing at naging fantaserye ito.
"May effects naman talaga yun," sagot ni Ms. Wilma. "Anyway, tapos na yun, huwag na natin silang pag-awayin. As of now, hindi na muna gagawa ng action series ang GMA-7 dahil sa Darna na up to the end of the year ang airing."
DARNA. Ano ang target pilot episode rating nila for Darna?
"Wala kaming tina-target na rating. Nasa trade party ba kayo ng GMA? Nakita n'yo sana na pagpasok ni Marian [Rivera] may excitement na agad sa advertisers, iba siya kumilos. For me, she's the prettiest Darna, mukha siyang manika," wika ni Ms. Wilma.
KOREANOVELAS. Kinumusta rin ng PEP ang Stairway To Heaven ni Dingdong Dantes at Full House ni Richard Gutierrez. Kailan talaga ang airing ng mga Pinoy version ng Koreanovelas na mga ito?
"September ang Stairway, pero wala pang partner si Dingdong. Gusto nga raw ni Marian, pero may Darna na siya. Nag-uusap-usap pa rin kami," sabi ng GMA-7 lady executive.






Good luck sa lahat ng new shows!
Proud to be Kapuso!
Congrats All My Life! Ang galing ng buong team! Keep it up!
Paging GMA7, kelan po ipapalabas ang Survivor Philippines season 2? Excited na kami sa walang script na action, sa mga games at twist. Hope before the end of this month kaso parang hindi ata kakayaning ng production kaya baka nga sa August, miss an po kasi namin ang SP!
tma nga nman, may darna n sya. ibigay n s iba ang stairway at fullhouse..
bgay kay iza o kya kay sunshine ang stairway..
s fullhouse nman, hndi bgay kay heart...
pero sayang tlga bagay na bagay c Marian bilang Jessie Han!!ang cute nya cguro pag kinanta nya ung ang 3 bear,,hehe
sayang tlga ang ganda pnman ng story ng Full House bka angkinin na2man ni anabelle n dahil saknila kya sikat ung program!hehehe
Si Jen naman mukang malabo na din. Kc may gagawin silang soap ni Mark.
Si Nadine, may Darna na siya. kaso saglit lang ang role niya doon, Isa siya sa unang makakalaban ni Darna. mamamatay agad siya.
Si Maxene, kulang pa sa acting. Pero pwede siya sa role.
Either Nadine or Maxene lang yan.
wag na si Rhianne!!!!