news

Eva Castillo calls Regine Velasquez her "angel" for giving her second chance at singing career

by Nora Calderon posted on July 18, 2009  STATS: 30268 Views | 70 Comments

There's more at stake for Eva Castillo than getting another shot at musical fame. It means being able to gather again her seven children, who were put in the care of different relatives because of hard times. 

Photo By: Noel Orsal

"Bakit Ako Mahihiya?" at ang English song na "Never, Never," ang kinanta ni Minerva "Eva" Castillo bago sinimulan ang launch cum press conference ng SRO Cinemaserye Presents: The Eva Castillo Story kahapon, July 17, sa Executive Lounge ng GMA Network Center. 

To support Eva, present din sa presscon si Regine Velasquez, ang naging tulay ni Eva para muli siyang makabalik sa pagkanta.

"Salamat po kay Regine, ang angel na ipinadala ni Lord," sabi ni Eva during the presscon. "Hulog po siya ng langit at siya ang ginamit ni Lord para makapunta ako rito. Kung hindi po niya ako ipinahanap, hindi ako magkakaroon ng second chance para kumanta muli."

Ang tinutukoy ni Eva ay ang paghanap sa kaniya ni Regine noong inihahanda nito ang birthday and thanksgiving concert niya at nai-suggest ng Papa niyang si Mang Gerry na bakit hindi niya isama sa Roots to Riches si Eva na sa napakaraming pagsasama nila sa mga amateur contests, minsan lamang siyang tinalo ni Regine. 

Pero si Regine, ayaw sarilinin ang tulong na nagawa niya kay Eva.

"Nagpapasalamat ako kay Direk Louie Ignacio na siyang tumatayong manager ni Eva ngayon," nakangiting pahayag ni Regine. "At sa GMA Network na binigyan nila ng pagkakataon si Eva na mabigyan ng second chance na makabalik sa pagkanta."

EVA MAKEOVER. Bago nagsimula ang presscon proper, nakausap na ng PEP si Eva na napansing malaki na ang ipinayat.  Nagpapapayat ba siya?

"May nutritionist po ako na nag-advise sa akin ng tamang diet para po mabawasan ang timbang ko," nakangiting sagot ni Eva.  "Sa breakfast po, banana and milk; sa lunch, fish and vegetables and one half cup of rice; at sa dinner, no more rice, fish, chicken and vegetables na lang.  Sa merienda, apple or fruit juice.  Bawal po ang mga junk foods, pero allowed akong kumain once a week, kung gusto ko po, ng chocolate o ibang food na gusto kong kainin.  Pero hindi po naman ako mahilig sa chocolates."

Ipinagtapat pala nang buo, walang inilihim si Eva sa totoong pangyayari sa buhay niya para sa The Eva Castillo Story, tulad ng dalawang lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa kanya at ang pagkakaroon niya ng pitong anak. Pero basta tungkol na sa mga anak ang pinag-uusapan, hindi mapigilan ni Eva ang mapaiyak.  Hiningi namin ang mga pangalan ng mga anak niya.

"Seventeen pa po lamang ako nang mag-asawa," kuwento ni Eva. "Iyong panganay ko po, si Joner, 21 at ang sumunod na si Joana, 20, ay nasa lola nila sa father side sa Urdaneta, Pangasinan. Si Pipoy, 18, ay may asawa na at lola na po ako, 8 months old iyong apo ko. Si Enang, si Reine, ipinangalan ko kay Regine, ay 16, sumasali rin po siya sa mga singing contest, mas mataas po ang boses niya sa akin; si Owel is 15, Nang-Nang, 14 at si Sharie, 11. Dalawa sa kanila ang nasa nanay ko at tatlo po iyong kasama ko ngayon. Iniwan ko na po ang Bangkusay in Tondo, lumipat na po ako sa isang apartment malapit lang dito sa GMA.

"Dream ko po talagang magkasama-sama kaming lahat.  Pero mababait po ang mga anak ko, hindi nagbabago ang pagmamahal nila sa akin kahit magkakalayo kami dahil hindi nawawala ang communications namin.  Kapag may okasyon po, like Pasko, dumarating sila, kapag school vacation nasa akin silang lahat. Nang time po lang 'yon, talagang sinabi ko sa kanilang hindi ko sila kayang palakihin.

"Kung noong araw nagsisinungaling ako sa kanila na kukunin ko na sila, kapag kinukulit nila ako, ngayon, totoo na 'yon. Sandali na lang, puwede na kaming magkasama-sama. Pero si Joner po kumukuha ng civil engineering sa Pangasinan at si Joana, nag-aaral po ng education, kaya baka doon na muna sila.  Si Joner po, nagulat nga ako nang bigla siyang dumating pagkatapos noong concert ni Regine, napanood raw niya ako, kaya bigla siyang lumuwas ng Maynila."

LETTING GO OF PAST HURTS. Ano ngayon ang masasabi niya na muli nga siyang nabigyan ng second chance?

"Labis-labis po ang pasasalamat ko, akala ko po hindi na darating ito. Pero hindi po ako tumigil ng kabubulong kay Lord, na gusto ko pong magkasama-sama kami ng mga anak ko. Akala ko po, hindi na Niya ako naririnig. Pero mas malakas daw po ang bulong at iyong last na bulong ko, narinig na Niya dahil hindi naman Siya natutulog, iyon ngang pagdating ng mga taga-GMA na ipinahahanap daw ako ni Regine. That time, may five years na akong nag-stop kumanta."

Mapait daw ang naging karanasan niya sa piling ng asawa at mga kaanak nito. Galit ba siya at hindi ba siya nag-isip na maghiganti ngayong nakabalik na siya?

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

70 Comments

  • 70  pathom

    07/21/2009 | 08:15 PM
    gogogogo MS.MANILYN REYNES...sana sa darating na starawards walang bilihan ng mga awards...PLEASE LANG IBIGAY KAY ATE MANILYN REYNES ANG ACTING AWARDS...NGAYON PA ALNG NANANAWAGAN NA AKO...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  karlandrew_

    07/20/2009 | 10:41 AM
    sobrang natuwa ako sa prod niya kahapon sa SOP at singer din ang mga anak di ba? kaboses niya yung babae... you deserve your second chance... sana tuloy tuloy na to for you. di ka man maging kasing laki ni regine eh sana you'll have enough to support your family. at kudos to regine dahil hinanap mo si eva.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  qwarkz

    07/19/2009 | 04:14 PM
    way to go eva! i've seen your transformation. magaling kang singer. Keep your feet on the ground pero bawas-bawasan ang 'po' at 'opo' at pagkamahiyain pag may interview. For sure, you'll get the hang of it.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  jasonsight

    07/19/2009 | 03:47 PM
    I dont know why her voice is really so charmingly attrative... She is not beautiful but she seems so sincere and effortless when she sings... she doesnt compete to others... as if the worls is within her when she sings....

    I will really watch her if she has a solo gig or show... I promise that.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  manje

    07/19/2009 | 02:52 PM
    Thanks Regine!...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  rhapsody

    07/19/2009 | 02:23 PM
    kakaiyak nga yung SOP kanina pero sa SRO ayos sakin yung batang babaeng gaganap na eva saka si Manilyn Reynes pero parang di pede si glaiza de castro ang layo kasi ng height nila ni Manilyn
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  shakshark

    07/19/2009 | 02:18 PM
    first time ko ata manonood ng SRO ngayon..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  shakshark

    07/19/2009 | 02:16 PM
    currently watching SOP.

    napakatouching ng no. ni eva with her kids.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  gtrrzptrck

    07/19/2009 | 01:33 PM
    omg.. nakaka touch naman.. naiyak naman ako.. :- good luck sayo Eva..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  reginenation

    07/19/2009 | 11:31 AM
    Oh gosh! teary-eyed ako sau Eva cant still believe Regine is God's instrument in Him giving you to us! isa na ako sa mga fans mo ngayon! Cant wait ako sa debut album mo! To Regine im even more of your fan today more than I did yesterday.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  manilaphils

    07/19/2009 | 10:22 AM
    Grabe binasa ko pa lang ang article very touching na.

    Sana Eva yung anak mo na sabi mo mas mataas ang boses sayo isalang din i guest paminsan minsan sa SOP or mag duet kayo para mahasa hehehe.'


    Attention: GMA 7 ayan may anak si Eva na magaleng din ang boses.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  shakshark

    07/19/2009 | 09:01 AM
    mabait tlga si regine.
    binibgyan nya ng mga chance ang mga gusto sumikat at matupad ang mga pangarap..

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  Franz1227

    07/19/2009 | 07:19 AM
    Natawa nMn ako ky 40. Nadiscover ni Regine sina Sarah, Rachel at ung la diva girls.Haha yun lng. Isang haha at malakas na haha. Parang di pinag isipan ang c0mment nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  pilibring

    07/19/2009 | 06:05 AM
    ok talaga si regine pwede naman nyang sabihin na sya ang nagpahanap kay eva para lalong humanga ang mga tao at mapag-usapan sya pero sa halip ibinigay nya ang credit sa ama nya. ibig sabihin lang non sincere syang matulungan si eva.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  hugnan32

    07/19/2009 | 05:42 AM
    kaya wag mong sayangin ang 2nd chance...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  hunkpapa

    07/19/2009 | 05:18 AM
    Napakaganda ng rendition nya ng theme song ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Walang birit just soulful voice. Galeng. It gives me goosebumps everytime i hear her sing. Punong puno ng damdamin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  strawberryjam88

    07/19/2009 | 04:10 AM
    I agree with all the Pepsters here that tutuong napakaganda ng boses nitong si Eva. At imagine, 5 years na tumigil sa pagkanta? Ito ang tutuong God-given gift, hindi nkakaumay at hindi kumukupas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  palengkera

    07/19/2009 | 03:42 AM
    Good luck, Eva.

    And Regine deserves all the blessings she receives because she knows how to pay it forward.

    Thanks, PEP, for this very positve story.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  arlene33

    07/19/2009 | 03:40 AM
    sana gma gawin nyong panatapat sa sessionista ng asap itong opm diva nila eva castillo naku baka makapagpakabit na rin ako ng pinoy tv nyan hehe kapag parating makikita c eva castillo sa tv for sure magpapakabit ako ng pinoy tv hehe..

    goodluck eva naway pagpalain ka sa iyong mga hangarin sa buhay at para sayo regine velasquez lalo lang kitang minahal hehe your such an angel talaga..

    goodluck to both of you..sana amraming tao amgdownload ng mga guesting ni ms eva castillo sa you_tube para marami pang makakita at maengganyo na sumuporta sa kanya.....salamat...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  pukachuchu

    07/19/2009 | 03:07 AM
    what da HELL!!! ok, nevermind about the numbers cause it keeps on moving. hahahaha :P
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About