Inamin ni Vic Sotto na pansamantala munang mawawala sa ere ang pino-produce niyang sitcom sa GMA-7 na Ful Haus. Papalitan daw ito ng bagong sitcom na pagbibidahan naman nina Manny Pacquiao at Marian Rivera, Show Me The Manny.
Nilinaw rin ni Vic ang usap-usapan na pagtatampo raw niya sa GMA-7 dahil sa pangyayaring ito.
"Wala akong tampo sa GMA. It just so happened that na-terminate na yung contract ng Ful Haus this July. And I'm still thinking... I'm still deciding whether to renew or not," paglalahad ni Vic nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng latest movie niyang Love OnLine (LOL) na ginanap kahapon, July 21, sa Moomba Restaurant, Quezon City.
So, nasa kanya ang option yung puwede siyang mag-renew sa GMA-7 or not?
"Yeah, they are asking me to renew. But I'm still thinking," sagot ni Vic.
Kailan ang deadline niya sa sarili para makapag-decide?
"Siguro pagkatapos nung sitcom ni Pacquiao. I don't know how long that sitcom will go."
Kailan mapapanood sa GMA-7 ang last episode ng Ful Haus?
"I think they will be airing the last episode this Sunday [July 26]."
Goodbye na ba ito para sa Ful Haus?
"Hindi naman, mag-e-air naman ulit yun," sabi niya.
Nalungkot ba siya sa pangyayaring ito?
"Oo naman. Pero sabi ko nga, magbabalik pa naman ang Ful Haus."
Paano pag naghanap ang mga fans ng Ful Haus at magtanong kung bakit wala na ito?
"E, abangan nila. Hanapin nila kung saan-saan. E, malapit lang naman yun. Baba ka lang ng konti o kaya konti pa," may pahiwatig na sabi ni Vic.






he has the right to feel bad or upset for he was loyal to GMA but GMA fails as always to see that. Theyre hooked on MARIAN RIVERA their goldmine FOR NOW.
trust me people are starting to get really bored of this woman who is not really a great actress. did she ever win anything at all in acting? nOPE.
people will watch the new darna series because it is DARNA not because of her. kahit ilagay nyo pa c EUGENE DOMINGO AS narda, people will still watch it. GMA wag kayong exag kay marian rivera. baka mastressed out yan at mag alsa balutan papuntang ABS. and i can see VIC sotto doing the same!
c vic sotto lng tlga gs2 ko..
kya khit lmpat k s dos..
ok lng..
welcum k s kapamilya!!
bka mas maganda ang offer sa iba... if ever, good luck na rin po.
pinakamababang channel kasi sa cable amin, channel 11!!!
and sa totoo, lang hindi maganda ang ful haus, corny most of the time...
medyo hindi nabibili ang mga patawa...
so siguro may rason din kung bakit pinalitan ng ibang show ang ful haus,
bossing vic, siguro come up with another sitcom nalang but hopefully with gma parin...
pero ang decision siyempre na kay bossing vic parin...
ok lang siguro kung sa TV5 but still parang bad image padin un sa GMA
kaya to GMA alagaan padin si bosing!
bsta kung ako sayo jan ka na sa GMA,.