Sen. Bong Revilla speaks up about new issue with Rosanna Roces over their grandson


 
"Kung ang hangad ni Osang ay maging maganda rin para kay Gab, e, siguro ganun din kami. Parehas lang kami. Wala namang ano. Kaya ang mas maganda, pag-usapan lang nang maganda. Hindi dapat paratingin sa ano, hindi dapat magtakutan. Dahil kung tatakutin kami, matagal na kaming takot, e," says Senator Bong Revilla about actress Rosanna Roces (inset).

Sen. Bong Revilla speaks up about new issue with Rosanna Roces over their grandson

Trisha Alvarez

Rating

So, hindi nila alam na marami nang alam na ganun si Gab?

 

"Si Gab 'pag sa amin, ano siya, e, siyempre, actually nadisiplina siya. Hindi siya nakukunsinti sa, halimbawa, kapag kailangan nang uminom ng gamot. Hindi naman kami namamalo ng bata, e. Hindi naman. Di ba, sinasabi tinatakot? Hindi kami ganun. Sa mga anak ko, walang ganun. Never kaming nanakit ng bata. Pero ngayon, si Gab, maganda yung ano, kumbaga wala na siyang Pampers [diaper] ngayon. Umiinom na siya ng gatas ngayon. Umiinom na siya ng gamot niya on time. Pumapasok siya sa school on time. Pero nung unang araw ng ano niya, hindi mo maano 'yan.

 

"Ako, natitiyempuhan ko, hindi ko maano 'yan, hindi magising nang maaga. Pero kapag nakita niya ako, 'Ayan na si Lolo Bong, si Papa Bong.' Tatayo na yun. Siguro yung nakikita niya, respeto. Magbibihis na yun, tapos ki-kiss na sa akin yun. Kita mo yung paggalang. Pero yung hindi takot, hindi yung, 'Hindi, huwag mo nang papasukin 'yan.' Hindi ganun. Hindi natin ginaganun. Kasi sa mga anak ko, hindi mo puwedeng i-spoil. Marami kasing klase ng pagmamahal. Kapag sumobra rin ang pagmamahal mo, masama rin," mahabang pahayag ni Bong.

 

Ayon sa senador, nagkausap na rin daw sila ni Osang sa telepono.

 

"Tinawagan ko siya. In fact, sabi ko, 'Osang, pag-usapan n'yo na lang ni Jolo 'yan.' Sabi ko, hindi maganda na nag-aaway yung... Hindi maganda tingnan kung ano ang sinusulat sa Facebook, ang naapektuhan yung bata. 'Tsaka kapag bata ang pinag-uusapan, hindi dapat pag-usapan 'yon when it comes to ano, ganyan. Sabi ko, 'Pag-usapan n'yo na lang ni Jolo. Kawawa naman. Kawawa naman yung mga bata.' 'Hindi, basta iuwi ninyo si Gab dito.' Matigas siya.

 

"Alam mo sa kanya, mahal na mahal niya ang bata. Sa tinign ko, in fairness kay Osang, sobrang mahal niya si Gab. Naging over-protective siya. Ayaw niyang umiiyak yung bata kaya lahat ng gusto, ibibigay. Hanggang sa dumating na nauubos yung ngipin. Nabulok lahat yung ngipin. Dalawa o tatlo lang ata ang natira. Bungi lahat."

 

Kumusta naman si Jolo sa gitna ng isyu sa kanila ni Osang?

 

"Confused, very disappointed. Malungkot siya. Very bothered, ganun. Kaya sabi ko sa kanya, 'Anak, mag-workout ka na lang. Doon mo na lang ibuhos ang sama ng loob sa gym para mas maganda ang katawan mo kesa sa akin!' Hindi, binibiro ko na lang. Kaya nag-jogging kami magkasama kanina, e. Inaliw ko na lang siya. Bonding na lang kami. Jogging kami."

 

LANI TO RUN IN CONGRESS. Kinumpirma naman ni Bong ang pagtakbo sa 2010 elections ng misis niyang si Lani Mercado sa Bacoor, Cavite.

 

"Lani is running, definite na. Congresswoman. Hinihintay lang namin yung desisyon ng pagre-redistrict ng Cavite into seven provincial districts. Magiging District I na ang Bacoor ng lalawigan ng Cavite. Actually, ang hinihintay na lang namin yun. Pero malaki naman ang porsiyento na papasa siya," pagtatapos ni Bong.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
177 Comments
page    1    2    3    4   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement