IS AKIHIRO A KAPUSO? Nakita na si Akihiro na kasama ng mga Kapuso stars na rumampa noong 56th anniversary ng GMA-7 sa Araneta Coliseum. Kaya naman marami na ang nag-assume na isa na nga siyang Kapuso star.
Pero ayon sa kanya, "I still have to talk to my manager, Jonas Gaffud. We plan to do a show, movies, and soap opera."
Sino ba ang gusto niyang makapareha?
"Maraming babaeng maganda rito!" natatawa niyang sabi.
Pero sino ang pinakagusto niya?
"Gusto ko si Marian Rivera. Si Rhian Ramos and Carla Abellana...maganda sila," banggit niya.
Na-disappoint ba siya nang hindi si Marian ang makasama niya sa endorsement ng isang spa dahil nabalitang sila sana ang parehong mag-e-endorse nito?
"Well, I don't know because I had other talent, Karylle, she's a big talent. Such a nice person. And with Marian, I'll just wait for the next time, for the next opportunity. I'm not disappointed because I'm always happy," sabi niya.
PHILIPPINES OVER THAILAND. Bago nakilala si Akihiro rito sa Pilipinas, mas nauna siyang sumikat sa Thailand bilang modelo at balitang may offer din sa kanya roon na maging artista. Bakit mas pinili niya ang Pilipinas?
"Kasi mahirap ang kanilang language. Pero gusto ko rito sa Philippines. Kasi, the language Tagalog is, I think, I like more," sagot niya, na pinipilit pa ring mag-Tagalog.
Ano ang attraction sa kanya to stay in the Philippines for good?
"The people...like all the people support me," sagot ni Akihiro. "I don't know. I just feel so good here. I just can't explain, but I really like to stay here. Actually, I look more Filipino than being Japanese or Brazilian. That's why I love it here. And I have my ID already, I'm a dual citizen now and I'll stay here for good."
Tanggap na raw ng pamilya niya ang desisyon niyang gawing tahanan ang Pilipinas.
"My family was here last month. They can visit me anytime and I can go there anytime. My family knows what is happening here. They know that I have work here and they are happy because they saw me very happy here."
Sayang nga lang at hindi namin nakumpirma kay Akihiro, pero may nakapagsabi sa PEP na sa pagbabalik ng Celebrity Duets ay isa raw si Akihiro sa celebrity contestants na kasama sa show.






gudluk on your career!!!
Muy caliente!!!
bigyan na lang sya ng role na spanish yung salita tapos lagyan ng subtitle
matuto pa ng spanish ang mga pinoy hehe